Apartment.

3 0 0
                                    

"Hindi ako uuwi mamayang gabi."

"Okay."

"Wag kang magpapapasok dito ng kung sinu-sino lang ha."

"Okay."

"Siguraduhin mong nakasaradong mabuti ang pintuan. Pati na ang terrace."

"Okay."

"At may iniwan ako ng makakain mo sa ref. Initin mo na lang para may makain ka mamaya."

"Okay."

"Wag kang magpalipas ng gutom ha."

"Okay."

"Okay ka lang ng okay. Nakikinig ka ba?"

"Ewan ko sa'yo. Umalis ka na nga kung aalis ka. Dami mong sinabi."

"Naninigurado lang."

"Kung gusto mo mag hire ka na lang ng security guard para bantayan tong unit mo. Para sigurado kang walang mawawala sa'yo."

"Hindi naman yung gamit ko dito ang inisip ko."

"Eh ano naman? Yung videos mo sa room mo?"

"Hoy! Wala akong videos sa room ko. Ikaw dami mo ring sinabi. Pinapaingat ka lang naman."

'Ang sabihin mo, nangangati na naman yang paa mo para kumaringking sa mga chikas mo.'

"May sinasabi ka?"

"Wala. Sige na, alis ka na. Malate ka pa."

***

"Asan ka ngayon?"

"Nasa bahay. Bakit?"

"Anong address mo?"

"Huh? Bakit?"

"May pupuntahan tayo."

"Busy ako. Pwede bang sa susunod na lang?"

"Saan ka ba nakatira? Pupuntahan na lang kita dyan."

"Wag mo na akong puntahan dito. Sige na bye."

"Wai----"

'Dami ko pa kayang kailangang ligpitin sa bagong kwarto ko 😉'

***

"Sino yun?"

"Anong pakialam mo?"

"Wag mo siyang papupuntahin dito mamaya ha."

"K."

"Siguraduhin mo lang."

"Kung hindi lang kita kilala. Iisipin kong nagseselos ka."

"Ako? Magseselos sayo? Asa ka."

"Hindi ka ba papasok sa trabaho mo?"

"Tinatamad na ako."

"Wow ha. Boss lang?"

"Talaga."

"Hoy. Wag kang magkampanti dahil lolo mo may ari non."

"Bakit naman hindi? Sa akin naman mapupunta yun."

"Yabang mo. Pumasok ka na nga sa trabaho mo."

"Bakit parang pinapaalis mo na ako? Papupuntahin mo dito ang boyfriend mo, no?"

"Ewan ko sa'yo."

"Saan ka pupunta?"

"Sa.Ku.Si.Na.Lang.Po."

***

"YOU!?"

"Sino ka?"

"Anong sino ako? Bakit ka nandito sa unit ni Lala?"

"Lala? Tsk. Ang babaeng yun. Kaya naman pala."

"So, saan si Lala?"

"Ewan ko. Wala siya dito."

"But this is her address. I know she's here."

"Wala nga sabi. Umalis ka na nga."

***

"Santi, asan ang asin dito?"

"Lala!"

"Jeth? A-anong ginagawa mo dito?"

"I should be the one asking you that. Why are you with this guy?"

"Sa labas nga tayo mag-usap. Sant, pakibantay na lang ng niluluto ko."

"Lala? Anong ibig sabihin non?"

"Nakikitira ako dito."

"Then? Why he's here? At bakit sinabi niyang wala ka doon?"

"Obviously, sa kanya nga yung unit. At nakikitira nga lang ako dito at baka nagbibiro lang siya sayo."

"Nakatira ka dito with that guy and he never sounded like he was joking, earlier."

"Jeth! Listen. Santi is just a friend. At ano naman ang problema kung kasama ko siya sa bahay."

"Lalaki siya at babae ka. Ano na lang ang iisipin ng ibang tao kapag nalaman nilang nasa iisang bubong lang kayo nakatira."

"Oh come on, Jeth. Iisipin ko pa ba ang sasabihin ng ibang tao sa akin? This is my life."

"Kaibigan mo lang ba talaga ang lalaking yun?"

"Pwede ba Jeth. Ano ba ang gusto mong sabihin?"

"Get your things at doon ka na sa condo ko tumira."

"Come one, Jeth. You're being unreasonable here. At hindi ganon ka dali ang gusto mong mangyari."

"Is it because of him?"

"Jeth, please. Itigil na nga natin ang usapang ito."

"NO! Tell me why? You can live in one of my condo and it doesn't mean you live with me. You can have your own place."

"Jeth. We talked about this and you already know my reasons. So, please, itigil na natin ang usapang ito."

"Fine. If that's what you want."

***

"Umalis na boyfriend mo?"

"Binantayan mo ba ang niluto ko?"

"Nag-away kayo, no?"

"May pasok ka, di ba? Umalis ka na nga."

"Lilipat ka na sa condo niya."

"Pinapalayas mo na ba ako?"

"Kung gusto mong doon. Hindi naman ako magrereklamo."

"You know why I'm here, right? Pero kung ayaw mo. Aalis na ako."

"Wait! Ito naman di mabiro. Kumain ka na doon. Hinain ko na yung pagkain mo."

***

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon