LEONIE hurriedly walked down street. Katatapos lamang niyang mag-apply sa Intercorp Global Industries. At nakasisiguro na siyang hindi siya matatanggap doon. Hindi niya maiwasang mapabungisngis nang maalala ang ginawa doon kanina.
Pero mayamaya'y napabuntunghininga din siya. Kung tutuusin, ayaw niya talaga ng mga office work. Kaya nga kahit parehong tapos ng kursong Business Management at Music, mas pinili niya ang maging piano instructress. She is a musician by heart. And she will always be. Pero kailangan muna niyang iisantabi iyon para sa kapakanan ng Papa niya.
Halos iisang taon pa lamang nang bawian ng buhay ang kanyang Mama. Marahil hindi iyon kinaya ng kanyang Papa kaya madalas nagiging matamlayin ito at sakitin. Napilitan na nga itong huminto sa pagtuturo sa pinapasukan nitong unibersidad.
Hanggang sa isang araw ay dumaing ito ng pananakit ng dibdib. Iyon na pala ang simula ng paulit-ulit na pagkakaroon ng mild stroke nito. At ngayon nga'y naka-confine ito sa ospital. Halos masimot lahat ang ipon nila. Kaya nagdesisyunan na siyang mag-resign muna sa Evoria Piano School at maghanap ng trabahong mas makakatustos sa pangangailangan nilang mag-ama.
Sinubukan niyang mag-apply sa Prime Holdings, ang kumpanyang pag-aari ng Tito Juanito niya na malayong pinsan ng kanyang ama. Pero sa malas ay iba naman ang gusto nitong ipatrabaho sa kanya. Sariwang-sariwa pa sa isip niya kung paano siya kinausap noon ng kanyang tiyuhin sa opisina nito.
''Sit down, Leonie!'' sabi ng tiyuhin sa kanya kaya naman agad siyang sumunod. Nakita niyang binabasa nito ang kanyang resumè. "So...kamusta naman ang Papa mo? Is he okay?"
"Medyo okay naman po at nagpapagaling sa ospital, Tito."
"Ah, mabuti naman. Tell him I'm going to visit him one of these days." sabi nito sa kanya habang patuloy na binabasa ang kanyang files. "So, you've got a masteral degree in Music, major in Piano."
"Yes, Tito," kiming sagot niya.
''And it also says here that you got a degree in business management, but you weren't able to use it well dahil nag-focus ka na as pianist instructress, right?
"O-opo, Tito."
"So how can a piano instructress like you help my company?" walang kagatul-gatol na sabi nito.
Bahagyang namula ang mukha niya. "I worked as store manager before I became a piano instructress, Tito Juanito," malumanay na sagot niya dito. "I have my references that will prove my skills."
Mataman siya nitong tiningnan. ''Well, the only position I can offer you right now is as secretary.''
"B-but, I don't want to be a secretary, Tito," sansala niya sa sinabi ng tiyuhin. "You and I both know I'm over-qualified for that positon!"
"I know. But it's the only position we've got right now." Mayamaya'y sumeryoso ang itsura nito. "Pero kung gusto mo, may iba akong i-o-offer sa 'yo."
Napaangat siya ng tingin dito na tila naguguluhan.
"I want you to apply at IGI and be my spy!"
"You want me to be what?" hindi makapaniwalang sabi niya.
"I want you to spy for me. Mag-apply ka sa Intercorp Global Industries. Iyan ang number one competitor namin. Pakinggan mo lang mabuti kung ano ang mga usap-usapan sa kompanyang iyun and in return I'll give you thirty thousand monthly allowance plus a condo unit na malapit sa IGI and medical insurance to secure your father's medication, " mahabang paliwanag nito sakanya.
"But that's dangerous!" sagot niya dito.
"I know. But you're smart, Leonie. You can do it. You just have to be careful, that's all. At ayaw mo nun, doble-doble ang magiging sahod mo,'pag nagkataon. You're working for them, and at the same time working for me, too."
BINABASA MO ANG
MALING AKALA #WSAwards2018
Short StoryThere's a fairy tale about a prince who put a shoe to a princess, right?" tanong nito. "Yes," hindi niya maipaliwanag ang kakaibang nararamdaman sa simpleng paglalapat ng kamay nito sa paa niya. "It's Cinderella, right?" "Right. And what happens if...