AVALANCHE (TWENTY FIVE)

1.1K 45 15
                                    


"Nawalan ka na ba ng tiwala sa isang tao?"


Natigil sa tapat ng bibig ni Ate Egypt ang hiwa ng pipino na isusubo niya na sana. Salubong ang kilay na tumingin siya sa 'kin. "What kind of question is that?"

"Pwedeng sagutin mo na lang?"

Pinanliitan niya ako ng mata, naninita. She let out a small sigh before putting down her fork with the cucumber on her salad plate. Pagkatapos ay dinampot naman niya ang table napkin para dampian ang kanyang bibig. At pinapanood ko lang siyang gawin ang mga 'yon, naghihintay ng kanyang sagot.

"Ate--" Ungot ko nang hindi na 'ko makapaghintay na matapos ang lahat ng kanyang seremonya bago ako sagutin ng oo o hindi, ngunit hindi ko pa tapos ang dapat sana'y sasabihin ko, tiningnan niya na ako nang masama. And Ate Egypt just had that in her, you know. Kaya niyang sindakin ang isang tao sa isang masamang tingin lang. Even me, a bitch who will never in her life be threatened about anyone. Yet here I am, scared for my own life.

"Kapag ba ang baso nabasag--"

"Mabubuo ulit?" tamad na putol ko sa sasabihin niya. I huffed in absolute annoyance, rolling my eyes. "Ate naman... ilang beses ko ng narinig 'yan, eh! Wala bang bago d'yan? 'Yung pang-abogado ang datingan! Ibang argument naman, please."

My sister threw me a very sharp look, one that can cut any throat in the world, specially mine. Inirapan niya ako saka marahang initsa sa tabi ng kanyang plato ang hawak niyang table napkin.

"I'm sorry, your honor. Please proceed." I said like a kid who had been scolded. Ate Egypt's face contorted into are-you-fucking-serious face.

I think I made it worse...?

"Kapag nabasag ang isang baso, natural, hindi na mabubuo ulit, 'di ba?" She started again sarcastically.

"Natural!" I agreed. Lihim akong napangiti. Minsan kasi'y ang sarap asarin ni Ate Egypt. These are the tiny moments I think she feels normal. Na hindi siya seryoso, kasi hindi naman niya ako kailangang seryosohin.

Muli siyang umirap, napipikon sa sitwasyon. "Hindi na mabubuo ulit, pero pwede kang bumili ng bago."

At doon ako natigilan.

Oo nga, ano? Pwede kang bumili ng bagong baso. Pwede kang---

"Pero s'yempre itatanong mo muna sa sarili mo, anong klaseng baso ba ang ipapalit mo? 'Yong kagaya ng naunang nabasag? O bibili ka ng mas maganda, mas matibay, 'yong kayang i-endure any certain amount of falls, pero mahal." Tinitigan ako ni Ate Egypt, at nakipagtitigan ako sa kanya. 


"Ikaw? Anong pipiliin mo?" I don't know why I'm feeling a bit scared about this. It's quite stupid. I'm stupid for asking such questions. Ano bang iniisip ko? Ano bang nangyayari sa 'kin? Bakit ba takot na takot ako? I watched Ate Egypt as she played the lettuce leaf with her fork. I watched her draw circles on it. "Hmm...depende."

"Depende saan?"

"Depende kung gusto ko 'yong basong nabasag." She shifted her gaze at me, may anino ng ngiti sa kanyang mga labi. "Naalala mo 'yong regalong vase sa 'kin ni Mom?"

"The one she got from Turkey?" I asked, and then nodded to my own question. "Yeah, I remember."

"Nabasag 'yon n'ong may nagwalang client sa opisina ko. I was so sad, kasi galing kay Mom 'yon, eh. Bigay niya sa 'kin. Ibig sabihin ako ang naisip niya n'ong nakita niya sa Cappadocia ang vase na 'yon. And so what I did, is buy another one that looked exactly like the one Mom gave me."

AvalancheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon