1: Project Encounter

175 16 0
                                    

X======X======X======X======X======X======X======X======X======X

Narrative po yung ginawa ko dito.. I just tried it.. ^__^ Yung katulad sa mga pocketbook.. 

X======X======X======X======X======X======X======X======X======X

Ako nga pala si Patience Ramos. Karaniwang estudyante.. at higit sa lahat INTELLIGENT.

Di ko naman po maikakaila yun. Running for honors po kasi ako kaya nga kailangan ko ng mapasa ang mga projects ko sa bawat subjects eh.. Mataas-taas din kasi yung grade na kinukuha sa mga projects.

Papasok na kong school at syempre hawak ko na 'tong project ko sa T.L.E nang...

*Beep Beep*

" Aaaaaahhhh!!! " anong nangyare!? na'san ako? 

May AMNESIA lang ang drama?!

" Miss! oy Miss! ok ka lang?! "

Hndi napansin ni Patience na may lalaki na pala syang katabi ngayon samantalang kanina pa winawave ng katabi nya ang kamay nito sa mukha nya.

" Anong nangyare? "

" Muntik ka ng masagasaan ng kotse kanina.. uhmmm at inupo muna kita dito sa bench mukha kasing di ka pa nakarecover sa mga nangyare eh " Ows? talaga?

" Yung project ko? " at tinuro naman nya ang isang sirang bagay sa paanan ko.. 

ANO PA BA!? 

eh di yung project ko lang naman.. na ngayon ay di mo marerecognize kung project nga ba talaga sya..

" Anong nangyare sa project ko? " mangiyak-ngiyak na sabi ni Patience.

" Ahh 'yan' ba? tumalsik kasi yan kanina nung niligtas kita nung muntik ka ng masagasaan kanina.. "

" 'yan' lang? yan lang ang tawag mo jan..? " this time umiiyak na talaga sya.

" What's the matter? why are you crying? " tanong nya kay Patience.. kung bakit nagdradrama ito--este umiiyak pala!

" Sana di mo nalang ako niligtas. " 

" So you're saying na sana hinayaan kitang masagasaan dun kanina? ganun ba? "

" Oo! mas mabuti pa nga yun eh.. mas mabuti pang masagasaan ako dun--atleast di nasira yung project ko huhuhuh.. eh di sana mapapasa ko pa yun ngaun "

" You're so desperate to pass that project.. ano bang project yan? "

" Project namin yunh sa T.L.E eh "

" Ahhh " tinitigan nya muna yung project ni Patience bago ulit nagsalita " Let me guess.. uhhmmm yan ba yung gagawa ka ng kahit anong structure by using popsicle sticks? "

Tumango nalang si Patience dahil napapagod na rin syang magsalita dahil sa kakaiyak nya.

" So parehas lang pala tayo "

" Anong pinagsasabi mo? "

" Ang sabi ko parehas lang pala tayong 3rd Year na.. "

" Mukha ka ng lolo T.T "

" You don't see my handsome face? patay na patay mga kababaihan dito sa mukhang 'to "

" Grabeh ang lakas ng hangin dito.. Nililipad ako! " 

" Punasan mo nga yang mukha mo.. pinagtitinginan na tayo ng mga tao dito. baka isipin pa nila pinaiyak kita jan. "

" Kasalanan mo naman talaga 'to ehh!! "

" Araay araaay! " tanging nasabi nalang nya sa panghahampas, pangungurot at pananabunot ni Patience sa kanya.

Tumigil lang sya nang makitang may maliit na sugat na sa gilid ng labi nito sa kakahampas nya rito.

(A/N: Grabehh mambugbog si Patience nohh!)

[Patience's P.O.V]

" S-sorry!  sorry sorry talaga! " lumapit ako at hinawakan ko yung pisngi nya para makita yung sugat nya sa labi. " Patingin nga! "

" Ok! sabi mo eh. " then humarap sya sa'kin and closely look into my eyes.

" Oh! anong tinitingin-tingin mo jan? " 

Maygaahhd alam mo bang eye contact is awkward sometimes you know!

Hndi nga yata sometimes eh.. palagi pa ata! DEBERRR!!

" Wla lang masama ba? "

" Ok! BIG DEAL "

" Ok.. as you said it was my fault. "

" Kasalanan mo naman talaga eh "

" Oo na! tutulungan nalang kita gumawa ulit ng project.. "

" Talaga? *u* "

" Oo na nga.. Here's my calling card.. " Huwaw! *u* calling card ano yun? wala kasi nun sa bundok.. pang-mayaman lang kasi yun.

" Dus...tin Evans? "

" Oo.. puntahan mo ko sa address na yan anjan din yung number ko. "

" Wow ha.. V.I.P ka rin talaga eh nohh.. pupuntahan pa talaga kita.. ang bait mo rin eh nohh " sarkastiko kong sabi sa kanya.

" Ikaw na nga tinutulungan jan eh.. pasalamat ka nga di kita kakasuhan ng physical injuries jan.. ayaw mo? di wag.. (grin) "

" Tungkulin mo naman talagang tu.. teka.. sandali! akin na yan! " Pa'no ba naman bigla nyang kinuha yung calling card nya eh tinitingnan ko pa yun eh.. tska ang sarap hawakan andulas at mabango pa! di kasi uso calling card sa bundok ehh. " Gotcha! hahaha nakuha ko rin sa wakas! " sabay himas at amoy ulit sa calling card nya..

" U-uy! teka nga! tama na kakaamoy mo jan.. crush mo na yata pangalan eh "

" Kapal mo! "

" So! puntahan mo nalang ako sa bahay.. see you tomorrow! " okayyy mabuti pa lumayas ka na sa paningin ko " Ah! at tska nga pala! masyadong kang ata magpasa ng project na yan eh matagal pa naman deadline nyan " sabay talikod ulit at naglakad na papuntang school.

" Hndi naman ako atat aa! Malapit na naman talaga deadline nun ehh "

(A/N: malapit na po yung deadline na nextweek kay Patience! Grabehh nohh ung karamihan nga Tomorrow is the deadline  bago ipasa..)

Patuloy naman ako sa pag-amoy ne'tong calling card nyang sobrang bango.. teka baka maubos yung amoy! TAMA NA!

Teka papasok na pala ako! nakalimutan koooo.. buti nalang maaga akong gumising ngayon kaya kahit ma-stop over ako sa kung saan--di pa rin ako late  ^__^

Dustin Evans-----------------------------------------> na kinaiinisan ni Patience ayun sa tabi HAHAHA

Allergic In Love(Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon