"Rachelle...” isang boses ng bata ang aking narinig na nagmula sa restroom. Mabilis akong tumayo mula sa aking kinauupuan at tila tumatayo na rin ang mga balahibo ko at maging ang tenga ko. Nag-iisa na lang kasi akong nurse na naiwan sa emergency room para magbantay sa ilang mga pasyente, dahil karamihan sa mga doctor at nurse ay may pinagkakaabalahan ding iba.“Si-no yan?” nanginginig kong tinig. Hinanap ko kung saan nanggaling ang boses, at napag-alaman kong sa restroom nga ng emergency room nagmula iyon.
“Rachelle... ” mas lalong lumalapit ang tinig ng batang maliit habang papalapit ako sa rest room. Nilibot ko muna ang paligid ng emergency room gamit ang dalawa kong mata pero wala naman akong nakitang kakaiba.
Matagal na akong nagtatrabaho dito sa Noah’s Hospital at marami na rin akong narinig na nakakatakot na mga kuwento pero hindi pa rin ako naniniwala dahil wala pa akong nasaksihang mga kababalaghan.
Sibubukan kong maging matapang ngunit nung malapit na ako sa restroom ay bigla na lamang bumukas ang pinto.
“Hah!” napasigaw ako dahil sa malakas na pagbukas nito. Marahan kong sinilip kung merong bang tao ngunit wala naman akong nakita.
“Rachelle?” sobrang lapit ko na sa boses ng bata. Maingat kong hinakbang ang aking mga paa.
“Rachelle, Hahaha...” Napatalon nalang akong bigla nung narinig ko itong tumawa ng napakalas habang patuloy sa pagbanggit ng pangalan ko.
Pinasok ko ang restroom at bumungad sa akin ang mga nakakalat na dugo sa sahig ng restroom. May mga foot print ng tao na halata kung iyong titigan ang mga nakakalat na dugo. Nung pumasok sa ilong ko ang amoy nito, napasuka akong bigla dahil hindi ko kinaya ang malansang amoy nito.
“Hehehe...” mas tinatagan ko pa ang loob ko nung marinig kong nasa likuran ko na ang halakhak ng bata.
Narinig ko rin ang maliliit na hakbang ng paa mula sa aking likuran. Mabilis ko itong nilingon ngunit ang nasilayan ko lang ay ang gumagalaw na pinto ng restroom.
Hinayaan ko nalang muna at pinagpatuloy ko nalang ang nagmamasid sa mga nakakalat na dugo sa sahig. Maya maya ay may kumaripas na tunog ng paa ang papalapit ulit sa akin ngunit nung ito'y aking salubungin ng tingin, malamig na hangin ang dumampi sa aking mga balat at kasabay nito ang labis ko ng pagkatakot.
Nakita ko ang isang batang nasa pitong taong gulang na nakaabang malapit sa pinto na nakalugay ang magulong buhok sa mukha nito. Nakasuot siya ng pampasyenteng damit ng Noah Hospital.
“Anong kanilangan mo sa akin? Bakit mo ako tinatawag?” tanong ko sa kanya habang hinahakbang paatras ang mga paa.
“Tulungan mo ako...” nagmamakaawang boses ang narinig ko mula sa kanya bago pa man ito maglaho.
Nung nakita kung wala na siya malapit sa pinto kung saan siya kanina nakatayo, mabilis akong nagtungo sa pinto para lumabas ngunit huli na ako, sapagkat ito'y nagsara na lang bigla. Inaalog ko ang doorknob para buksan ang pinto pero tila may kakaibang lakas ang pumipigil para hindi ko mabuksan.
BINABASA MO ANG
One shot stories Entry
RandomWe are a happy Writers. We write if we want and no one can stop us!