Chapter 3
NAKARAMDAM ng lungkot si Leonie matapos kumain dahil alam niyang aalis na rin ang binata. Wala na siyang mairarason para magtagal pa ang pagkakataong magkasama niya ito.“How about some desserts, you two?” narinig niyang sabi ni Clive na lumapit sa kanila para kunin ang pinagkainan.
“Thanks, but I think I'm full already!” sagot ng binata.
“How about you, Leonie? You should try my special dessert,” alok sa kanya ni Clive. “It’s a bowl of ice cream of several flavors and colors arranged in layers. Then it’s topped—”
“—With bits of fruit and nuts,” pagtatapos ni Leonie sa sinasabi ni Clive. “It's Spumoni, right? My mom used to serve us that, too.”
“You're an Italian?” hindi makapaniwalang tanong ni Clive. “Because it’s an Italian dessert, you know.”
“No, but my mom's ancestors are Italian,” nakangiting sagot niya dito.
Napasandal naman sa upuan si Rufo at pinag-cross ang dalawang kamay sa kanyang dibdib. Kitang-kita sa anyo nito ang pagka-amused sa kanya.
AFTER an hour matapos kumain ay sabay na silang lumabas na dalawa.
“So, do you have anything planned for tonight?” tanong ng binata nang ipagbukas siya ng pinto ng kotse. Ang kotse kasi niya ang ginamit nila papunta ng restaurant. “Maybe there’s something or somewhere you need to attend to?”
“Wala naman. Why, what do you have in mind?” aniyang agad ding napakagat-labi. Shit. Ano ba, Leonie. Hindi naman halatang gusto mo siya makasama eh, no!
“May party kasi ‘yung isang friend ko tonight. Yayain sana kitang sumama, if you like,” sabi ng binata nang makaupo na at ini-start ang sasakyan.
“Hindi ba nakakahiya? I mean, baka kung ano ang isipin nila kapag may kasama ka,” alanganing sagot niya. Huu, kunwari ka pa eh gusto mo naman talagang sumama, tukso ng isip niya.
“Okey lang ‘yun,” tila balewalang ani Rufo. “Expected naman nila na may kasama talaga ako.”
Hindi niya maiwasang bahagyang masaktan sa narinig. Second choice lamang pala siya nito na makasama.
“So, nasaan na dapat ‘yung kasama mo ngayon?” mahinang tanong pa rin niya.
Nagkibit-balikat lamang ang binata. Mayamaya’y iniba na nito ang usapan.
“So, sasama ka na, ha? Okay lang ba kung itong sasakyan mo ang gagamitin natin papunta ‘dun?” hingi nito ng permiso sa kanya. “Nasa talyer kasi ang kotse ko.”
“Oo naman... puwede bang magtanong?” alanganin ang tonong sabi niya.
“Sure thing,” baling sa kanya ng binata at hinawakan ang kanyang palad.
“Doon ka ba nagtatrabaho sa kabilang building?”
“Yup. I'm an Engineer, remember?” natatawang turan nito.
“Yes, I know. Kapag ba natapos na ang building na ginagawa ninyo ay aalis ka na rin?”
“No. I'll remain there as long as I want!” sagot nito na sinabayan ng pisil ang kanyang palad.
Napaisip naman si Leonie. Sa pagkakaalam niya, ang mga engineer na tulad nito ay hindi na obligado pang manatili sa kompanya ng boss nito kapag natapos na ang proyektong naka-assign dito.
Wala siyang kaalam-alam na ang binata ay hindi lamang basta engineer kundi ang president at founder ng Intercorp Global Industries. At ang building na katapat nito ay ang bagong office na pag-aari nito.
IT was a long drive papunta sa villa ng sinasabing kaibigan ng binata kaya naman nang may nadaanan silang convenience store ay namili sila ng makakain. Pagkatapos ay nag-aya muna si Rufo na magpahinga sa picnic grove na madadaanan nila dahil siguradong magugustuhan diumano niya ang lugar na iyun.
Hindi nga ito nagkamali dahil nang marating nila ang isang spot ng picnic grove ay napahanga siya. It was on top at halos kita ang buong siyudad ng Metro Manila. As if she too, was on top of the world.
Kuntentong nakatanaw lamang siya sa mga city lights habang umiinom ng canned juice. Natìgil lamang siya pag-inom nang maramdaman ang mga matang nakatitig sa kanya and she can't breath hard.
Rufo’s face is just inches away from hers. He touched and caressed her face then lifted up her chin. Ilang ulit itong napalunok bago tuluyang sinakop ang mapulang labi niya.
Biglang-bigla siya. Hindi niya alam kung tutugon sa halik nito o itutulak ito palayo. Ngunit bago pa man siya makapag-isip ay kusa nang kumilos ang kanyang mga labi at tinugon ang mapusok na halik ng binata. Naramdaman na lamang niya na kusang umangat ang kanyang mga kamay at yumakap sa batok ng binata.
“We have to stop,” narinig niyang bulong ng binata nang humiwalay ito sa kanya. Marahan siya nitong pinakawalan.
Saka lamang nakaramdam ng hiya si Leonie at nanghihinang napasandal sa matipunong dibdib ng binata.
“I'm not sorry for what happened. At alam ko, pareho tayo ng nararamdan,” sabi ng lalaki nang yakapin siya ng mahigpit.
Mayamaya’y nag-aya na si Rufo na umalis. Walang siyang kakibu-kibo habang nagbibiyahe sila. Nabibilisan kasi siya sa mga pangyayari.
What have I done? daing niya sa sarili. Ano na lang ang iisipin sa kanya ng lalaki. Na madali pala siyang bumigay. At papaano pala kung may asawa o girlfriend na ito? Paano siya, lalo at sigurado niyang unang kita palang niya rito ay minahal niya na ito. Ganoon din kaya ito sa kanya?'
Napabuntong-hiningang tumanaw na lamang siya sa labas ng bintana. Nagulat siya nang maramdaman ang palad nang binata sa balikat niya kaya napalingon siya dito.
“Are you mad at me?” masuyong wika nito.
“No. M-may iniisip lang ako,” aniyang nahihiyang tumingin ng matagal dito.
“It's hard to drive lalo na kung inaantok , alam mo ba. At lalong mas nakakatamad mag-drive kung alam mong may kasama kang magandang babae pero hindi mo alam kung ano ang iniisip niya,” sabi nito na tumingin sa kanya bago muling itinuon ang pansin sa kalsada.
“Hmm… so, ilang taon ka na?” aniya nang makuha ang ibig sabihin ng lalaki.
“Thirty-three. Does it matter?'' nangingiting sabi nito.
“Ilan ang asawa at anak?” pigil ang ngiting tanong pa niya.
Napahalakhak ang lalaki. “Ano ‘to, question and answer portion?” anito nang humupa ang katuwaan.
Inirapan niya ito. “O sige, ganito na lang— tatanungin kita, then ask me the same question.”
Nilingon lang siya ng binata. “No wives and no children, if that’s what you want to know. How about you? Do you have boyfriends na magagalit kung sakaling hindi ka umuwi ngayong gabi?”
“No, I don't have any!' mabilis na sagot niya.
“Good! Because I don't want to share what is mine!” seryosong anito.
Hindi naman niya alam kung matutuwa o malulungkot sa tinuran nito.
Bahala na si Batman, saisip-isip niya. Kahapon nang una niya itong makita, nakuha na nito ang buong isipan niya. At ngayon naman ay ang puso niya. And she knew it tonight, she's willing to give him her body and soul.
BINABASA MO ANG
MALING AKALA #WSAwards2018
Storie breviThere's a fairy tale about a prince who put a shoe to a princess, right?" tanong nito. "Yes," hindi niya maipaliwanag ang kakaibang nararamdaman sa simpleng paglalapat ng kamay nito sa paa niya. "It's Cinderella, right?" "Right. And what happens if...