CHAPTER 11: CLASS IV

16 2 2
                                    

                        CLASS IV

7:00am dumating na ang lahat ng mga studyante ni Mrs. Valentin. 7:15am ay nagflag ceremony na sila at pagkatapos ng flag ceremony nila ay pumunta na sila sa classroom. 7:30am ay dumating na si Mrs. Valentin.

"Good Morning Class" sabi ni Mrs. Valentin

"Good Morning Ma'am Valentin" sabi ng mga studyante ni Mrs. Valentin

"Please take your sit class" sabi ni Mrs. Valentin

"Thank You Ma'am" sabi ng mga studyante

"May dalawa akong sasabihin sa inyo. Una, bukas na yung 3rd Convocation natin at mamaya ko na ibibigay sa inyo ang program. At pangalawa, may nagreport sa akin na may nag-aaway dito sa loob ng classroom kahapon" sabi ni Mrs. Valentin

"Sino yun?" Binobulungan ng mga studyante

"Stop! Halos araw-araw na kayo nag-aaway dito! Rhea! Ano na ba ang nangyayare sayo? Dati hindi ka pa ganito, pero ngayon nakikita na ang lahat ang totoong ugali mo!" Galit na galit si Mrs. Valentin

Napatahimik si Rhea at nahihiya sya sa kanyang mga kaklase.

"Ma'am hindi nya po yun kasalanan. Ako po ang may kasalanan sa kanya" sabi ni Olivia

"But Olivia?" sabi ni Diana

"Ako talaga ang may kasalanan sa kanya kasi ako po ang nakasira sa buhay nya at sa lahat ng pinaghirapan niya" sabi ni Rhea kay Mrs. Valentin

Hindi naniniwala ang mga kaklase nya at hindi rin naniniwala ang kanilang guro.

"Alam ko Olivia, pero hindi talaga ikaw ang may kasalanan eh" sabi ni Mrs. Valentin

Napa-upo si Olivia at umalis si Rhea sa kanilang classroom at pumunta sya sa balcony. Sinundan sya ni Mrs. Valentin.

"Rhea?" Sabi ni Mrs. Valentin

"Ma'am pweding umalis muna kayo?" Paki-usap ni Rhea kay Mrs. Valentin pero lumapit ang kanilang guro

"Paki-usap ko talaga sayo, please.... please.... please.... wag mo na uulitin yun. How many times do I have to tell you na wag mo na uulitin yun kasi ikaw lang ang nakakasira ng buhay mo. At ayaw rin ng mga other subject teacher mo na palagi kang nakikipag-away sa mga kaklase mo, lalo na kay Olivia" sabi ni Mrs. Valentin kay Rhea

"Okay po ma'am, I will try not fighting with them po" sabi ni Rhea

Bumalik na si Rhea at si Mrs. Valentin sa classroom.

"Guys, pasinsyahan nyo na ako sa lahat ng mga kasalanan ko sa inyo. Lalo na sa inyo Zhack, Andree, Luke, Kent, Diana, James at Olivia. Sana mapatawad nyo ako" sabi ni Rhea sa lahat ng mga kaklase nya

"Promise mo yan Rhea, kapag hindi mo yan ginawa Rhea, hindi na talaga kami magdadalawang isip na ipapapunta ka namin sa Principal's Office" sabi ni Kent

"Oo, promise yun Kent, hindi na uulitin yun" sabi ni Rhea kay Kent.

Nagkasundo na ang mga studyante ni Mrs. Valentin at pagkatapos ng lahat ng mga subjects sa umaga ay pumunta na sila sa canteen para kumain.

"Rhea, sabay ka na sa amin" sabi ni Olivia

"Wag na, kami na lang ni Lizbeth" sabi ni Rhea kay Olivia

"Ahhh... okay" sabi ni Olivia kay Rhea

Nang patungo na sila sa canteen ni Lizbeth ay nag-uusap sila.

"Wow Rhea, hindi ako makapaniwala na nagawa mo yun kanina" sabi ni Lizbeth

"At naniniwala ka naman dun" sabi ni Rhea

"Ahhh... akala ko nagbago kana" sabi ni Lizbeth

"Syempre, hindi, ayoko kaya ng ganun kasi puros pabebe na lang ang mga gingawa nila" sabi ni Rhea kay Lizbeth

"Hahahahaha, yan ka talaga Rhea" sabi ni Lizbeth

"Hahahahahahaha" tumatawa rin si Rhea

Habang kumakain ang magkaibigan ay pinag-usapan nila si Rhea

"Guys, hindi ako makapaniwala na nag bago na si Rhea" sabi ni Zhack

"Oo, nga" sabi ni Andree

"Hindi ako maniniwala... eh pa drama... drama... lang yun" sabi ni Diana

"Ahhhh..." sabi ng mga kaibigan na

"Basta guys, intindihin na lang natin si Rhea. Baka magbago pa sya sa susunod" sabi ni Olivia

"Hoy! James! Ano na?" Sabi ni Zhack

"Wala lang" sabi ni James

"Hindi ka maka move on sa ex mo no?" Tanong ni Diana kay James

"Hoy Diana, nakamove on na ako sa kanya, at tsaka wala na akong feelings sa kanya" sabi ni James sa mga kaibigan nya

"Ahhh..." sabi ni Diana

Pagkatapos nilang kumain ay pumunta sa sila sa classroom at naghihintay sila sa kanilang subject teacher. Habang naghihintay sila ay nagbabasa si Olivia ng mga libro. Ilang minuto lang ay dumating na ang kanilang subject teacher. Pagkatapos ng klase nila ay hindi muna sila pinauwi ni Mrs. Valentin kasi may ibibigay si Mrs. Valentin sa mga studyante nya.

"Class, heto yung program. Kailangan ibigay nyo 'to sa magulang nyo" sabi ni Mrs. Valentin

"Naku, nakalimutan ko sabihin kina mommy at daddy na pupunta dapat sila dito" sabi ni Olivia kay Diana

"Okay lang yan Liv" sabi ni Diana kay Olivia

Binigay na ni Mrs. Valentin ang program. At pinauwi na sila ng maaga. Pagdating ni Olivia sa kanilang bahay ay sinabi nya kaagad na nasa top 1 sya sa kanilang klase at sobrang saya nila.

"Wow, naman anak, ang talino mo naman" masayang masaya si Hance at ganun din ang kanyang asawa na si Lidia

"Thank You daddy, dapat pupunta kayo bukas sa school at gusto kung kayong dalawa ang kasama ko sa stage" sabi ni Olivia sa kanyang mommy at daddy.

"Oo naman anak, basta ikaw" sabi ni Lidia at niyakap nila si Olivia

Sinabi rin ni James na nasa honor roll din sya at masayang masaya din ang pamilya ni James.

"James, pagbutihin mo yan kasi gusto kong maging architect ka" sabi ni Edward

"Oo anak, dapat lang, kaya fighting!" Sabi ni Linda

"Opo, pagbubutihin ko yun" sabi ni James sa kanyang mga magulang

"Hay salamat, kasi masayang masaya na sina mommy at daddy, at sana ganito sila araw araw" sabi sa isip ni James

"Ohh anak, bakit ka natulala?" Tanong ni Linda kay James

"Ayy wala po, na isip ko lang na masayang masaya kayo ngayon" sabi ni James sa kanyang mga magulang

"Bukas, kakain tayo sa Jollibee" sabi ni Edward

Masayang masaya si James kasi kakain sila bukas sa Jollibee

School LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon