"Brent baby come and eat na. Tawagin ko lang si Daddy Val mo sa kwarto niya" Sabi ko habang naghahanda ng kakainin namin. Dinner na kasi. Lumapit naman siya. Pinagsandok ko siya ng kakainin niya.
Pumanhik na ako sa kwarto ni Val. Hindi kami natutulog sa iisang kwarto kasi alangan naman diba.
*tok tok tok*
"Val..." Tawag ko. Hindi siya sumagot..pinihit ko ang seradura at nakabukas ito kaya pumasok na ako.
"Val kain na tayo." Sabi ko pero hindi siya gumalaw kaya lumapit ako sa kanya. Nakita kung parang giniginaw siya.
"Val.." Hindi pa rin siya nagsalita. Parang may sakit siya base na din sa namumula ang gwapo niyang mukha. Hinawakan ko ang noo niya. Mainit siya. Inaapoy siya ng lagnat.
You right through me
How do you do that shit.
How do you do that shit[Hello Sophia?]
Si Brandon..
"Hello."
[Dinner tayo dito sa condo ko. Hihintayin kita..]
"Pero---."
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko kasi pinatay na niya. Paano ngayon? Hindi na naman ako pwedeng umalis nalang ng ganito. May sakit si Val.
"S-sino yun?" Nagulat ako kasi si Val nagising na.
"Wala." Sagot ko at umupo ako sa gilid ng kama."Nilalagnat ka..Kain na tayo para makainom kanang gamot."
"Puntahan mo siya baka importante."malungkot na sagot niya sakin.
"W-wala yun." I stuttered. Paano ko naman iiwanan si Val na ganitong may sakit siya?
"Okay lang ako. Baka kailangan ka ni Brandon." sagot niya at bumangon. Pano niya nalaman?
"Kailangan mo din ako Val. May sakit ka." sagot ko. Ngumiti lang siya ng malungkot at akmang babangon pero natumba siya kaya niyakap ko siya para hindi siya masubsob.
"Thank you Sophia kahit papano ay importante ako sayo. I like the feeling na inaalagaan mo ako." Mahinang sabi niya. Nakayakap pa din kami sa isat isa.
Pinatulog ko na si Brent sa kwarto niya. Pinakain at pinainom ko na din ng gamot si Val. Nasa tabi niya ako ngayon at nakaupo lang. Binabantayan ko siya. Baka kasi magkombulsiyon pa siya..Nakaramdam ako ng antok kaya napaobob nalang ako sa kama niya .
Nasa ganung posisiyon ako ng magising ako. Tinignan ko ang oras 1am palang? Naalala ko naman na dapat may dinner kami ni Brandon. Baka hinihintay ako nun..pero kailangan kung bantayan si Val..tss. Puntahan ko nalang siya para humingi ng tawad. 1am na pero kailangan kung puntahan siya. Hindi kasi ako tinatantanan ng konsensiya ko. Ni hindi ko manlang siya natext dahil sa pag-aalala kay Val.
Ginamit ko nalang ang sasakyan ni Val tutal maalam naman ako sa pagda-drive..si Val lang kasi ang ayaw akong pag-draybin kasi baka daw maaksidente ako.
Nasa elevator na ako ng building kung saan ang condo ni Brandon.
Ilang ulit kong pinindot ang door bell. Bumukas ito pero iba ang nagbukas. Isang magandang babae ang bumungad sakin. Bakit hindi si Meg? Nagtaas siya ng kilay sakin.
"Vanessa sino yan?" Narinig kung tanong ni Brandon at narinig kung palapit siya.
"Sophia?" Gulat na tanong niya.
"Sino siya babe?" Malanding tanong niya kay Brandon at pumulupot sa bewang niya.
"Pumasok ka muna sa loob Vanessa kakausapin ko lang siya." sabi niya sa babae at sinunod naman ito.
"Bilisan mu lang ha babe para ituloy na natin ang ginagawa natin." Napatirik nalang ang mata ko sa sinabi niya. Masakit pero pinalakas ko ang loob ko.
"Sorry." Halos pabulong na sabi ko sa kanya.
"Bakit pumunta ka pa? Akala ko okay na lahat Sophia pero bakit mo na naman ako binalewala." Galit na sabi niya sakin.
"Sorry." ulit ko.
"Umalis kana Sophia.." Mahinahon na sabi niya.
"Hindi mo kasi naiintindihan eh!" Naiinis na ako eh. Naiinis ako sa kanya at sa babaeng kalandian niya!
"Pwes ipaintindi mo sakin! Akala mo ba hindi ko alam na magkasama kayo ng Val nayon sa iisang bubong?!" He yelled. His jaw tightened.
Pano niya nalaman? Nasagot naman ang tanong sa isip ko.
"Sinundan ko kayo nung isang araw..sinundo ka niya sa company niyo at akalain mo na nakatira na pala kayo sa iisang bubong!! Hinayaan ko lang na gagohin mo ako pero tama na! Ayoko ng paglaruan ako ng isang katulad mo!! Umalis kana Sophia."
Hindi ko na kaya. Hanggang ngayon ba ganon pa rin ang pagtingin niya sakin? Binigay ko na lahat lahat eh! Pride nalang ang meron ako kaya ngayon palang kailangan ko ng umalis para hindi niya makita ang pagtulo ng mga luha ko. Ang gulo niya!
Nakarating na ako sa bahay at deretso sa kwarto ni Brent at doon pinagpatuloy ang pag-iyak. Niyakap ko ang anak namin. Siya nalang ang meron ako na alaala ni Brandon...
****
Gusto ko pong sabihin na private na po yung mga susunod na SPG nito. Thank you :)
BINABASA MO ANG
I'm All Yours Baby
Romance"I'd rather have one night with you than nothing at all." I'm All Yours Baby ♥ by: anneROCKSTAR ❤️