Vacation🌴
"Nasa'n na ba ang mga bata, ba't di pa sila bumababa?" tanong ni Edward
"Baka namasyal-pasyal lang dito sa hotel" sagot ni Linda
"Sino ho ba ang hinahanap niyo?"tanong ni Ethan
"Oh, Ethan! Hinahanap kasi namin sina James at ang kaniyang mga kaibigan. Nakita mo ba sila?" Sabi ni Linda
"Ah oo, sabi nila magpapahinga muna raw sila" sagot ni Ethan"Ethan puntahan mo muna sila sabihin mo kakain na tayo" utos ni Linda
"Okay po tita" sagot ni Ethan
Pinuntahan ni Ethan sa kwarto sina James.. Nang makarating siya ay kumatok siya kaagad sa pintuhan
"Pinsan, tawag na kayo ng mommy at daddy mo. Kakain na raw." tawag ni Ethan kay James. Kinatok niya ulit ang kwarto ng malakas.
"Oo, bababa na!😩" sabi ni James
"Pababain mo rin mga kaibigan mo!!" sigaw ni Ethan
"Okay" sabi ni James
Ginising ni James ang kaniyang mga kaibigan..
"Guys! Gising na! Kakain na! Andree, Zhack gising na!" Ginising ni James ang mga kaibigan nya
"Uh! Bakit ba?!"tanong ni Andree
"Kakain na tayo"sagot ni James
"Kakain na!😃"sabi ni Zhack
"Oo, hali na kayo!"sabi ni James
"Sina Diana?"tanong ni Andree
"Pupuntahan nga muna natin sila" sagot ni James
Kinatok na nila ang pintuhan ng room 1204 na sunod sa kwarto nila
"Ah Okay" sabi ni Andree
"Diana, Olivia kakain na. Hali na kayo" sabi ni James
"Okay, susunod kami" sagot ni Diana
Nauna nang bumaba sina Andree, Zhack, at James. Mga ilang segundo lang ay bumaba na rin sila Olivia at Diana.
"Nandito na pala kayo, umupo na kayo at nang makakain na." sabi ni Linda sa kanila
"Opo" sagot naman nilaHabang kumakain ay nagsalita si Hance "James, ipinasyal mo na ba sila dito sa Cebu?" "Dito pa po sa hotel" sagot ni James "Kung ganon mamasyal kayo bukas, sasabihin ko sa driver natin na ipasyal kayo sa mga pasyalan dito sa Cebu" sabi ni Hance "Nakaka-excite naman, James pumayag ka na" sabi no Zhack "Siyempre naman" sagot naman ni James at tumawa silang lahat dahil sa pagsigaw ni Zhack na parang bata
Pagkatapos kumain ay naglakad-lakad muna silang lahat sa hotel para masaya
Habang naglalakad ay nagsalita si Andree "Excited na ako para bukas" masayang wika ni Andree "Oo nga" pagsang-ayon naman ni Diana "Guys! Balik na tayo sa rooms natin at matulog na para maaga tayo bukas" suhestiyon naman ni Olivia at suumang-ayon naman ang lahat kaya bumalik na sila sa mga rooms nila upang makapagpahinga
"Good night guys" sabi ni Diana at Olivia habang papasok sa room nila. At natulog na
Kinabukasan ay maaga silang lahat gumising at nagbihis na. Pagkatapos magbihis ay bumaba na sila at kumain na
"Guys! Dalian niyo naman at nang makapasyal na tayo" sabi ni Zhack
"Ouh, nadyan na Zhack" sabi ni Andree
"Sigeh na, bilisan nyo na kasi ang babagal nyo naman Andree" sabi ni Zhack
"Makapagsabi ka naman Zhack parang excited ka😤 oh di kaya excited ka na makita si Diana.... ayieee💕💗" nakikilig si Andree
BINABASA MO ANG
School Life
FanfictionIto ay isang kwento na nakakatawa, at nakakakilig. Magkaklase silang dalawa hanggang nasa Kolehiyo na sila pero ilang buwan lang ay pinatransfer si Olivia ng kanyang daddy sa London para dun magtapos at para mapakasal sya sa ibang lalaki (British Ma...