2

1 0 0
                                    

I woke up at exactly 5:30 in the morning. Unlike sa sarili naming bahay na may tagahanda ako ng lahat ng gagamitin mula sa paliligo hanggang sa isusuot at kakailanganin sa  school, dito wala. So I have to learn preparing everything I needed kahit na mukhang mahirap. Pero unti-unti na rin naman akong nasasanay. Pakiramdam ko nga ay hindi lang sa company ako nag-oOJT, maging dito sa bahay ay natututo narin akong maging independent.

Pababa na ako ng hagdan nang makasalubong ko si manang. Hindi ko alam kung nahihiwagaan ba siya sa suot ko o naaasiwa kasi daig pa niya ang scientist kung makatingin. 'Yung tipong from head to foot at foot to head habang nakababa pa ang salamin sa ilalim ng mata.

"Bakit manang?" Tanong ko habang inaayos ang pagkakasukbit ng backpack ko sa kaliwang balikat ko.

Umiling siya nang dalawang beses bago humarap sa akin nang tuwid sabay ngiting aso. Just imagine how a dog looks like when it smiles.'Yun bang labas ngipin. Deym! Ganyang-ganyan ang hitsura ni manang ngayon. So creepy!

"Hinihintay na po kayo ni Sir sa hapagkainan ma'am." Aniya sabay taas baba ng dalawang kilay.

Muntik na akong malaglag sa hagdan nang marinig ko kung sino ang naghihintay sa akin sa dining room. Is that even for real and why would he wait for me? Bakit hindi pa siya pumapasok sa opisina like he used to do? Anong hangin kaya ang nasinghot niya at mukhang trip niyang makasama ako? Ayiii. Asyumerang palaka. Haha.

Dali-dali akong nagtungo sa dining room ngunit  agad din naman akong tumigil nang  makita ang nakasaradong pinto. I even wiped my imaginary sweat kahit fully airconditioned naman itong bahay niya. Baka sabihin niya kasing nagmamadali ako at excited akong makita siya. Like yuck?

I twisted the knob opened when I was already sure that I had my self composed. Poker face akong naglakad patungo sa kabilang dulo ng twenty sitter na mesa at agad na naupo. Just like last night, he was still reading the same news paper. Paano ko nalaman? 'Yun parin kasi ang nasa headline ng news. Doesn't he have a daily supply or he finishes reading all the parts of the newspaper kaya matagal matapos? He is weird...

Pasulyap-sulyap lang ako sa  kanya habang naglalagay ng kanin sa plato ko. Malay ko may dalang baril 'yan at bigla niya na lang akong barilin. Mukhang ang laki pa naman ng problem niya sa akin.

Tinanaw ko ang pinggan niya but I saw no trace that he had already eaten. Malinis kasi. Unless...para siyang aso kung kumain. Hahaha. Natawa ako sa sarili kong imagination. Pangiti-ngiti ako habang sumusubo ng kanin at fried bacon nang bigla siyang magsalita. Muntik pa nga akong mabilaukan sa sobrang gulat eh.

"I don't want to see that man again." Aniya habang nagbabasa parin ng dyaryo.

Is he talking to me? Malay ko naman kung binabasa niya lang 'yung title ng article. Wala naman siyang sinabing "Caliza"  diba? O baka naman trip niyang basahin ng loud and  clear 'yung balita ano? Astig! Parang classroom recitation lang ang peg ni kuya. Lols. Kaya instead na makinig at manood ng mga trip niyang gawin ay nagpatuloy na lamang ako sa pagkain.

Sarap na sarap na ako sa pagkain nang bigla na naman siyang magsalita.

"Are you even listening?" Ayy, mukhang ginawa pa niyang declamation piece itong artikulo.

Alangan namang ako ang tinatanong niyan eh hindi naman siya nakatingin sakin. Kaya kagaya kanina ay deadma na lamang ako ngunit nasa kalagitnaan na ako nang pag-inum ng juice when I heard a loud crashing sound coming from his direction. Halos matuyuan ako ng lalamunan when I saw the broken pieces of his cup. Hala! Ganoon ba talaga ka intense ang binabasa niyang balita at parang naging telenovela ang drama ni kuya? Waaah! Kawawa naman siya.  Natouch pa yata sa ganda ng istorya.

WHEN LOVE AND HATE COLLIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon