Kabanata 4

2 0 0
                                    


Aebie POV'

Mahigit dalawang linggo na rin akong na andito. Aaminin kong nagugustuhan ko na din dito dahil feeling ko safe ako sa kanya ewan ko pero iba yung pakiramdam ko kapag nasa malapit lang siya. Lalo na pag nasa tabi ko siya..

"Mahal ko mayroon ka ba gustong kainin? Sabihin mo lamang sa akin at agad akong mag luluto ng iyong gusto" nakangiti nitong sabi sa akin habang ang isang kamay niya ay pasimpleng hinawakan ang isa kong kamay.

Nanonood kase kami ngayon ng isang pelikula nila sharon Cuneta. May nakita kasi akong CD and nakita kong kay sharon pala yun kaya agad kong pinanood.

Pero hindi pa din maialis sa akin ang pakiramdam na may halong takot. Dahil sa tuwing hahawakan niya ang aking mga kamay at yayakapin niya ako bigla. Sobrang lamig niya hindi ko alam kung normal ba yun? Kasi Ang init ng panahon ngayon.

"Ah hindi na busog pa naman ako baka siguro mamaya nalang" Tumango lamang ito sa akin at Tumingin muli sa Telebisyon.

Nang matapos ang aming panonood ay Umakyat na kami sa itaas inihatid niya ako sa Silid na Tinutulugan ko. Malaki ito at maganda pero Luma na ang mga gamit na nandito at halatang sinaunang panahon pa ang mga ito pati na din ang kamang tinutulugan ko ay yari sa kahoy at ang higaan nito ay Puti ang Punda. Humiga nalang ako at nag isip isip.

Ito na ba yung dati kong hinihintay? Ang Mr. Right ko? Pero hindi naman ganito ang nasa isip ko dati na mr. Right ko, Simple lang naman ang gusto ko dati pero grabe naman yata ang ibinigay sa akin ang gwapo pero ang weird niya lang Iba kasi yung way ng salita niya ang makaluma lang pero bagay sa kaniya.


"Aking mahal gising kana ba?" Naalimpungatan ako sa katok mula sa pintuan ng kwarto ko.

Tumayo na ako at inayos muna ang nagusot kong damit dahil sa Puwesto ng pag higa ko. Medyo magalaw kasi akong matulog. Pag bukas ko ng pinto bumungad agad sa akin ang nakangiting gwapong mukha ni Fernando.

"Good morning Aking Mahal! Naka-ahin na sa lamesa ang ating kakainin" Masiglang sabi nito sa akin habang hindi naiaalis sa Labi nito ang kanina pa nitong ngiti.

Ngumiti lamang ako sa kaniya at Sabay na kaming bumaba.

"Aking mahal Sana ay magustuhan mo ang Pag kain na iniluto ko para sayo" Sabi nito sa akin habang pinag sisilbihan ako. Nilalagyan niya kasi ng pag kain ang plato ko at Tinimplahan niya ako ng gatas. Ang iniluto niya kasi ay Puro gulay na May halong itlog at Isda na may Kamatis at sinangag. Simple pero masarap. Yung sa Itlog na may mga gulay yun lang ang hindi ko pa natitikman nacucurious tuloy ako kung anong laso nun.

Tinikman ko na yung Itlog na may mga gulay at...

"Wow! Ang sarap naman nito" Nasabi ko nalang bigla rito dahil Hindi ko ineexpect na magugustuhan ko ito.

Napangiti naman ito sa naging reaction ko.

"Talaga? Buti naman at iyong nagustuhan Mo aking mahal. Ngayon ko lang din iyan iniluto Dahil Gusto ko naman yung makakabuti para sa iyong kalusugan" Nakangiti nitong sabi sa akin na ikinangiti ko din dahil ang sweet nito at inaalala pa ang kalusugan ko.

Nang matapos kaming kumain ay nag prisinta ako sa kaniya na ako naman ang mag ugas pero ayaw niya pinilit ko pa siya pero sa huli wala din siya din ang nanalo kaya naman pinanood ko nalang siya mag ugas.

"Fernando ano nga palang buong pangalan mo?" Curious kong tanong dito. Ngayon ko lang din naisip na hindi ko pa pala alam ang mga tungkol sa kaniya at ang buong pangalan niya.

"Emman Fernando Lucio Ang buo kong pangalan" Sagot nito sa akin habang ang atensyon pa din nito ay nasa mga Platong hinuhugasan niya.

Napatango tango naman ako na akala mo'y Nakikita niya.

The LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon