Chapter 3: ID

334 9 0
                                    

*After 3 days from first day of class*

Shiela: "Oii Pauline bat kanina ko pa napapansin na tingin ng tingin sayo si Dominic?"

Maine: "Baka may gusto sayo si Mr. Hearthrub oiiiii ikaw huh?"😄

Pauline: "Bakit pag naka tingin ba may gusto agad?🤔(Kinikilig ng kaunti kasi syempre hearththrob na yan eh)Baka nga di naman sakin nakatingin baka sa iba Haha Wag tayong mag assume... Baka masaktan lang tayo"

Shiela: "Hahaha Oo nga namn... Wag Kasi Assuming tara na Punta na tayo sa Canteen gutom na ako"

Pauline: "hay nako mabuti pa"😁

***
Habang nasa canteen

(Nag Kukwentuhan Habang kumakain)

Maine: "Hayyss... ayan na naman si Dominic sa tingin tingin nyang nakakamatay eh!"

Pauline: "Suss... wala lang yan sa ngiti ni Jasper eh"

Maine: "Pauline, Di mo ba type yang si Dominic? Pa HTG ka lang yata eh kahit na tingin na ng tingin sayo si Dominic di mo parin pinapansin."

Shiela: "Nako! Maine sinabi mo pa eh halos nga lahat dito sa campus may gusto sa kanya eh. Kahit nga ako. HAHA"

Pauline: "Kayo Oo gusto niyo sya. Ibahin nyo ko, gusto nyo lang din naman siya kasi mayaman, pogi atbp. Nafa-fall naman agad kayo. Naniniwala kasi agad kayo sa mga sinasabi ng babaerong yan na 'mahal kita, ikaw lang sapat na' pero anong nangyari na anuhan lang alam nyo na iniwan na. Nako! Iba 'ko guys! Ibahin nyo ko. Alam kong bago lang ako dito kaya di nyo pa ko masyadong kilala at isa yun sa mga katangian ko 'hindi malandi' kaya ibahin nyo talaga ko sinasabi ko sainyo" inirapan nila ko.

Shiela: "Eh yun naman talaga hinahanap natin sa lalaki huh? Eh ano bang hanap mo? Basurero na kaya kang iahun sa kahirapan. Tsaka hindi kaya yun babaero! ibahin mo din sya sa mga lalaking nakilala ko Pauline ang gwapo nya kaya kahit may kayabangan atleast kayang mapakain mga anak mo kung sakali man ninang ako ahh"

Pauline: "Che! Hindi nga ko ganun Shiela! Wag mo nga kong idadamay sa mga katangahan mong nagawa sa buhay! Tss..."

Maine: "Shhh... tama na nga yan! Total tapos na rin naman tayong kumain balik na tayo sa room!"

Shiela: Tara!

***
Pauline's POV

Papunta na kami ngayon sa room. At ng...

"Hooooo! Ohhhhh! Ang gwapo mo talaga Dominic! Jasper! Nicole! Steph! Akin ka nalang!" Kanya kanyang sigaw ng mga students.

Napailing nalang ako kahit kinikilig. Dahil sa nakita ko sya. Magkakasama silang apat nasa may door na kami ng Canteen ng biglang...

"Shhh... Girls chill lang. Sino dito si Pauline Chavez? May naiwan kasi syang importanteng bagay lang naman" sabi ni Dominic

Hindi ako umimik ayoko ko kasing mainis sakin yung mga babae, marami pa naman dawng gangs dito. Pero bahala na. Kung akin yun anong magagawa nila? Naghintay nalang ako kung ano yung susunod nyang sasabihin.

"Ahmm... naiwan nya kasi yung i.d. nya sa upuan" sabay ngisi pa.

Yung ID ko? Bat nasa kanya nasa bag ko lang yun! Teka, Nasa bag? Eh bat umabot sa kanya. Nyeta talaga tong lalakeng to! Dumaan sila sa likod ko kanina nung palabas na kami ng canteen.

"Amin na yan! Pano na punta tong Identification Card ko sayo? Siguro kinuha mo sa bag ko noh!?" Hindi ko na inintay na magsalita sya tinalikuran ko na dahil baka masapak ko ang nyeta! Kainis nakakahiya sa longtime crush kong si Japer. Sa probinsya palang hinahangaan ko na sya at ngayon, ngayon nandito ko, kaharap siya kasama ang iba nyang barkada habang pinapahiya ng nag-nga-ngalang Dominic. Grrr...

"Ang kapal!"

"Sino ba sya sa tingin nya para kunin ni Dominic yung I.D. nya?"

"Hindi man lang nag thank you!"

Sabi ng mga studyante sa loob ng canteen.

Tae na! Bat ba kasi napunta sa kanya yung id ko ako pa tuloy napahiya.

***
Dominic's POV

Bat sya nagagalit sakin eh. Pasalamat nga syang kinuha ko yung ID nya sa bag nya kasi kung hindi ko hinila yun hindi nya mapapansin tong kagwapuhan ko at kung di nya mapapansin yun hindi nya ko magiging boyfriend matatalo 'ko sa deal bibilhan ko ng guitar yung kapatid ko, at ayaw na ayaw ko yung mangyari. Sumabay ka nalang sa hangin Pauline Chavez kasi kailangan kita sayang naman yang kagandahan mo kung di mo mapapansin tong prinsepeng kaharap mo.

Napairap ako sa ginawa nya tinalikuran nya lang ako i mean kami? Di nya ba talaga kami kilala?

Susundan ko sya!

"Dito na kayo pre! Ako nang bahala"

Tumakbo na ko para mahabol sya. Shet! Papunta siyang room pano ko siya makakausap kung maraming tao. Ayy tanga lang... malamang. Ewan.

"Pauline Chavez?"

Ayan na nakatingin na sya. Anong susunod? Anong susunod!?

"Ahmm, ahh, hmmm. Pwedeng makausap?"

"Hindi busy ako kaya wag kang makulit!"

"Saglit lang." Ako ba pinaglololoko ng babaeng toh? Nagtitigas tigasan pa eh.

"Gano ba ka bobo ang mga tao dito para hindi makaintindi ng salitang ayaw?"

"Pero saglit lang naman, or else"

"Or else what?"

"Maghihintay ako dito hanggang sa mag uwian!"

"Edi maghintay ka ako ba mababagsak?"

"Hindi rin"

"Bat naman? Ahh alam ko na my favoritism dito pinipili yung gwa-" Hahaha! Galing ko talaga hindi at ang talino ng babaeng toh huh? Hindi pa nga tinatanong sumasagot na!

"Gwa? Ano? Sabihin mo na wag ka ng mahiya sakin. Cge na aminin mo ng Gwa-" hindi ko natuloy sinabi ko. Ayaw pang aminin eh.

"Hindi yun ang ibig kong sabihin!"

"Suss! Sabihin mo nalang na nagwa gwapuhan ka saken"

"Che! Tumahimik ka nga! Hindi ikaw ang tipo kong mahangin, walang isip, tanga! Kaya wag ka ng umasa"

"Never mind, anyways mommy ko nga pala ang may ari ng school na toh kaya kahit isang buwan akong di pumasok makakapasa ko! Naiintindihan mo? Hmm...?"

"Ano namang paki ko!?"

"May paki ka kasi sakin ka lang!"

"Ang walang hiyang toh!"

Tumingin siya foot to head.

"Ang kapal mo namang sabihing pag-aari mo ko! Excuse me! Mukhang pulubi, kahit ikaw na may ari ng lahat ng school dito sa Manila wala kong paki mukhang janitor ka nga lang dito eh! Bye! Sana di ko na makita yang mukha mong hayyss...!"

Ganun lang yun? Tinalikuran nya lang ako? Tulad ng sinabi ko. Hindi ako aalis dito hanggang di nya ko kinakausap kaya maghihintay ako dito hanggang uwian. Sana pumayag siya sa alok kong ligawan sya...

Empire UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon