Lunch

6 0 0
                                    

"Nag-aya si Paul sa birthday niya. Punta tayo."

"Anong araw ba yun?"

"Next Saturday."

"Sige. Pupunta ako. Nga pala, wala kang trabaho ngayon?"

"Meron. Tinatamad lang akong pumasok."

"Baliw ka talaga. Sige mauna na ako."

"Hatid na kita."

"Wag na magko commute na lang ako."

"Sa ayaw mo at gusto, ihahatid pa rin kita. Tara na."

"Akala ko ba tinatamad ka?"

"Ikaw na nga tong inaalok. Ang arte mo. Babae ka ba?"

***

"Hoy, babae. Sino yung naghatid sayo kanina?"

"Si Santi."

"Santi? Sinong Santi?"

"Santi Alcantara. Yung tropa ko nung college."

"Yung naging Mr. LUV?"

"Yeah. Sa kanya din kasi ako ngayon nakatira. Tinupak siguro kaya napag-isipan niyang ihatid ako."

"Sa kanya ka nakatira!? 😱 Anong meron sa inyo?"

"Anong 'anong meron sa amin'?"

"Umamin ka nga. Kayo na ba ng Santi na yun?"

"Huh!? Nagbibiro ka ba? Ewan ko sa'yo. Maiwan na nga kita dyan."

***

"Nakita mo si Lala?"

"Oo. Kakapasok lang. Bakit?"

"Wala."

"Are you still into her?"

"Heto na naman ba tayo, Kate?"

"Lala is not the girl that you think. I'm not saying this because I hate her but because I am your friend, Jeth."

***

"Good morning."

"Oh! Jeth? Wala kang meeting ngayon?"

"Wala. Mukhang busy ka ha."

"Oo nga eh. Tambak na naman tong tasks ko."

"Tulungan na kita."

"Wag na. Kaya ko na to."

"Siguro ka?"

"Yes."

"Ito na lang. Sabay na lang tayong maglunch."

***

"Asan si Santi?"

"Wala siya ngayon. Nagleave ata."

"Ganon ba. Alam mo ba ang bahay niya?"

"Bahay ni Santi? Ah sa Quills Apartment, Room 909."

"Ganon ba. Salamat ha."

***

"Ashley? Anong ginagawa mo dito? Pasok ka."

"Nagleave ka daw. Nag-aalala ako baka may sakit ka."

"Sana hindi ka na nag-abala. Anong gusto mo? Coffee? Tea? O juice?"

"Tubig na lang."

"Wait ha. Kukuha lang kita."

"Ikaw lang mag-isa dito?"

"Hindi. May kasama akong kaibigan dito."

"Asan siya?"

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon