Akala mo okay na lahat.
Nakikita mo na yung sarili mong ngumiti at magpakabaliw.
Nakikita mo na yung sarili mong tumawa nang walang halong pagpapanggap.
Nakikita mo na yung sarili mong bumabangon.
Tinanong mo ang sarili mo nang paulit-ulit kung OKAY KA NA BA TALAGA.
Kaso ang sagot ay OO, KAYA KO NA.
Kaya mo na ulit magsimula.
Kaya mo na ulit ngumiti.
Kaya mo na ulit tanggapin ang katotohanan.
Kaya mo na ulit magpakatatag.
Unti-unti mong kinalimutan ang nakaraan.
Unti-unti mong tinalikuran ang sakit.
Unti-unti kang naglakad hanggang sa naligaw ka ulit.
Nakalimutan mo kung saan ka papunta.
Nakalimutan mo kung ano ang rason kung bakit ka bumangon.
Nakalimutan mo ang tuwa.
Nilalamon ka uli ng sakit.
Nilulunod ka ng kalungkutan.
Napagod ka.
Napagod ka ng sobra.
Pero wala kang magawa.
Akala mo kasi okay ka na.
Akala mo wala na ang pait at sakit.
Akala mo sasaya ka na ulit.
Akala mo makakabangon ka pa.
Akala mo lang pala.
YOU ARE READING
PK's Poetry
PoesieThis is a compilation of PK's Poetry. Feel free to read and vote and even suggest. You can also check my Oneshot's Compilation and Lessons In Life. Message me if you want a FRIEND. It would be my pleasure. "Life can't be define based on how hard or...