Joey's POV
KRinggggggggggggg kringggggggggg kringgggggg kringgggggggg ......
(Ano ba naman tong babae na to gising na lahat ng mga kapit bahay sa alarm nya sya tulog pa din haist .) Maktol ko habang pupungas pungas na papunta sa kwarto nya .
"Ellie gising na may tatapusin ka pang paper works " sabay hiklas ng kumot
"Joey maaga pa , mamaya na please antok pa ako" ungot nya sabay dapa
"At bakit puyat ka na nmn aber ? Hulaan ko . Napuyat ka na naman kakaistalk kay angelo nuh ?" Nababagot na tanong ko habang binubuksan ang bintana ng kwarto nya . Sanay na ako sa gantong set up namin para akong nanay nya . Ewan ko ba sa babaeng to may nanliligaw naman sa kanya hindi ko maintindihan bakit nagpapakabaliw sa isang tao may sabet . Hayyyy pag ibig nga naman nakaka bobo .
"Hindi ko na sya crush" gulat akong napatingin sa kanya like wow . Tama ba narinig ko hindi na nya crush si Mr. Right nya hahaha "bakit naman ? Haha anyare kay Mr. Right mo ? Tudyo ko .
ELLIE'S POV
"Joey maaga pa , mamaya na please antok pa ako" Ungot ko sabay dapa .
"At bakit puyat ka na nmn aber ? Hulaan ko . Napuyat ka na naman kakaistalk kay angelo nuh ?" Dagdag pa nya . Haist kung alam mo lng joey . Tangna naman kasi sa dinami dami ng tao bakit naman kasi naging magkaibigan pa yung dalawang kulugo na yun , ngayon wala ng pag asa ang love story namin ni Angelo ko huhuhuhu"Hindi ko na sya crush" sabi ko sa kanya sabay bangon. "bakit naman ? Haha anyare kay Mr. Right mo ? Tanong nya . Tinignan ko na lang sya at nagkibit balikat
"Okay lng yan madami naman dyang iba eh , sakto may lakad tayo mamaya diba ? Nakangiting sabi nya
Pagkatpos kumain dumiretso na ako sa cr para magsipilyo , at hanggang ngayon iniisip ko pa din kung pano ko sasabihin sa kanya yung nalaman ko . Oh kung wag na lang kaya ? Kunyare wala na lang akong alam ? Tama tama wag na lang . Bahala na ang tadhanang magsabi . Hayy ang hirap naman ng ganto kanina habang kumakain kami akala nya siguro nasisiraan na ako ng bait .
Flashback . . .
"Huy so ano ngang nangyare ? Magkwento ka naman" untag sa akin ni joey hababg kumakain kami , hay naku mukang walang balak tong tigilan ako ah .
"Ayun nga friend jusme ang siraulong yun " with matching punas luha pa kunyare "di ba nga dahil sobrang bilis mo kagabi or kanina rather ayun sa labas ko na sila naabutan whaaaaaa :( alam mo ba ang nakita ko ? " sabay hawak sa dalawa nyang kamay "naghahalikan sila ng girlfriend nyang mukang paa . . " atungal ko pa "hindi ko matanggap na nakikipaghalikan sya dun sa mukhang bis . . . "
"EwAn ko sayo ! Puro ka na lang kalokohan eh!" Putol nya sa pagdadrama ko . Sabay ayun nilayasan na ako diba ang galing ? Nagpapakwento sabay lalayasan ka . Aba aba -_-
END OF FLASHBACK . . .
YOU ARE READING
maybe
Ficción GeneralNaniniwala ka ba na pag mahal mo ang isang tao yung last chance nagiging unlimited chance ? Pano mo nga masasabi na tama na . Pano mo malalaman kung kakapit ka pa ba o bibitaw na ?