Our New story

47 15 8
                                    

Title: Our New storyGenre: Author: King_KEY_

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Title: Our New story
Genre:
Author: King_KEY_



This story is dedicated to syncxx thanks for the perfect cover of this book:)

=========================
Description
Bagong kwento ang naghihintay palagi sa atin, maaring darating ito sa tamang panahon, o di kaya'y pagkatapos mabigo sa isang relasyon, o kapag naguguluhan sa mga sitwasyon o di kaya sa mga hindi inaasahang pagkakataon. Kwentong alam ko naranasan na ng lahat, ngunit alam kong iba itong ginawa ko sa mga kwentong nabasa niyo.

Paano ko sinulat ang kwento ko?
Simple lang, isinusulat ko kung ano ang gustong sabihin ng isip at puso ko. Isinusulat ko ang mga bagay na naranasan namin, at mga sitwasyong naglagpasan namin.

Bakit ko napiling isulat ang kwentong ito?
Unang-una sa lahat ang kwento dapat nag-uumpisa sayo, pwede rin sa ibang tao (sila ang mga insiparsyon). Kaya napili ko ito kasi nung unang pumasok ang unang scene at last scene ng kwentong isang napakalungkot na saya ang naramdaman ko, kaya umaasa ako na ganitong-ganito rin ang mararamdaman ng mga mambabasa ko.

=========================

Hope you enjoy reading guys^^

========================

Nagmamaneho si Yula paakyat sa isang bundok upang ilabas ang sama ng loob nito.

"Nakakainis siya! Ginawa ko naman ang lahat! Pero wala! Wala na! Break na kami!" Sigaw ni Yula sa loob ng kanyang kotse habang patuloy pa rin ang pagmamaneho paakyat sa bundok.

Maaring tapos na ang kwento ni Yula at ng kanyang boyfriend pero, merong isang panibagong kwento ang naghihintay sa kanya.

Napatigil si Yula sandali sa tabi ng daan. Hindi na niya kayang pigilan ang emosyong patuloy na nananakit sa puso niya.

"Ano bang pagkakamali ko at humantong kami sa ganitong sitwasyon?!" Patuloy parin sa pagluha si Yula

Niyuko niya ang kanyang ulo sa manibela ng sasakyan, at nang iangat niya muli ang kanyang ulo ay may nahagip ang kanyang mga mata. Dahan dahan niyang nilingon ang kanyang nakita. At nang tuluyan na niya itong makita nabigla siya dahil,...

Isang lalaki ang nakatayo sa pinakadulo ng bangin.

"Hindi naman kailaganng humantong sa ganito ang mga bagay bagay, hindi solusyon ang pagpapakamatay sa problema" sabi ng isip ni Yula kaya't ang ginawa niya ay lumabas sa sasakyan upang pigilan ang lalaki sa pagtalon nito sa bangin.

Dumistansya siya sa lalaki na nakatikod sa kanya.

"Huwag kang tatalon" mahinang sambit ni Yula sa lalaki.

Unti unting lumingon sa kanya ang lalaki. Nabigla si Yula dahil may luha ang lalaki sa kanan nitong mukha nang ito'y lumingon sa kanya.

"Bakit siya umiiyak?" Tanong ng isip ni Yula. Biglang ngumiti sa kanya ang lalaki na ikinabigla niya. Tuluyan ng humarap ang lalaki sa kanya.

One shot stories EntryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon