Kabanata 1

35 10 0
                                    

Na andito akongayon sa isang gubat naliligaw ako dahil Tinataguan ko ang istranghero na gustong Magtangka sa akin, natakot ako dahil ang mga mata nito ay namumula.. Kaya tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa nakarating ako dito.

"yuhooo mag pakita kana, wala ka ng kawala *evil laugh*" nagulat ako ng marinig ko ang boses niya sa di kalayuan sa pinag tataguan ko, nasa likod ako ng malaking halaman at medyo madilim dito dahil sa mga anino ng mga puno at halaman na matataas..

Narinig ko ang ingay ng kaniyang yabag kaya naman naging alerto na ako.. May takot at kaba pa din akong nararamdaman halo halo ng emosyon...

"Boo! Huli ka!" napatili naman ako ng makita ko ang mukha niyang ngiting ngiti sa akin na mala demonyo at agad na lumapit sa akin pero tumakbo na agad ako, may mga sangang nasa lupa ang nadadaanan ko kaya natalisod ako sa isang sangang di ko nakita

"aahh!!!" ang sakit ng paa ko! Pinilit kong makatayo dahil malapit na siya sa akin

Takbo pa din ako ng takbo hanggang sa mapadpad ako sa malaking puno at palapad ito.. Umupo ako sa ilalim ng puno at nag tago doon, nakita ko ang istrangherong lalake na humahabol sa akin, nag palinga-linga ito at tumakbo ng muli.

Nakahinga ako ng maluwag ng makalayo na ito..

"salamat sa diyos.." bulong kong sabi habang hinihingal pa din dahil sa pag takbo kanina




Habang nag papahinga si Aebie.. Ay may nakapa siyang papel sa tabi niya tinignan niya ito at mukhang matagal na ito doon at iba na ang kulay ng papel..

"bakit to nandito? Ibig sabihin may nakapunta na din dito.." ani niya sa kaniyang sarili

Binuksan niya ang papel na nakatupi..
Bumulaga sa kaniya ang mahabang mensahe na nandoon.. Ang ganda ng sulat kamay na nandoon, halatang dating panulat ang pinang sulat doon

Binasa niya ang nasa loob at habang binabasa niya ito may kilabot siyang naramdaman at lumakas ang hangin sa paligid pero hindi niya nalang ito pinansin pa at pinag patuloy ang pagbabasa dito..

"Aebien? Kapangalan ko ang tinutukoy sa minsaheng to.." mas lalo siyang kinilabutan sa huling nabasa..

Kapag nakita at nabasa mo ito aking mahal na aibien kahit patay na ako o buhay pa sisiguraduhin kong mag kakasama pa rin tayong muli at mag papakasal... Walang makakapag hiwalay sa atin kahit pa ang kamatayan. Kung kailangan mabuhay muli ako babangon ako sa aking pag kakahiga sa kabaong at babalik sa iyo..

Nakakakilabot ang kaniyang sinabi. Pero bakit ito ang nararamdaman ko, parang ramdam kong ako ang kaniyang tinutukoy dito...








To be continue


The LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon