AVALANCHE (NINETEEN)

1.5K 73 23
                                    

ANDREA wasn't delighted at first that I interrupted her sleep ngunit agad rin napalitan ng pagtataka at pagaalala ang inis niya nang makita niya ako sa harap ng pinto ng kanyang condo pagkatapos kong kalampagin 'yon ng ilang ulit. Hindi ko alam kung anong hitsura ko, but I'm sure I don't look like the same Ava they see on huge billboards standing high and mighty above the goddamn freeway or the one they see on magazine covers all glitz and glam. I know that I am not a beautiful vision of the strong independent Ava Fontanilla now.

I looked like a mess.

I am a mess.

"What happened?" She asked worriedly, pulling me inside her unit.

I shrugged in an attempt to act casual. Like nothing happened. Like my world isn't slowly crumbling again. "Life." Maikling sagot ko saka pabagsak na naupo sa couch ni Andrea.

Inirapan niya ako. "Don't give me that bullshit. You look like hell."

"Do I?" Pagod na pinadaan ko ang isang palad sa buhok ko. Na para bang may magagawa pa 'yon para isalba kung ano man ang 'itsura ko ngayon.

Hindi siya sumagot. Bagkus ay muli akong binigyan ng irap. Sa kabila ng matalim niyang tingin ay isang babaeng nag-aalala na baka nababaliw na ang kaibigan niya.

Iniwan niya ako sandali para pumunta sa kusina. Pagbalik niya ay may dala na siyang dalawang wine glass. Inabot niya sa 'kin ang isa na walang kurap kong tinanggap. Naupo siya sa tabi ko, nakatingin sa 'kin habang sumisimsim ng Pinot Blanc mula sa kanyang baso, hinihintay na magsalita ako ngunit tahimik lang din akong uminom.

"So, what happened?" Tanong niya nang hindi na siya makatiis sa pananahimik ko.

I heaved a slow, deep sigh. Pinagiisipan kong mabuti kung sasabihin ko ba sa kanya ang totoo o magsisinungaling na lang ako. Just like the old times. But then, there's a reason why I chose to come to her—well,aside from the fact that she's the nearest in the vicinity. She's also the closest to me. I mean, close rin naman ako sa tatlo and I love all four of them equally. Kaya lang ay si Andrea kasi ang sa tingin ko'y pinaka maiintindihan ako. More than anyone. She's the most rational. She's the mom in the group. And the most tolerant. For sure tatalakan lang ako nina Fiona at Krissy. At si Miles, siguradong lalo lang akong paiiyakin.

"Ava," untag ni Andrea. "Tell me what happened."

Pabiro akong umismid. "Wouldn't you ask me first if I wanna tell you what happened?"

"Fuck off." She scowled and I laughed. Look at how far we've fallen. Noon ay halos wala itong alam na mura. "You think I'll let you sit here on my couch that I had shipped all the way from Italy while drinking a glass of an expensive wine, in the living room of my upscale condo located in an exclusive neighborhood, without telling me what the hell happened to you? The hell no."

I giggled. "Are you bragging?"

"Well, yeah! Achievement kaya ang mga 'to! Of course I'm gonna brag."

Napailing na lang ako. "And also, kaibigan ba talaga kita?"

"Hell to the fucking yeah! Kaya sabihin mo na sa 'kin kung anong nangyari so we can reinforce!"

Again, I shook my head. I waited for my grin to fade before inhaling heavily one more time. I fixed my eyes on the glass, silently asking the angles to give me more strength because God knows I'm gonna start crying any moment now. Humigpit ang hawak ko sa babasaging baso nang bumalik sa 'king alaala ang mga nangyari kanina. At ang mga nangyari bago pa 'yon.

"Leon." Sagot ko sa tanong ng kaibigan sa mahina at maliit na tinig. Duda akong narinig ni Andrea ang sinabi ko. But surprisingly, she did.

"What about him?"

AvalancheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon