#2 - EXPECT THE UNEXPECTED

49 6 1
                                    

Ako si Cyrah Jane Morales. Isang fangirling person at isang NBSB... pero loyal kay crush. Pangalanan nalang natin syang Joaquin.

Di alam ni Joaquin na nag eexist ang katulad ko. Pero tinutulungan akong mapalapit sakanya ng kaibigan kong si Jillian.

Tinuturuan nya ako ng mga hokage moves, petmalung words and etc.

At naging close nga kami ni Joaquin dahil sa mga advice nya. Nagsimula kami ni Joaquin sa isang hi na napunta sa nice to meet you at getting to know stage. Tumagal yung ganyanan namin ni Joaquin hanggang 1 year.

Hanggang sa after 3 years.. naging kami ni Joaquin. Umamin sya sakin thru chat. At sinagot ko din sya thru chat. Ang tanga ko no? Sinong tangang tao ang sasagutin ang crush nya thru chat? Pero wala eh, mahal ko na ata.

Hanggang sa nalaman kong fuccboi pala si Joaquin. Na may iba na pa pala syang girlfriend bukod sakin. Ang tanga tanga ko, nabiktima ako ng isang fuccboi. Nagpadalos dalos ako sa mga bagay bagay.

Kaya gabi gabi akong umiiyak kay Jillian, ang bestfriend ko. Sya yung palaging nandyan sa panahon na kailangan ko ng kasangga. Sya yung nandyan sa panahon na malungkot ako. Palagi ko nga syang naabala eh. Tuwing madaling araw tatawag ako sakanya para maglabas ng hinanakit at gagambalain ang tulog nya. Pero ok lang naman daw. Bestfriend naman daw nya ako eh.

Pero sa kabila pala ng pinapakita nya saking kabutihan, may tinatago pala syang ka gaguhan. Sya pala ang bago ni Joaquin. Kaya pala iniwan ako ni Joaquin. Nakahanap pala ng kauri.

Dumaan ang taon at oras, paunti unti akong naging ok. Naka move on ako kay Joaquin at sa ahas kong kaibigan at naging masaya. Well, maganda naman ako at mayaman na eh. Maayos na ang buhay ko. Wala na akong hihilingin pang iba. Ako na nga pala ang may ari ng isang kompanya sa may Manila. Kaya kabog ko na ang dalawang gago.

"Hi, love kumain ka na?" Tanong ng fianceè kong si Louise sakin sabay halik sa pisngi.

Di ko namamalayan na kanina pa pala ako tulala.

"Kanina ka pa dyan, love? Di pa ako kumakain eh." Paglalambing ko sakanya.

"Well that's great! May alam akong Korean restaurant dito. Tara na?" Pang- aaya nya sakin.

"Yay! The best ka talaga. Tara na!" Masayang tugon ko sakanya.

"Hay.. ang cute cute mo talaga. I love you." Sabay kurot sa ilong ko.

"I love you too."

At sumakay na nga kami sa kotse nya.

Habang nasa biyahe kami ni Louise, napag isip isip kong may matututunan ka sa kabila ng pagiging tanga mo. May maganda itong maidudulot sayo. Matututo kang maging malakas, palaban at matapang.

Na sa kabila ng mga pagsubok na binigay sayo, kayang kaya mo itong harapin. At ang tanging makakatulong lang sayo ay ang sarili mo.

At sa kabila ng mga pagsubok na iyan, magbubunga pa ito ng magandang ending na kala mo nasa isa kang fairytale. Ang kailangan mo lang ay magtiwala sa Diyos.

------ THE END. ------

-----------

Ok na ba guys? Haha

SHORT ONE SHOT STORIES COLLECTIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon