Chapter 4: Mrs. Hendrew's Daughter

0 0 0
                                    

"Haaaaayst! Natapos din!" Pawis na pawis na sabi ni mushroom girl.

Katatapos niya lang ayusin ang mga groceries na ibinili ni manang sakin. Punong puno na ngayon ang ref at mga cabinet sa kusina ng pinamiling pagkain.

"Bakit ba kasi andami mong dinalang pagkain? May cafeteria naman. Ano to? Isang taong stocks?" Pagrereklamo nito bago uminom ng tubig.

Actually OA lang siya. Pang dalawa o tatlong buwan lang ang mga ito.

Umiling iling na lang ako rito.

Kinuha ko ang dalawang traveling bag ko at pumasok na sa loob ng kwarto ko. Binuksan ko ang closet dito.

Mabuti na lang at nakatiklop na ang mga damit dahil nga inilagay ni manang sa traveling bag ko ang mga ito kaya hindi na ako nahirapang ayusin ang mga ito sa closet ko. Matapos ito ay lumabas na ulit ako.

"Ang tagal mo naman! Ano bang ginawa mo at inabot ka ng sampung minuto?" Halos masubsob na ako sa gulat ng magsalita ang kabuteng ito.

"Andito ka pa din? Anong oras ka ba aalis mushroom girl?! Wala ka bang klase?!" Tanong ko dito na naiirita.

"Ano?! Hindi mushroom girl ang pangalan ko! Ako si Bliss Leandra-- Klase?! WAAAH! Oo nga pala! Maiwan na kita! Bye!" Kumaripas ito nang takbo. Naputol ang pagpapakilala niya dahil naalala niyang may klase pa siya.

Napailing nanaman ako hay nako hahaha. Bliss Leandra huh?

Boring pala mag isa. Nakakamiss din yung isang yun. Hahaha!

*toktoktok*

Nagulat naman ako ng may kumatok sa pintuan ko. Sino naman dadalaw sakin?

Binuksan ko ang pinto at nagulat ako sa babaeng tumambad sa akin.

Natulala nanaman ako sa ganda niya. Ang kulay asul niyang mata, Ang mapulang labi niya, Ang maalong blonde niyang buhok, Ang maputi at makinis niyang balat, at ang matangos niyang ilong.

"G-Gehenna" halos bulong na tawag ko rito.

"Uh, hey mister. I-I just wanna check y-you." Utal na utal niyang sabi.

"My name is Ethereal. Come in" sabi ko rito na agad niya namang sinunod. Mabuti na lang pala at naglinis si Bliss.

Pinagmasdan nito ang dorm ko. At tumango tango.

"Oh hey!" binuksan niya ang dala niyang medyo malaking messenger bag at inilagay sa lamesa. "Hmm, Try those uniforms. See if it fits you." Sabi nito na agad ko ding ginawa. Woah ang dami naman. Grabe binuhat niya to? Hindi ba siya nabigatan? Pumunta ako sa kwarto at sumukat ng ilan. Kumuha ako ng apat na talagang uniform at dalawang P.E uniform. Pagtapos ay bumalik sa labas.

"Kumuha ako ng dalawang P.E. Uniform at apat na hindi. Bale anim. How much?" Tanong ko dito habang inilalabas ang wallet ko.

Bahagya itong tumawa. "Kasama yan sa binayadan mong tuition" sabi nito habang isinasara ang bag nito at ikinubling muli sa kanyang braso.

"Aalis ka na?" Tanong ko rito.

Dahan dahan tong tumango.

"Ah, pwedeng mamaya na? Wala kasi akong makausap e" nahihiyang sabi ko rito sabay himas sa aking batok.

Ngumiti ito sakin. "Sige"

"Maupo ka muna." Nakangiting sambit ko. "Gusto mo ba ng juice? O kahit na ano?"dagdag ko rito.

"Ay! Hindi na. Nakakahiya naman." Natatarantang sabi nito at ngumiwi.

"Ayos lang naman e😊" pumunta ako sa kusina. Hmmm. Ano bang dapat ipapakain sa bisita? Hay nako naman oh! Dapat kasi pwedeng magdala ng yaya dito sa unibersidad na ito.

Kinuha ko ang loafbread at nagpalaman. Kulang pa ba tong palaman o sobra?

pumunta ako sa sala kung saan siya nakaupo.

"Uh, Gehenna?" Nahihiyang tawag ko rito.

Agad naman itong lumapit sa akin.

"Bakit?" Tanong nito.

Pinasunod ko siya sa kusina kung san ako nagpapalaman ng tinapay gamit ang peanut butter.

"Okay na ba tong palaman sayo? O matabang? O ano?" Sunod sunod na tanong ko.

Nasanay kasi ako na si manang ang gumagawa ng lahat mula pa nung bata ako. Wala tuloy akong alam rito.

Tumawa ito nang mahinhin.

"Gusto mo ba akong magkalbm?" Sabi nito ng umiiling pa.

Kumuha siya ng tinapay at pinalamanan iyon.

"Ganto lang dapat" sabi nito at dinedemo kung pano.

Napakamot ako ng ulo.

"Ah ganun ba? Pasensya ka na" nahihiyang dispensa ko.

Tumawa lang ito at kinain ang pinalamanan niyang tinapay.

Teka. May naalala ako.

"Bat nga pala ikaw ang nagbigay ng uniporme Gehenna?" Nagtatakang tanong ko.

Ang sabi kasi sa rules ay anak ni Mrs. Hagride Hendrew ang magbibigay nito.

Impossible din namang siya iyong anak ni Mrs. Hagride dahil kinakatakutan nila iyon at ang babaeng nasa harap ko ngayon ay walang bakas na kakatakutan nila.

Halata namang nagulat ito sa tanong ko.

"H-Huh?" naguguluhang tanong nito.

"Eh kasi ang sabi sa rules ay anak ni Mrs Hendrew  ang magbibigay ng uniporme." Paliwanag ko.

Nakakunot ang noo niya na tila hindi maintindihang mga sinasabi ko. Dahan dahan naman nawala ang nakakunot na noo niya at ngumiti.

"Yes, that's right." Pag sang ayon niya.

Hindi niya ata naintindihan ang tanong ko.

"Bakit ikaw ang nagdala? Inutusan ka ba ng anak niya? Talaga bang nakakatakot yun at inuutusan ka lang?" Inis kong tanong.

Ngumiti ito na may kaonting lungkot sa kanyang mga mata. "Hindi. I'm Gehenna Hendrew. Mrs Hagride's daughter"

Napanganga ako sa sinabi niya. What?! She's the daughter of Mrs Hendrew? Fuck.

Kaya pala anak ang tawag nito sa kanya. Shit.

"Oh. Im sorry. I didn't mean that way. Like you know--" pinutol ako nito "okay lang. Sanay naman na ako." Sabi nito at ngumiti. Alam kong pilit lang ang mga yun.

"Pasensya na. Akala ko kasi-- Akala ko-- Sabi kasi-- Agh!" Hindi ko masabisabi. Nakakahiya! Damn!

"Nakakatakot ako? Halimaw? Demonyo? Ano pa ba?" Ngumiti ulit ito ng bahagya. Pero nakikita ko pa ron ang lungkot sa kanyang mata. "Okay lang. Sanay na akong sinasabihan ng ganyan"

AGHH! Damn ether! Ano ba kasi pinagsasabi mo. Bakit nga ba kasi nila siya tinatawag na ganon? Mukha naman siyang anghel. Hays!

"I know you're not a bad person" sabi ko rito at hinawakan ang kamay niya.

"Thankyou" tugon nito at binawi ang kamay niya.

Kinuha nito ang Messenger bag niya.

"Mauna na ako. Magiingat ka. Sundin mo ang rules. Baka magbago ang paningin mo sakin pag nakita mo ang parusa" bakas ang lungkot sa boses nito. Bago pa lang ako magsalita ay naka alis na siya.

Ano ba kasing parusa na yun?

Tangina! Ang gulo!

Bakit ganto?!

Hays. Malalaman ko din ang lahat.

The Devil In This InfernoHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin