Welcome home!

6 0 0
                                    

"Friend, sigurado ka na ba talagang doon ka titira?"

"Sa ngayon, friend. Wala akong ibang choice."

"Pero---"

"I know Santi very well and he's a good person. At sinisigurado kong maayos ang titirhan ko doon."

"Basta mag-ingat ka."

"I will. Sige na alis na ako. Bye. 👋"

***

"Thank you ha. 😊"

"Maliit na bagay. Ganyan talaga basta gwapo."

"Mahangin din pala dito sa apartment mo."

"Nagsasabi lang kaya ako ng totoo. Pektusan kita dyan eh."

"K. Sabi mo eh."

"May gusto ka nga sa akin, di ba?"

"ASA KA NO! 😲 Hinding-hindi kaya ako magkakagusto sayo."

"Ay! Oo nga no. Lalaki ka pala."

"Ewan ko sayo.😏"

"Pikon. Nga pala nasa kanang pinto ang kwarto mo ha. Nasa kaliwa naman yung akin."

***

"Friday Night mamaya?"

"Pass muna ako."

"Bakit? Nagbagong buhay ka na ba?"

"Gag*! May gagawin lang ako."

"Sayang. Sasama pa naman si Ashley."

"May susunod pa naman eh."

"Sinapian ka ba ng kabaitan, bro? Bakit umaayaw ka na ngayon?"

"Bumalik ka na nga doon sa trabaho mo. Ingay mo."

***

"Kamusta ang paglipat mo?"

"Ayos naman."

"Saan ka pala lumipat?"

"Sa apartment ng kaibigan ko."

"Sino naman yun?"

"Ang dami mo namang tanong."

"Naninigurado lang."

"Wag kang mag-alala. Matagal ko na siyang kaibigan kaya sinisigurado kong safe ang apartment niya."

"Alam ko namang hindi ka basta-basta magtitiwala na lang sa kung sino-sinu."

"Yun naman pala."

***

"Hi!"

"Oh Ash! Napadito ka? Maupo ka."

"Hindi ka daw sasama mamaya? Bakit naman?"

"Sorry ha. May gagawin kasi ako."

"Sayang naman."

"Pero sa susunod, babawi ako."

"Ano ba kasi ang gagawin mo mamaya at parang mas importante pa ito kaysa makasama mo ako?"

"May kaibigan kasi akong kakalipat lang ng bahay. Kaya hindi ko naman pwedeng iwanan siya ng mag-isa doon."

"Kung isama mo na lang kaya siya mamaya."

"Hindi yun mahilig sa club. Pasensya na talaga. Babawi talaga ako."

***

"Manang Beth, punta ka mamaya sa unit ha. May pa welcome party kasi ako sa kasama ko doon."

"Talaga. Sige. Siya ba yung babaeng kasama mo kaninang umaga?"

"Opo. Pwedeng kayo na rin po ang mag-imbita sa mga kafloor unit natin dito?"

"Oo ba. Kailangan mo ba ng tulong?"

"Hindi na po. Nagpa cater na lang ako para walang gaanong aasikasuhin."

"Napakaswerte naman ng girlfriend mo."

"Ay hindi po manang Beth. Kaibigan ko lang siya."

"Asus! Sa akin ka pa naglihim. Ayos lang yan. Kailan ba ang kasalan?"

"Manang Beth naman eh. Kaibigan nga lang po."

"Oo na. Basta imbitado kami sa kasal niyo ha."

"Kulit niyo talaga. Sige po, lilinisin ko pa po ang unit ko para mamaya."

"Sige at iimbitahin ko ang mga kafloor unit natin."

***

"Asan ka na?"

"Pababa pa lang ng jeep. Bakit?"

"Wala lang."

"Ayeeiih. 😍 Concern siya."

"Baliw. 😒 Umuwi ka ng diretso ha."

"Oo na. Ikaw, asan ka ba. Bakit parang ang ingay dyan."

"Wala. Tumawag ka kapag nasa labas ka na ng building ha."

"Bakit pa?"

"Basta tumawag ka na lang sa akin."

"K. Sige na bye. Bababa na ako."

***

"Napakaswerte naman ng girlfriend nitong ni Santi. Ipaghandaan talaga niya."

"Akala ko bakla nga yang si Santi dahil ni minsan hindi yan nagdala ng babae dito."

"Haru Dyosko! Mildred. Napakagwapong nilalang na yan ni Santi, gagawin mo lang na bakla."

"Sino naman ang hindi iisipin yun e parating lalaki lang ang pumupunta dito."

"Ewan ko sayo. Kung kasing edad lang ako ni Santi na yan. Nilandi ko na siya para maging akin lang."

"Mahiya ka ngang matanda ka."

"😂😂"

***

"Sana labas ka na?"

"Paakyat na ako. 😒"

"Okay. Bilisan mo ha."

"Bakit ba kasi?"

"Bilisan mo na lang kasi."

"Pag ako pinagtitripan mo. Pepektusan talaga kita. Humanda ka."

"Asan ka na?"

"Palabas na ng elevator."

***

"WELCOME HOME!"

"😍😍 Ano to?"

"Welcome party para sayo."

"Bakit?"

"Dahil nandito. Magpasalamat ka na nga lang."

"Thanks. 😂 I really appreciate it."

"Ikaw pa. Tara kain na. Alam kong nagutom ka sa byahe."

***

"Iha, kailan ba kayo ikakasal niyang si Santi."

"Po? 😝 Hindi po. Magkaibigan lang kami ni Santi."

"Magkaibigan lang. Mga bata talaga ngayon, masekreto."

"Kayo po talaga manang Beth. Magkaibigan lang po talaga kami ni Santi."

"Oh sya, sya. Kung ayaw niyong umamin eh kayo ang bahala."

***

"Matulog ka na."

"Salamat ha."

"Maliit na bagay."

"Good night."

"Salamat at nandito ka."

"Salamat at pinatira mo ako dito."

"Matulog ka na nga. May trabaho ka pa bukas."

"Hindi ko akalaing gagawin mo ito. May pa surprise ka pangnalalaman.

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon