8

1.2K 57 1
                                    

Chapter 8

SA ilang araw na lumipas, ilang beses tinangka ni Rufo na kausapin si Leonie.  Nagbabakasakaling siyang magkaayos silang dalawa.   Pero hindi siya nito binigyan ng pagkakataon. Palagi itong walang kibo at kung kakausapin naman niya ay seryoso at pormal lagi ang anyo.

“Leonie, I’m sorry,”  hirap ang loob na wika niya nang hawakan ito sa kamay at halikan ang mga palad nito.  “Please, I’m trying very hard here.”

Waring napaso naman na hinatak ng dalaga ang kamay nitong hawak niya.  Matalim ang tinging ipininukol nito sa kanya.  “I’m working, sir,” malamig ang wikang anito nang talikuran siya.

Napabuntonghiningang nagagap niya ang mga sariling palad. Hindi niya maintindihan ang sarili.  Kahit kailan hindi siya ang tipo ng naghahabol sa babae.   At hindi rin niya ugaling manuyo.  Pero lahat ng iyon ay  nabago sa pagdating ni Leonie.  He can't help it. Pakiramdam niya ay laging may kulang at sa tuwing nakikita niyang malungkot ang dalaga ay apektado siya.  Dahil somehow may pakiramdam siyang siya ang dahilan niyon.

Waring bumalik sa alaala niya ng huli nilang napag-usapan ng dalaga bago sila naghiwalay noon sa villa. “I don’t want to play games with you, Rufo.  The next time I'll be with you is because of love, not just lust.  Please don't toy with my feelings.”  Mga kataga nitong dati’y binalewala niya, ngunit ngayo’y umuukilkil sa diwa niya.

At ngayon nga’y napaglaruan na niya ang damdamin nito.  Nasaktan na ang dalaga at ayaw nang makipag-ayos sa kanya.  Paano ba niya mapatutunayan dito na seryoso na siya this time? Parang sasabog ang ulo na napapikit siya nang sumandal sa swivel chair at pilit iniisip kung ano nga ba ang gagawin.

PARANG pagod na pagod si Leonie nang sapitin ang tinitirhang condo unit.  Ang gulat niya nang paglabas ng elevator ay madatnang naghihintay sa pintuan niya ang kanyang Tito Juanito.

“Tito,” gulat pa ring wika niya nang lapitan ito.  “Ano pong ginagawa ninyo dito?”

“Aren’t you inviting me in first?” kunot-noong wika nito.

“I-I’m sorry,” napapahiyang wika niya.  Mabilis na sinusian niya ang pintuan ng kanyang unit.  “Pasok po kayo.”

Sandaling niligid ng lalaki ng tingin ang kalooban ng unit niya bago ito naupo sa divan sa salas.  “Bakit hindi ka na bumalik sa opisina ko?  We had a deal, remember?”

“I’m sorry, Tito Juanito,” nakayukong aniya.  “Pero hindi ko ho talaga kayang gawin ‘yung pinapagawa ninyo.”

“Who do you think you’re fooling?  Eh, nagtatrabaho ka nga as secretary ni Rufo Sanchez!” mataas ang boses na sabi nito.  Maang naman na napatitig siya dito.  

“I have my own resources, too, you know,” taas-noong wika nito.  Mayamaya’y sumeryoso ang anyo nito.  “Alright, kung ayaw mong tanggapin ang ipinatatrabaho ko, may isang ipapakiusap na lang ako sa ‘yo at hindi na uli kita gagambalain.”

Napaangat ang tingin niya sa matandang lalaki.  

“There will be a bidding para sa ilang kompanya na pareho naming binibili.  Ngayon, natural na kung sino ang may pinakamataas na offer, ‘yun ang mananalo.   At dahil sekreto lahat ng isinumiteng bidddings at offers ng kompanya, sa mismong araw na ng announcement malalaman kung sino ang bagong magmamay-ari ng kompanya,” pagdedetalye nito .  “Now, I want you to find out how much Rufo’s company’s offering nang sa ganoon ay malagpasan ko iyon.  Just provide me that info and we’ll call it even, okay?”

“I’m sorry, but I can’t do that, Tito,” matigas ang tonong wika.  Ngayon siya lubos na nagpapasalamat na hindi siya naging tauhan nito.

“Then you left me no choice but to tell them na kaya ka nagtatrabaho sa kanila ay dahil espiya kita!”

Napatigagal siya.  Waring sinamantala naman iyon ng kanyang tiyuhin at tumayo na ito at tinungo ang pinto.  “Pag-isipan mong mabuti, Leonie.  Kundi ay gagawin ko talaga iyon!”  Iyon lamang at tuluyan na itong umalis.

ILANG araw na siyang balisa.  Halos hindi na siya nakapagtutulog.  Maging ang pagpasok sa opisina ay hindi na niya maasikaso. Kahit ang mga text at tawag nina Jace at Rufo ay hindi niya pinagkakaabalahang sagutin.

I guess it’s the only way, malungkot na aniya sa sarili nang isang araw ay nakapagpasya na rin siya kung ano ang gagawing hakbang.  

Kinabukasan ay maaga siyang pumunta ng IGI at inabot kay Jace ang dalang sulat.

“What’s the meaning of this?” takang tanong ni Jace matapos basahin ang nilalaman niyon.  “Ilang araw kang hindi pumasok then biglang-bigla ay magre-resign ka? Why?”

“Trust me, you don’t want to know,” nakayukong sabi niya dito.  Natatakot siyang tumingin sa kaibigan at baka hindi niya mapigilan at mapaluha siya.

“Akala ko ba magkaibigan tayo?” malungkot na tanong ni Jace sa kanya at inakbayan pa siya nito.  “What is it?”

“Maniniwala ka bang kamuntikan na akong maging espiya ng kalaban ninyong kompanya?”  parang maiiyak nang pagtatapat niya.

“Ng Prime Holdings?” gulat na gulat na wika ni Jace. “Ni Mr. Juanito Donovan?”

'”Y-yes.  He asked me to spy for him,” yukong-yukong pag-amin niya.  “Pero maniwala ka sa akin, Jace, hindi ako pumayag sa gusto niya.”  

Sandaling natahimik si Jace.  “Is that the reason kung bakit lahat ng nilagay mo sa form mo noong una kang nag-apply ay  puro kalokohan?  At kaya ka lang muling natanggap dito ay dahil nakilala mo si Rufo?” waring napagtagni-tagni na ang mga pangyayaring tanong nito.

Tumango siya bilang pagsang-ayon.  

“Kung gayo’y bakit ginusto mo pa ring magtrabaho dito gayong ayaw mo palang ituloy ang usapan ninyo ni Mr. Donovan?” ani Jace na iniangat ang baba niya para makatingin siya dito.  

“Because I met him!” hindi na niya napigilang mapaiyak.  “I met Rufo.  The moment I laid my eyes on him, I knew I was inlove with him.  Pero eto nga, nagkaluko-luko na ang lahat.  And ngayon nga’y hinihiling sa akin ni Tito Juanito na malaman ang offer ninyo sa isang bidding kundi ay ibubunyag niya daw na nag-eespiya nga lang ako.  Please believe me na wala akong intensiyon na gawin iyon. I never wanted to spy, at mas lalong ayaw ko sirain ang tiwala mo.  K-kaya nga magre-resign na lang ako nang walang mangyaring gulo.  At para siguro, makalimutan na rin si Rufo.” Hindi maampat-ampat ang luha na paliwanag niya.

Waring nakaiintindi namang hinayaan siya ni Jace na ilabas ang sama ng loob.  Tahimik na hinahagod lamang nito ang likod niya.

Napatiim-bagang naman si Rufo na kanina pa nakatago at lihim na nakikinig sa usapan nilang dalawa.  He didn't know what to do, lalapit ba siya sa mga ito para magtanong kung ano talaga ang ibig sabihin ng dalaga.  Makakaya niya bang tanggapin ang katotohanan?

Ano ang kinalaman ng dalaga sa kanyang ama-amahan?  His mind was dizzy from all those revelations. May pag-asa pa ba para sa kanila ng dalaga gayong ang taong kinamumuhian niya sa lahat ang dahilan kung bakit niya ito nakilala?

Mabigat ang loob na walang kilatis na lumabas na siya ng opisina ng kaibigan at hindi na hinintay pa ang ibang paliwanag ni Leonie.

“Paano mo ba nakilala si Mr. Donovan?” tanong ni Jace nang sa wakas ay humupa ang pag-iyak niya.

“M-malayong kamag-anak ni Daddy si Tito Juanito.  Kaya nakiusap si Dad na magtrabaho ako sa kompanya niya  dahil hindi sapat ang kinikita ko para sa medication ni Dad. Eversince my Mom died, naging masasakitin na ang Dad ko.  Hanggang sa ma-stroke na siya ng ilang beses at ma-confine sa hospital, kaya naman halos lahat ng ipon namin sa gamot na lang niya napunta,” tila kinakapos ang hininga na kuwento niya.

“When I ask Tito Juanito for a job, in-offer-an niya ako ng libreng medication for my Dad, a condo unit plus salary, kapalit ng pag-spy sa IGI company.  Noong una’y papayag na sana ako.  I was desperate. Pero hindi talaga kaya ng konsensiya ko.   That's why I ended up walking nung nakita ako ni Rufo, nag-iisip ako kung saan mag-apply.  Then he asked me to apply again.”

Napatangu-tango naman si Jace.  

“Kung alam ko lang na magiging komplikado ang lahat sana’y talagang hindi na ako nagtrabaho dito,” nailing na pagpapatuloy niya.  Puno ng pagsusumamo ang anyo niya nang titigan ang lalaki.  “ So please, Jace.  For my peace of mind, please let me go,” pakiusap niya.

MALING AKALA #WSAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon