45.

1.6K 29 3
                                    

8:30 na pero nasa kama parin ako at hindi pa bumangon. Tinatamad ako. Pumasok na siguro si Brent sa isang learning center kasama ni Mama. Pinasok na namin siya para naman may magawa siya at hindi mabagot dito sa bahay, para na rin makakilala pa siya ng mga kaibigan niya dito.

Tumunog yung phone ko na nasa bedside table. Unknown number? Sino naman kaya 'to.

"Hello?" Sagot ko.

"Let's meet. Meet me at the sandra's cafè at downtown." Sabi niya at binaba na. Ohey! Ano yun? Ngayon ko lang nalaman na meron palang side si Val na pagkamasungit. Hindi ko siya maintindihan kung bakit nagsusungit siya sakin. Siguro kung hindi lang siya lalake baka masasabi kung ako yung napaglilihian niya. Ewan! Nabagok ba ang ulo niya kaya ganun? 

Gayunpaman eto ako ngayon nagbibihis para imeet siya.

"Anak may pupuntahan ka ba?" Tanong ni papa habang nasa sala at nagbabasa ng diyaryo.

"Val called me. He wants meet up Pa." Sagot ko naman habang sinusuot ko yung running shoes ko. Simple lang ang suot ko nakapants, tshirt and jacket na makapal kasi sobrang lamig.

"Okay anak ingat ka."

"Okay Pa." Sagot ko at hinalikan siya sa pisngi.

Nasa labas na ako para magpara ng taxi. Malapit lang walking distance lang siya pero ayokong maglakad puro kasi snow ang paligid tiyaka madulas pa.

Nasa loob na ako ng kotse at nag ring yung phone ko.

"He....." Maghe-hello palang sana ako pero ininterrupt  na niya ako.

"You know I hate waiting.." Nagagalit na sabi niya.

"Bakit ka ba nagkakaganyan Val?! Parang hindi na kita kilala! Alam mo bang namimiss na kita?! Namimiss ko na ang kaibigan ko pero hindi na siguro kaibigan ang turing mo sakin kaya okay wag na tayong magkita. Babawiin ko na ang deal kakausapin ko nalang sila Papa at Mama." Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nanginginig ang buo kung katawan. Hindi ko na kasi nakakaya na parang wala kaming pinagsamahan.

Tumingin ako sa driver na kanina pa pala nakatingin sakin mula sa rearview mirror. "Are you okay?" Pa-slang na tanong niya.

"Yes I'm okay but can you stop the car on that side. I'm getting off." Pinahinto ko nalang yung taxi at bumaba. Hindi nalang ako pupunta at makikipagmeet sa kanya. Na dissapoint ako sa ugali ni Val akala ko magbabago rin siya matapos ang dinner pero hindi pala.

Maglalakad lakad muna ako para matanggal naman yung galit ko sa kanya. Napapabuntong hininga nalang ako sa mga nangyayari, naghiwalay kami ni Brandon at bumalik si Val. Bumalik nga siya ibang Val na siya hindi na siya yung kaibigan ko.

Medyo malapit na ako sa bahay ng tumunog ang phone ko. Si Mama, "Hello Ma?"

"Anak nasan ka na ba? Akala ko makikipagmeet ka kay Val?" Tanong ni Mama.

"Oo Ma pabalik na po ako ng bahay. Dumating na ba kayo sa bahay?" Tanong ko. Siguro nasa bahay na sila kasi isang oras lang yung tutor ni Brent sa Learning Center.

"Oh e bat ka lumabas? Andito si Val sa bahay nakikipaglaro kay Brent."

Nagulat ako anong ginagawa ni Val sa bahay? Siya ba ang magsasabi na tinigil na yung deal? Oh talaga naman oh! Baka magulat sila Mama at Papa. Mag-iisip pa sana ako ng idadahilan e. Binilisan ko nalang ang paglakad takbo pabalik ng bahay.

Nasa harap na ako ng bahay. Hinihingal na ako kaya magpapahinga muna ako saglit bago buksan ang pinto pero naririnig ko ang halakhak ni Brent mula sa loob. Ngayon ko nalang ulit narinig ang anak ko na ganyan tumawa.

"Diba nagkita kayo ni Sophia bakit hindi nalang kayo nagsabay pumunta dito hijo?" Narining kong tanong ni Mama.

"Actually tita Sophia is....."

Omg! Sasabihin niya na hindi na ako nagpaligoy ligoy pa pumasok na ako kaya naman nagulat sila.

"I'm here! Mag bibilhin sana ako na meryenda diyan sa labas e." Pagdadahilan ko.

"Meryenda? Diba nag-grocery tayo kahapon anak?" Tanong ni Papa.

"Oo nga pala Pa." Sagot ko sabay tawa para hindi masyadong halata na nagsisinungaling ako.

Bumaling ako kay Val na nakatingin sakin. Sumenyas ako na sundan niya ako para makausap ko siya kaya nauna na akong lumabas para hindi nila kami marinig.

"Anong balak mo? Patayin sa highblood ang magulang ko? Inaasahan na nilang magpapakasal ako sayo." Galit na sabi ko sa kanya.

"What are you talking about?" Patay malisyang tanong niya.

"Bakit akala mo hindi ko alam na uunahan mo ako na magsabi sa kanila na off na ang deal na kasal kasal na yan." Inis na inis na sabi ko pero tumawa lang siya na parang nang-iinis. Aba! Pinapakulo talaga ng lalaking 'to ang dugo ko a! Naging kaibigan ko ba talaga 'to?

"Umalis kana Val nakakainis kana!" Tinulak ko siya sa inis ko.

"Okay! Sorry! Happy? Is that you want to hear?" Galit na rin na tanong niya.

"I don't want you sorry! Sana hindi nalang tayo nagkita ulit kung ganto lang din Val." Hindi ko na napigilan ang mapaluha pero pinunas ko agad para hindi niya makita.

Magsasalita pa sana ako pero bumukas ang pinto.

"Mama? Daddy Val are you fighting?" Tanong niya. Agad ko naman siyang nilapitan at lumuhod para magpantay kami.

"Anak hindi we're okay ng Daddy Val mo nag-uusap lang kami." Sagot ko sa bata. Naramdaman kung lumapit din si Val.

"Don't worry baby we're not fighting. Go inside na. Malamig na dito sa labas." Sabi niya at tinap ang ulo ni Brent.

"Okay." Sabi ng bata at tumakbo na sa loob.

"Alis na ako." Paalam ni Val. Papasok na sana ako pero bumukas ulit ang pinto, si Mama naman ang lumabas.

"Val anak uuwi kana? Dito kana maglunch." Sabi ni mama. Patay! Sana huwag siya pumayag.

"No tita hindi na po." Sagot niya pero hindi nagpaawat si mama at hinila na niya si Val para pumasok ng bahay.

Napabuntong hininga nalang ako.

Kasalukuyan na kaming kumakain at tahimik ang lahat ng biglang magsalita si Papa na siyang kinagulat ko.

"So next week na ang kasal niyo right? Don't worry about it okay? All you have to do is to be ready on your big day. We will handling it, I will call your daddy anak." Sabi ni Papa.

"Uhm tito I just want a simple wedding. Kahit sa judge nalang I don't want it to be public." Sabi naman ni Val.

Hindi ako makaimik nakanganga nalang ako at pabalik balik ng tingin kay Papa at Val na nag-uusap tungkol sa kasal. Kailan nila naplano 'to? Plinano nila na wala ako?

"Anak masaya ako para sayo dahil napag-usapan niyo ng maayos ni Val kung kailan ang kasal niyo." Sabi ni mama na hinawakan pa ang kamay ko at nakangiti.

Pinagplanohan? Kailan namin pinagplanohan lahat ng yan? Hindi na ako nakapagpigil at tumayo na at nagtungo sa kwarto ko.

Napaiyak nalang ako habang nakadapa sa kama ko. Hindi ako naiiyak na maikakasal na ako. Naiiyak ako dahil hindi ko akalaing  si Val na naging kaibigan ko at sandalan ko noong mga panahon kailangan ko ng makakasama ay siya rin pala sa isa sa mga mananakit sakin.

Hindi ko na maintindihan kung saan niya hinuhugot lahat ng 'to. Siguro nga eto na yung paghihiganti niya sa ginawa ko noon sa kanya, noong hindi ko sinuklian ang pagmamahal niya.

***

I'm All Yours BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon