AVALANCHE (TWELVE)

1.4K 64 11
                                    



"ANDY sure knows how to flirt!"  Humahagikgik na bulalas ni Fiona habang patungo na kami sa parking lot ng campus pagkatapos ng klase. Si Andrea at ang small gesture nito sa cafeteria kanina—which Fiona has referred to as flirting—ang tinutukoy ni Fiona.

Andrea has a huge crush on Tyron who happened to be so fine at such a young age. He's someone you shouldn't have a crush on because he's a D-bag but no one will blame you anyway. A pretty face like him? That's impossible to ever ignore. Kaya naman hindi na kami nagulat nang bigla na lamang mag-offer ng sandwich si Andy sa kanya kanina. Lalo na ngayong alam na ng buong campus na hiwalay na sila ng girlfriend  niya.

"Shut up, Fi! That's not flirting. That's called being generous." Namumulang depensa ni Andrea saka tumingin sa 'kin. "At kung flirting lang rin naman, si Av ang magaling diyan!"

Sumegunda si Krissy. "Yeah! She's the queen!"

I lazily rolled my eyes, grinning. "Don't pass it on me!"

Muli na namang sumabog ang mga ito sa isang malutong na hagikgikan. Pagkarating namin sa parking lot ay humalik na sila sa pisngi ko bago magkanya-kanyang sakay sa mga sundo nilang sasakyan. Kunot-noong hinanap ko ang itim na SUV ni Dad na ipinangsusundo sa 'kin madalas. I turned to Dustin and Paul who were standing just a few meters away from me.

"Where's Manong?"

Nagkatinginan ang dalawa na nagtataka rin. Dustin brought out a phone from his pocket. Maybe he's going to call Manong Pollo, our driver.

"Kung wala siya, okay lang. Sasabay ako kay Clay." I said simply. I was about to walk to Clay's car and wait for him there when a tall man blocked my way. I looked up at him. He's familiar. He was wearing a sleek silk business suit with a properly kept hair and neatly shaven face.

"Good afternoon, Miss Ava." Magalang na bati niya.

Lalong nagsalubong ang mga kilay ko. He knows me? Dustin and Paul were quick to stand in front of me, alert and ready for attack.

"I'm Marc, Don Leonardo's personal aid." Pahayag ng lalaki bago pa man ako alisin doon ng dalawang bodyguards.

Oh, yeah! That's why he's familiar! Kasa-kasama ito lagi ng matandang Ventura kahit saan ito magpunta. Hinawi ko si Dustin at Paul sa harap ko saka ngumiti sa lalake. He smiled back.

"Pinapunta ako ni Don Leonardo para sunduin kayo. Gusto niya kayong makausap."

My chest started pounding. Why does Don Leonardo wanted to talk to me? That's what I've been thinking as I was sitting at the back of his car. At habang iniisip ko ay ay lalong tumitindi ang kaba ko. Si Dustin at Paul ay hindi ko na pinasunod dahil sa village lang din naman ang mansyon ng Don. They even called Dad to inform him at pumayag naman si Dad.

Pinagpapawisan na ako ng malapot nang marating namin ang malaking bahay ni Don Leonardo na malapit lang rin naman sa 'min. Nakakalula ang ganda at rangya niyon. Parang nahihiya nga akong pumasok. If I'm not anxious right now, I'd be wowing in every corner of the mansion where my eyes landed.

Kung marangya ang labas, triple ang rangya sa loob. It was literally a castle. A modern castle. Napakalaki ng bahay na ito para kay Don Leonardo. Hindi ba siya nalulungkot? Kahit pa sabihing halos kapit-bahay lang niya ang mga anak niya at patawid-tawid lang ang mga apo niya sa bahay ng mga ito at dito sa mansyon ay napakahirap pa rin tumira sa ganito kalaking bahay nang ikaw lang mag-isa.

"Follow me." Marc said formally as he lead me through a never-ending hallway. Pakiramdam ko ay ibang lugar na ang dulo ng ng pasilyo sa sobrang haba niyon. Hanggang sa wakas ay makarating kami sa bandang gitna at tumambad sa 'min ang sobrang lapad na pintong yari panigurado sa mamahaling kahoy. Kumatok doon si Marc ng isang beses bago abutin ang seradura. Kasabay ng pagpihit niya n'on ay ang pagpigil ko ng hininga.

AvalancheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon