MAHAL

22 1 0
                                    

Mahal?

Naaalala mo pa ba ako?
Naaalala mo pa ba ang dating tayo?
Kasi ako?
Oo.
Naaalala ko pa lahat.
Naaalala ko pa ang mahihigpit mong yakap na parang ayaw mo kong pakawalan.
Naaalala ko pa ang halik sa noo na animo'y walang katapusan.

Kamusta nga pala tayo?
Ayy. Wala na palang tayo.

Sayang no?
Sayang ang mga araw na tinitiis natin dahil malayo tayo.
Sayang ang mga araw na ginugol natin kakatawag at text maiparamdam lang na mahal natin ang isa't isa.
Sayang ang mga buwang lumipas na akala nati'y magtatagal, iyon pala'y natapos lang.
Sayang ang isang taong lumipas na animo'y larawang nabasag lang.

Kasalanan ko ba mahal?
Kasalanan ko bang sumuko kahit alam kong kaya ko pa?
Kasalanan ko bang iwanan ka kahit alam kong mahalaga ka?
Kasalanan ko bang magpadala sa nakaraan kahit alam kong masasaktan kita?
Oo. Kasalanan ko.
Kasalanan kong sumuko dahil akala ko pagod ka na.
Kasalanan kong bumitaw dahil akala ko ayaw mo na.
Kasalanan kong bumalik sa nakaraan dahil akala ko di ako makausad nang dahil sa kanya.

Mapapatawad mo pa ba ako?
Mapapatawad mo pa ba ang isang tulad kong sinayang ang pagkakataong dati ay hawak ko?
Mapapatawad mo pa ba ako kung sasabihin kong ikaw pa rin ang mahal ko?

Kaya kong maghintay para sa'yo.
Sana sa pagbalik mo, itutuloy natin ang naudlot na "TAYO".
Sana sa pagbalik mo, masasabi mo pa ring mahal mo ako.
Sana ako pa rin ang nasa puso mo.
Asahan mong mananatili ka sa puso ko.
Asahan mong walang papalit sa'yo.
Asahan mong IKAW LANG HANGGANG DULO kahit pa sabihin nating "WALA NA TAYO".

PK's PoetryWhere stories live. Discover now