#1 - HANGGANG KAIBIGAN NALANG BA?

74 5 0
                                    

Hi. Ako si Miguel Tan, at nais ko lamang ibahagi ang kuwento ko.

Flashback...

Naalala ko nun kung gaano tayo ka close na parang di na tayo mapag hiwalay. Naalala ko nung kinder tayo, pinagtanggol kita sa mga lalaking nang aaway sayo. At simula nun.. dun na tayo palaging nagkakasabay kumain at nagkakasama.

At nalaman ko ring magkalapit bahay lang pala tayo kaya iyon din ang naging daan para mas naging close pa tayo.

Pero pagkaraan ng walong taon, nasa ika- anim na baitang tayo nun, sabi mo na pagkatungtong mo ng hayskul lilipat kana ng ibang paaralan. Nalungkot ako nun. Sobra sobra. Di ako sanay na wala ka sa tabi ko. Ang kaibigan ko. Ang palagi kong kasangga sa lahat ng bagay. Ang palagi kong kasama sa kalokohan at kasiyahan.

4 na taon ang nakalipas, nasa ika- sampung baitang tayo nun. Wala namang nagbago. Ganun parin. Masaya parin. Close parin. Pero sa pagpapatuloy ng oras at araw, unti unti ka ng lumalayo sa akin. Di kana pumupunta sa bahay, tapos pag pumupunta naman ako sa bahay nyo, palagi kang wala. Pag nakikita mo ako, umiiwas ka at pinagtatabuyan ako. Anong nangyari? Kala ko ba 'friends forever'? Anong nangyari doon?

Ang masama pa roon, nahulog ako sayo. Tangina. Nakakabading mang sabihin pero oo, nahulog ako sayo.

Pero sa tingin ko, huli na ang lahat. Nagkaroon ka ng ka relasyon. Minsan makikita ko, hatid sundo ka nya sa bahay. Minsan naman pagka weekends, lalabas kayo at pupunta kung saan. At masayang masaya ka sa piling nya.

Napaka sakit. Di ko matanggap. Nakararamdam ako ng sobrang inggit sa ka relasyon mo dahil dapat ako yung nagpapasaya sayo. Yung nagpapakilig sayo. Pero hindi eh, yung takot ang pinagana ko. Eto ako ngayon, nakakaramdam ng pagsisisi. Ng panghihinayang na sana, tinry ko muna na baka mahalin mo rin ako pabalik. Edi sana hindi umiiyak ng ganito dahil sa sakit at pagsisisi.

Pero pagkalipas din ng panahon, naka move on ako sayo. Nagkaroon din ako ng sarili kong ka relasyon. Naging masaya kami. Bumalik ang dating sigla ko. Naging masaya ako ulit. Pero syempre, sa kabila ng pagiging masaya ko, bumalik ka nanaman sa buhay ko. Ginulo mo nanaman ang puso ko. Nag break kayo ng boyfriend mo. Sabi mo na panakip butas ka lang. Na ginamit ka lang nya kase akala nya na makakalimutan nya ang past girlfriend nya pag pumasok ulit sya sa isang relasyon. Pero hindi. Nagkamali daw pala sya. Na mahal parin nya ang past girlfriend nya kaya ngayon, umiyak ka sakin ngayon.

At nakakagulat ang pag amin mo sakin na ako talaga ang tinitibok ng puso mo at hindi ang boyfriend mo. Na tinry mo lang din na makalimutan ang feelings mo sakin dahil ayaw mong masira ang pagkakaibigan natin. Nagpantig ang tenga ko. Nainis ako sayo. Nakakagago yung pag amin mo na yun. Yun yung lalong nagpagulo sa puso ko.

Di ko nga alam kung maawa ba ako sayo o sakin? Kase naawa na rin ako sa sarili ko eh. Gusto ko lang namang maging masaya ah. Pero bakit di sakin maibigay yun? Puro problema nalang ang binibigay sakin? Pero wala akong magagawa, BESTFRIEND mo ako eh. Kaya bilang bestfriend mo, pinapasaya kita. Kinocomfort kita at binabalik ang dating sigla mo. Pero sa pagdaan ng panahon, nagiging awkward na ako sayo dahil sa pag amin mo.

Eto nanaman ako, naguguluhan nanaman ako sa nararamdaman ko.

Bumabalik nanaman ang feelings ko kay Olivia. Alam kong di pwede. Alam kong mali. Dahil may girlfriend na ako. Na huli na ang lahat. Wala na tayong mabubuong lovestory. Pero kung kaya ko lang sana diktahan ang puso ko na isa lang mahalin at yun ang girlfriend ko, ginawa ko na. Pero hindi, pasaway ang puso ko. Hindi makapili sa pagitan ng 'dating minahal ko' at 'ngayong minamahal ko'. Sobrang hirap. Ang hirap ng ganitong sitwasyon. Nakakabobo.

Hanggang sa dumating yung araw na kinakatakutan ko. Na nag desisyong makipag break ang girlfriend ko sakin dahil di nya na daw kaya ang selos na nararamdaman nya sa panahong ang kasama ko si Olivia na may mabigat na pinagdaanan at hindi sya.

Naiintindihan ko naman sya. Nawawalan na nga ako ng oras sakanya. Inuuna ko na ang bestfriend ko kesa sakanya. Ang tunay kong girlfriend.

Pagkatapos ng pakikipag break ng girlfriend ko sakin, parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa. Gulong gulo na ako sa mga nangyayari. Buong gabi, di ko mapigilan ang pag iyak ko. Bigla bigla nalang sila papatak ng sunod sunod. Di na mapigilan pa. Ang sakit. Bumabalik yung sakit. Ba't ba ako kinakarma ng ganito? Nagmahal lang naman ako ah? Wala namang masama kung magmahal ka diba? Pero hindi ko naman hiniling na dalawa ang mahalin ko ah? Ba't ganito?

8 years later...

Pagkatapos ang ilang taon, medyo bumabalik na ulit ako sa dating ako. Yung masayahin, masigla at simple.

Unti unti ng naayos ang lahat. Ok na ulit kami ng bestfriend kong si Olivia.
Ok na kami ng ex girlfriend ko. Di man kami ang nagkatuluyan, atleast may pinagsamahan naman kami. Ilang taon din yun no. Nalaman ko ring may bago na ulit syang nobyo at malapit ng ikasal. Masaya ako para sakanila. Nakuha na nila ang true love nila. Yung taong makakasama nila sa buhay sa hirap at ginhawa.

Ngayon naman si Olivia, successful doctor na. Masaya ako para sakanya. Single parin sya ngayon sabi nya. Pero malapit ng maging taken dahil may balak na akong magpropose sakanya ngayon. At niloloko nya ako na ako't ako parin ang first love nya. Di daw magbabago yun. Nakakabading mang sabihin, pero kinilig ako dun.

At ako naman, successful architect na. Single din ako ngayon. Pero magiging taken na rin kung sasagutin ako ni Olivia. Graduated na nga pala ako sa Torpe University.

"Hoy Miguel! Kakain ba tayo o hindi?!" Nakataas na kilay na usal ni Olivia.

Di ko namamalayan na kanina pa pala ako nakatulala dito. Masyado ata akong excited na kabado sa proposal ko eh.

"Eto na nga po prinsesa ko, aalis na nga po." At pinaandar na ang kotse ko.

Nakakamiss yung ganitong pagkakaibigan namin ni Olivia. Walang salita ang pwedeng mailarawan sa pagkakaibigan namin ni Olivia. Ang daming naging pagsubok ang sumubok sa pagkakaibigan namin.

Parang panaginip lang ang lahat. Parang imagination ko lang ang lahat.
At sa tingin ko, kung nasa isang fairytale kami, sa kabila ng pagsubok may happily ever after palagi.

"San ba kase tayo pupunta, Miguel?" Tanong ni Olivia sakin.

"Basta, surprise."

Pero dadalhin ko sya sa isang amusement park. Gusto ko kaseng maging masaya sya ngayong araw eh. At paborito nya ring pumunta sa mga amusement park.

Nabalot kami ng nakakabinging katahimikan. Pero yung komportable naman at hindi awkward. Ng biglang magsalita si Olivia.

"Miguel..."

"Hmm?"

"Ikakasal na ako."

Parang unti unting gumuho ang mundo ko ng marinig ko ang tatlong katagang iyon.

Di maari.

Di maganda to.

SHORT ONE SHOT STORIES COLLECTIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon