Jealousy

4 0 0
                                    

"Hoy, sino yung kasama mo kahapon?"

"Ano ba ang pakialam mo? Bakit? Selos ka no?"

"Ako? Bakit naman ako magseselos?"

"Aba'y malay ko."

"Ahhh! Baka ikaw yung nagseselos kasi may kasama ako."

"Taas rin ng pangarap mo no? Pasok na ako. Bahala ka dyan."

"HOY! Sino yung kasama mo kahapon?"

"Boyfriend ko. 😝😂"

"ASA!!!! Walang may magkakagusto sayo."

***

"Mga bata talaga ang iingay."

"Hayaan mo na Beth. Ganyan talaga kapag nagsisimula pa lang. Hindi mawawala ang away at selos."

"Hays. Sana nga sa simula lang yan."

"Kita mo kami ni Anselmo, dati ganyan rin kami halos maghiwalay na nga kami dahil sa selos lang pero tingnan mo ngayon. SS kami."

"Anong SS?"

"Stay Strong."

"Ewan ko sayong matanda ka. Dami mong alam."

***

"Hindi ka na hinatid ni Santi?"

"Bakit niya naman ako ihahatid?"

"Malay ko. Dahil pinatira ka naman niya sa bahay niya. Baka pwede ring ihatid ka niya."

"Ewan ko sa'yo, Kate. Pasok na ako."

***

"Balita ko. Pumunta daw si Ashley sa apartment mo."

"Sinabi mo sa kanya ang address ko no?"

"Ano naman masama doon?"

"Baliw ka ba? Paano kapag naabutan niya si Lala doon?"

"Bakit? Kaanu-ano mo ba si Lala. Wala naman di ba. Kaya ayos lang."

"Baka kung ano na lang ang isipin ni Ashley sa akin. Masisira ang diskarte ko sa kanya."

"SORRY. Hindi mo naman ako sinabihan."

"Oo na. Balik ka na doon sa trabaho mo. Mapagalitan pa tayo dito."

***

"Bakit mo ako gustong makausap?"

"I just want to say sorry sa ginawa ko."

"It was in the past. Matagal ko ng kinalimutan iyon."

"Galit ka pa rin ba sa akin?"

"Ano ba ang gusto mong mangyari?"

"Ang magkabalikan tayo."

"Talaga? Bakit? Sawa ka na sa career mo? Tama na, Ashley. May mahal na ako. At hindi na ikaw yun."

"Jeth. Nagkamali akong iwanan ko pero heto na ako."

"Tama na."

***

"Napatawag ka?"

"Sabay tayong maglunch."

"Libre mo?"

"Oo na. Ano?"

"Miss mo na ako, no?"

"Asa. Wag na nga lang. Kumain ka na lang dyan sa opisina mo."

"Okay. Madali naman akong kausap."

***

"Santi."

"Kaibigan ka di ba ni Lala?"

"Ahh."

"Nakalabas na ba siya?"

"Hindi pa siguro. Hindi pa rin naman out niya."

"Ganon ba."

***

"Anong ginagawa mo dito?"

"Pasalamat ka na nga lang at sinundo pa kita."

"Bakit ko naman gagawin yun?"

"Dahil may isang gwapong nilalang na sumusundo sa iyo."

"Sino bang nagsabing sunduin mo ako?"

"Ako. Tayo na nga. Baka malate tayo sa pupuntahan natin."

"Sinasabi ko na nga bang may gusto ka talaga sa akin."

"Sakay na."

***

"Nakita mo si Lala."

"Kakalabas niya lang. May sumundo nga sa kanyang lalaki."

"Lalaki?"

"Yup."

"🤨 Sige. Salamat."

"Jeth. Wait! Hindi naman sa sinisiraan ko si Lala. Pero kasi mukhang ang close niya sa lalaki kanina."

***

"Hinintay kita sa lodge kanina pero nauna ka na raw na umalis ka na daw?"

"Ah oo. Sinundo kasi ako ng kaibigan ko. Sabay daw kaming maglunch."

"Sinong kaibigan?"

"Si Santi yung sa restaurant kahapon. Remember?"

"Ba't ka naman niya aayaing kumain?"

"Wala lang. Basta ganon talaga minsan yun. Bigla-bigla na lang susulpot ng walang dahilan. Nga pala, may party yung isang barkada namin next Saturday. Sama ka?"

"Gusto mo akong sumama?"

"Oo naman. Bakit ayaw mo? 😥"

"Of course not. Ikaw pa na hindi ko kayang tanggihan."

"☺ Yun naman pala eh. At para na rin makilala mo sila. Don't worry mag-eenjoy ka doon."

"Kahit saan naman ako pupunta mag-eenjoy ako basta kasama."

"Hahaha. Baliw. Ang cheesy nito. Bumalik ka na nga doon sa office mo."

"Oo na. Ms. Workaholic."

"Pasalamat ka na lang na merong Ms. Workaholic sa company mo. 😑"

"😄"

***

"Hoy! Out mo na?"

"Oo. Bakit?"

"Sabay na tayong umuwi. Susunduin kita dyan."

"Anyare sayo? Wag mong sabihing may dinidiskartihan ka ditong babae sa office namin no?"

"Ikaw. Alam mo ang malisyosa mo. Ikaw na nga tong binibigyan ng pabor."

"Nakakaduda ka naman kasi. May kailangan ka sakin no?"

"Ewan ko sa'yo. Saan ka na? Nandito na ako sa harap ng office mo."

"Oh? Wag mo akong pinagloloko."

"Paghindi ka pa bumababa dito. Hindi kita papapasukin sa unit ko."

"Hala! Oo na. Ito na bababa na. Maghintay ka dyan."

***

"Lala! Uwi ka na?"

"Oo."

"Hatid na kita?"

"Wag na. May meeting ka pa, di ba? Ayoko ko naman makaabala pa sayo."

"They can wait."

"Jeth, napag-usapan na natin ito, di ba? At isa pa may sundo naman ako."

"Sundo? Sino? 🤨"

"Si Santi. Nasa baba na siya ngayon. Sige. Bye. Tatawag ako pagnakauwi na ako. Promise. 🏃‍♀️"

***

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon