Chapter 3: Annoying girl

0 0 0
                                    

Andito ako ngayon sa cafeteria boring kasi kung dun lang ako sa dorm maghihintay.

Pumunta ako sa counter.

"Ano sayo iho?" Tanong ng matandang babae sa akin na siguradong namamahala sa cafeteria na to.

"Hmmm. I'll take coffee." Sabi ko rito.

"Baka gusto mo tikman ang bagong specialty namin iho. Strawberry cake. Galing pa sa baguio ang ginamit namin jan" suhestyon nito ng nakangiti.

Napangiwi ako dahil hindi ako kumakain ng matatamis.

"Hindi siya gaanong matamis iho" dugtong nito na para bang nababasa ang isip ko.

"Ah. Sige po" sabi ko rito at ngumiti.

Umalis ito saglit para siguro gawin ang inorder ko. Inikot ko ang paningin ko sa malawak na cafeteriang ito. Hm. Nothing's special. May kakaiba nga ba talaga sa lugar na ito?

"Eto na ang mga inorder mo iho" nabalik naman ako sa reyalidad ng magsalitang muli ang matanda.

"Salamat po." Tugon ko rito at inabot ang isang libong galing sa aking pitaka upang kabayaran sa aking kinuha.

Agad naman ako nitong sinuklian. Naupo ako sa bandang pintuan ng cafeteria upang makaalis ako agad kung sakaling magtext si manang. Inilapag ko ang mga inorder ko sa aking lamesa.

Tinikman ko ang cake na sinuhestyon ng matanda kanina. Tama lang ang tamis nito at tumama sa panlasa ang medyo matamis at konting maasim na strawberry nito.

Sumimsim ako ng kaonti sa kape ko. Ang sarap ng timpla nila dito.

"Do you mind if I seat with you?" Kamuntikan na akong masamid ng may babaeng magsalita sa aking harapan.

Inikot kong muli ang aking paningin sa buong cafeteria. May mga bakanteng lamesa pa naman ah. Bakit makikiupo ito?

Tinignan ko ito. Ayoko namang maging bastos. Kaya tumango na lang ako dito.

Maganda siyang babae. Fair skin, brown eyes, pink thin lips, straight black hair, and her long eyelashes. Pero para sa akin ay mas maganda si Gehenna, ang babaeng naghatid sa akin kanina kahit na wirdo siya.

"Transferee?" Tanong ng babaeng nakaupo sa harap ko ngayon.

"Oo." Tipid kong sagot.

Nakauniporme ito. Itim na blouse at skirt na pula. Naka tuck in ang long sleeve na blouse nito sa kanyang skirt na hanggang legs lamang at naka medyas na itim abot tuhod. Paniguradong ganto talaga suotin ang uniporme nila dahil madami akong nakasalubong na ganito rin ang suot.

"Do you smoke?" Nagulat naman ako tanong nito kaya agad akong napatingin sa kanya.

"Just kidding! HAHAHAHA!" Dugtong nito at tumawa pa.

Napailing na lang ako dito.

"Pero, I smoke. I drink liquor too" bulong nito.

Napakunot ang noo ko. Bawal ito ah.

"Shhh. Lets keep it a secret, I only smoke or drink when it's Friday or Saturday, I do it all by myself at my dorm. You know, for safety." Dugtong ulit nito.

Mas lalong kumunot ang noo ko. Fridays and Saturdays? For safety? Ha? Ano daw? Puro weirdo ata ang nagaaral sa school na to e.

"Naguguluhan ka ba? Syempre kaylangan Friday at Saturday para walang pasok kinabukasan ano ka ba! Bawal pa man din mag cutting. Nako! At yung for safety naman, syempre baka may magsumbong kay Mrs Hendrew. Lagot na! Nakakatakot pa man din ang parusa ng anak niya kung nagkataon" sabi nito na parang nabasa ang tanong sa utak ko.

mind reader ba ang mga tao dito?

"Huy? Ano ba? Pipi ka ba? Wala ka man lang sasabihin?" Iritang tanong nito.

"Anak ni Mrs Hendrew? Bakit siya pa ang kaylangan mag pataw ng kaparusahan?" Kunot noong tanong ko rito.

"Shhh. Hindi ako pwedeng magsalita tungkol jan" sabi nito bago uminom sa juice niya.

"Ha? Bakit naman?" Curious na talaga ako rito.

"Hindi ko din kasi alam" sabi nito at tumawa ng malakas.

Napangiwi ako. Ang weird niya.

"Ooops. Sorry for that." Sabi nito na napahawak pa sa bibig niya.

Maya maya ay sumeryoso na ito.

"Isa lang ang alam ko. Hinding hindi mo gugustuhing makita ang anak ng may ari nitong school magalit." Seryosong sabi nito at saka umalis sa aking harapan.

Nakatulala lang ako at paulit ulit ko naririnig ang huli nitong sinabi. What's with this school?

Bigla namang nagvibrate cellphone ko. Nakita ko ang notification nito na 1 message agad ko itong inunlock at binuksan ang mensaheng natanggap.

Si manang. Nasa labas na daw. Agad akong tumayo at pinuntahan na si manang.

Bawal din palang lumabas dito pag studyante ka at hindi pa tapos ang quarter. Mabuti na lang at nakita agad ako ni manang at iniabot na lang ang ipinapadala ko. Dalawang traveling bag, gitara ko, at dalawang malalaking plastic ng grocery ang dala ni manang na kinuha ko. Napakamot na lang ako ng ulo ko dahil mukhang mahihirapan akong dalhin ito sa dorm ko.

"Heeey! Need help?" Halos mapatalon ako sa gulat ng sumulpot nanaman ang babaeng kausap ko kanina.

"Stop being a mushroom" iritang sabi ko rito.

Kinuha niya ang gitara ko na nasa guitar case at isinabit ito sa kanyang kanang balikat, isinabit niya naman sa kaliwa ang isang traveling bag habang hawak ko naman ang groceries at isang traveling bag ko.

"Mushroom?" Natatawang tanong nito.

"Oo. Bigla bigla ka kasing sumusulpot kung saan. Parang mushroom" umiiling kong tugon rito.

Nauna na akong naglakad habang sinusundan niya naman ako.

Nakarating naman kami ng dorm ko. Nandito pa din siya at nakaupo sa sofa habang ako naman ay umiinom ng tubig sa pagod.

Umupo ako sa kabilang sofa.

"Bat jan ka umupo? Pwede naman dito. Ang luwang luwang oh?" Sabi nito habang inilalahad ang natitirang espasyo ng upuan.

"Hindi ka pa ba aalis?" Tanong ko rito. Bastos ba? Hindi ko kasi alam kung paano itanong ito ng maayos.

"Pinapaalis mo na ba ako?" Tanong nito at nagpout pa.

Umiling na lang ako. Tinitigan ko ang mga gamit ko. Hays. Pano ko to aayusin? Nasanay akong may taga ayos.

Nagulat naman ako ng biglag tumayo yung babaeng mushroom. Kinuha niya yung isang plastic ng grocery at hirap na hirap na inilapag sa sahig ng kusina.

"Anong ginagawa mo?" Nagtatakang tanong ko rito.

"Basta! Hayst! Iabot mo na nga lang yung isa pang plastic!" Utos nito sa akin.

nagkibit balikat na lang ako at binuhat ang isa pang malaking plastic na naglalaman ng groceries at inilapag sa tabi ng binuhat nitong unang plastic ng groceries.

"Manood ka, para matuto ka" tugon nito na tinuro pa ang mata niya at mata ko.

Naupo ako at pinanood na nga siya. Gaya ng gusto niya.

Agghh. Why do i even let this annoying girl enter my dormitory?

The Devil In This InfernoWhere stories live. Discover now