[Patience's P.O.V]
Ang galing! buti nahanap ko rin kung 'sang lupalop ng Pilipinas 'tong address ng bahay nya xDD.. Tsk kainis--laki ng ginastos ko papunta dito..
Nag-taxi pa kasi ako para di ako MALIGAW dito sa... di ko alam kung 'sang lupalop ng Pilipinas 'to xDD.
Ang address nya po ay di makita-kita di mahanap-hanap na lupalop ng Pilipinas dito sa balat ng lupa..
PUNTAHAN NYO PO SYA HA! joke!
Nakakita ako ng doorbell at napagtrip-an kong pindot-pindutin yun. KAWAWANG DOORBELL!
" Uhmm.. Miss ano pong kailangan nyo? " sabi nung Driver ata nila yun.
" Kailangan ko yung amo mong taong hilaw.. na'san na sya!? "
" Sino po bang amo ang tinutukoy nyo? "
" Si Dustin Evans yung amo mo ngang taong hilaw! kainis ulit-ulit.. tanga-tangahan lang tayo dito.. "
" Ahhh.. may appointment po ba kayo with Sir Dustin? Di po kasi kami basta-basta nagpapapasok ng kung sino-sino dito. "
" Kailangan pa bang may appointment para makapasok? anong tingin mo sa'ken magna, miyembro ng akyat-bahay gang at salisi gang " Pwes tama ka! Joke HAHAHA. hndi nohh. " Hoy for your information! pwet mo may lotion! Congratulations! sya po ang nagsabi na puntahan ko sya dito.. eto nga oh binigyan nya pa nga ko ng calling card nya " sabay pakita ng calling card nyang mabango :)
" A-ahh cge po.. p-pasok na po kayo "
Oh ano!? ano ka ngayon.. speechless sa haba ng speech ko kanina.. masasapak ko na talaga 'to pag din nya pa ko pinapasok!
" Upo po muna kayo sa sofa jan sa Sala "
" Ahhh ok.. " dapat lang nohh. ang hirap maglakbay para mahanap ko 'tong bahay ng taong hilaw na yun..
Umakyat na yung driver.. siguro papunta sya dun kay Dustin.
[Driver's P.O.V]
" Sir Dustin may babae po dun sa baba hinahanap po kayo.. Grabe sir parang amazona! may balak pa ata akong sapakin kanina eh! "
" *Chuckles* Sino naman yang amazonang sinasabi mo? " ngaun ko lang syang nakitang tumawa dahil may babaeng naghahanap sa kanya.
Kadalasan nga di sya mapalagay kapag sinabi kong may naghahanap sa kanyang babae sa baba. Puro kasi girlfriend nya na hinahanap sya. Ang iikli pa ng mga suot at halos labas na ang kaluluwa--pero ung babaeng naghahanap sa kanya ngaun~ oo maganda ung babae na naghahanap sa kanya pero simple lang kung manamit.
" Bumaba nalang po kayo para malaman nyo. " tapos paglabas ko ng pinto nakita ko yung amazonang babae na hinahanap si Sir Dustin kanina.
" Wala kang nakita diba!!!? "
" *chuckles* a-aahh opo! wala po akong nakita! " napilitan tuloy akong sabihing wala akong nakita--kasi naman ehh biglaan ang mga pangyayare.. bigla nalang kasi hinila ni Sir Dustin yung babae kaya yun napasubsob sa dibdib nya. HAHAHA.
Lynd nga pala. Bestfriend at Driver ni Sir Dustin. Tatay ko yung dating driver nila. Mabait ang pamilya nila dahil pinapaaral nila ako sa school rin ni Sir Dustin. Tinatawag ko syang 'Sir Dustin' kasi nakakahiya naman kung 'Dustin' lang eh amo ko na sya ngaun. Pero di pa rin namwawala yung pagiging mag-bestfriend namin.
[Patience's P.O.V]
" Grabehh kasi makahila ehh nohh! " bigla-bigla nalang kasi nanghila napasubsob tuloy ako sa dibdib nya--tigas nga ehh! HAHAHA. echos lang.
" Masakit ba? "
" Ayy hnde masarap! ang sarap-sarap nga eh nohh! " sarkastikong sabi ko.
Pero infairness ha I feel his sincerity nung sinabi nya kung masakit ba? Anebeyen!
" Oh!? " sabay bigay ng ngiting may ibang meaning. Di ko alam tawag eh. isipin nyo nalang.
" Tara na nga! start na tayo "
" Ewan ko sa'yo! Masyado kang nagmamadali eh next week pa naman pasahan nun. Naturingang 'Patience' pangalan mo di ka naman pasensyosa " Wow ha! wow talaga..
May agam-agam ang aking puso kung nais ko bang ipahayag na napakalalim ng iyong ipinahayag na salitang 'naturingang' sa akin o hndi. Oh ano? palaliman pala ng salita ha. Ahahaha.
" Wow ha! marunong ka pan lang magsalita ng malalalim na words eh taong hilaw ka ehh!! " HAHAHA. Lakas ng Trip ko. kawawa ka dustin sa'kin ngaun.
" Ano na naman yang pinagsasabi mo? taongb hilaw ka jan! "
" Totoo naman eh! *pouts* "
" Tigilan mo nga yan.. di bagay. T.T "
" Sama mo! "
" Tara. "
" 'San tayo pupunta? " wla talaga akong idea.
" Tch. syempre bibili pa tayo ng mga gagamitin natin sa project mo at para na rin sa Project ko. "
Sagot ko? Tumingin naman ako sa sarili ko.. I'm sure naiintindihan na nya yun!
" Hay nako okay na yan. Tara na! " sabay hila na naman sa'ken.. kainis 'tong lalaking 'to buti nalang di ako patpatin!
PATPATIN TALAGA EH NOHH!
Dire-diretso naman ako pababa sa hagdanan. Eh dalawa nga pala yung hagdanan nila. Magkabilaan. siguro naman alam nyo na yun.
" 'San ka pupunta!!? " gulat naman ako wla sya sa likod ko.
" Bababa. Ikaw? San punta mo? " Lakas talaga ng trip ko ngaun! Hahahaha. kawawa si Dustin sa'ken ngaun.
" Tsk. Ba't jan ka bababa? Punta ka nga dito! " Ahahaha naiinis na sya!
" Sensya naman! Hiya naman ako sa'yo! Dalawa kasi yung hagdanan kaya malay ko bang di tayo parehas ng trip na babaan na hagdan!! " Sabi ko habang naglalakad papunta sa kabilang hagdanan. " Anlaki-laki kasi ng bahay! kung makapagsungit kala mo parehas kayo ng trip na babaan. " bulong ko sabay make faces na rin.
" Ano sabi mo? TT.TT "
" Wala! sabi ko bababa na ko! "
Habang naglalakad kami may tinawagan sya 'Lynd' ata pangalan ehh.. Ang Chismosa ko kasi HAHAHA.
Paglabas namin sa pagkalaki-laki nilang pintuan--Hola! nakahanda na yung karwahe!! Joke lang yung Kotse.. sa tingin ko nga yung driver niya yung muntikan ko nang masapak kanina yun yung Lynd. Hay nako napakachismosa ko talaga!
Sumakay na ko sa Back Seat. Alangan namang sa Front Seat. Tska ayoko sa front seat nahihilo ako sa amoy ng Aircon.
" Sa mall tayo. " sabay bukas sa kabilang pinto ng back seat.
" Okay sige po ^___^ " sabi naman nung Lynd.
" Ba't dito ka uupo!!? "
" Malamang kotse ko 'to kaya pwede ako umupo kung 'san ko gusto (Smirk) " Paiba-iba talaga 'to ng mood--kanina masunget, ngaun naman ngumingiti nalang basta-basta tapos minsan mabait at palaging masama sa'ken! Hohoho!
Di ko talaga alam mood swings ne'tong lalaking 'to.
Ini-start na ni Lynd yung kotse. (Nakiki-Lynd na rin ako xDD)
BINABASA MO ANG
Allergic In Love(Short Story)
Cerita PendekPa'no kung allergic ka sa kung anu-anong bagay--kahit sa mga natural ng nangyayari sa normal na tao may allergy ka pa din!? Ano nalang ang gagawin mo para maiwasan ito..