Bess, kamusta?
Masakit pa ba?
Masakit pa ba na naiwan ka?
Mahirap bang isipin na ginawa mo na ang lahat pero di pa pala sapat?
Masakit ba pag nalaman mong masaya siya kahit wala ka sa piling niya?
Mas masakit siguro 'pag nalaman mong MAS MATUTUWA SIYA KAPAG WALA KA NA.Tinaboy ka niya.
Iniwan na parang walang nangyari.
Hinabol mo siya.
Akala mo kasi inlab siya sayo pre.
Yun pala pinaasa ka lang niya.
Sinaktan ka niya pero ikaw na tanga INIIYAKAN PA RIN SIYA.Ano na bess?
Kaya pa ba?
Kaya mo pa bang ipagsigawan na mahal mo siya?
Kaya mo pa bang ipagdamot siya kung hawak na siya ng iba?Tigil na bess.
Itigil mo na.
Di mo kasalanang ibigay ang lahat kahit hindi pala dapat.
Di mo kasalanang magmahal ng tapat.
Wala kang kasalanan.
Walang may kasalanan.
Di niya rin kasalanan na DI KA NIYA MAHAL.
Kaya move on na.
Kahit anong pilit mong maging KAYO,
Kung matigas naman ang kanyang PUSO
Iiyak ka lang ulit at magmamakaawang,
SANA
SANA
SANA NAGMOVE ON NALANG AKO.
YOU ARE READING
PK's Poetry
PoetryThis is a compilation of PK's Poetry. Feel free to read and vote and even suggest. You can also check my Oneshot's Compilation and Lessons In Life. Message me if you want a FRIEND. It would be my pleasure. "Life can't be define based on how hard or...