ANGELO's POV
Hello guys I'm Angelo Bautista 25 years old at 5 taon na din kami ng girlfriend ko na si Anicka Mendez , ang hirap magkaroon ng gf na sobrang paranoid yung lahat naman ginagawa mo para lang mapanatag ang loob nya na kahit kelan hindi ko sya iiwan at ipagpapalit tulad ng sinasabi ng iba .
Naniniwala ako na wala naman sa itsura yan eh ang mahalaga yung nakikita ko at hindi nakikita ng iba .
"In love na in love pre ah" tawang puna ni kevin , (matalik kong kaibigan) sabay bato sa akin ng tissue. andito kami ngayon sa mang inasal
Corny na kung corny pero sa twing tinititigan ko si Anicka para akong nawawala sa sarili ko . Kahit pa sinasabi ng iba na maraming mas magagandang babae kesa sa kanya pero anong magagawa ko kay anicka ko lng naramdamn yung gantong pakiramdam , sa limang taon namin ni hindi nabawasan yung pagmamahal ko sa kanya . Naniniwala ako na sya na yung babae para sa akin.
"Ma iin-love ka din pre , at pag nangyare yun ako unang maglilibing sayo sa tissue na to hahahaha" bulong ko sa kanya .
"Pre I'm in love " sagot nya at kumindat pa sa akin . Hayy naku kaibigan ko to pero sana talaga tamaan na na to ng pana ni kupido ng magtino naman .
"Babe come on" malanding tawag sakanya ng babaeng nasa tabi nya , ano nga ba ulit pangalan nito ? Ayy ewan malamang isang linggo lang din to tulad ng iba .
"Oh pano ba yan pre , mauuna na kami ng prinsesa ko ," paalam nya "anicka una na kami , enjoy your date" baling nya din sa gf ko at binigyan nya ako ng ngiting "alam na this" at ayun tuluyan na nga silang umalis
"Kumain ka pa mahal" baling ko kay anicka na masama na namang nkatingin sa akin . "May problema ba?" Takang tanong ko . Hayy ito na naman kami nagagalit na naman sya ng hindi ko alam ang dahilan .
JOEY's POV
"El . Nagresigned na pala ako kanina " kabadong sabi ko kay ellie habang kumakain kami , kaya niyaya ko syang mag lunch ng maaga dahil alam kong mahaba habang paliwanagan to . Hindi ko kasi alam kung anong magiging reaksyon nya pag nalaman nya at ang tunay na dahilan kung bakit ko ginawa un.
"Sorry kung hindi ko sinabi sayo , sana maintindi . . . "
"Ano?!! Teka huh teka lng tama ba narining ko ?! " putol na naman nya sa sinasabi ko . Bunganga talaga nito eh . Nakakahiya tuloy dahil ang iba sa mga kumakain ai lumingon sa gawi namin , bahagya na lang akong yumuko pra itago yung muka ko . Hayyy sabi ko na nga ei OA talaga.
YOU ARE READING
maybe
General FictionNaniniwala ka ba na pag mahal mo ang isang tao yung last chance nagiging unlimited chance ? Pano mo nga masasabi na tama na . Pano mo malalaman kung kakapit ka pa ba o bibitaw na ?