Promise Ring
Aebie POV
Nagising akong wala na sa tabi ko si Emman dahil sa iisang kwarto kami natulog kagabi. Nakatulog na kasi ako habang nag momovie marathon kami.
Tumayo nalang ako mula sa pag kakaupo ko sa kama at Lumabas na ng kwarto. Pag labas ko ng kwarto naamoy ko ang mabangong luto mula sa kusina namin kaya Agad na akong pumunta doon.Naabutan kong nag luluto si emman at nakatalikod ito habang nasa suot ng sando na puti kaya kitang kita ang malalaking muscle nito at kakisigan.
"Gising kana pala mahal ko" Sabi nito ng makita niya akong nakatayo sa may gilid at nakatingin sa kaniya.
Ngumiti naman ako sa kaniya.
"Oo nagugutom na kasi ako. Ang bango naman niyang Niluluto mo" Ngumiti naman ito sa akin at pinatay na ang kalan.
"Umupo kana dyan mahal ihahain ko na itong pag kain" Agad naman akong sumunod sa sinabi nito at umupo na.
Inilapag niya na ang mga niluto niyang Pritong talong,Daing at Garlic rice sa lamesa at umupo na din. Ang sarap!
Nang makaupo na ako umupo na din si Emman sa harap ko so mag kaharap kaming kumakain ngayon.
Maya maya lang ng matapos naming kumain muling nag salita si emman."Mahal ko...."
To be continue.
HAPPY NEW YEAR EVERYONE!
BINABASA MO ANG
The Letter
Horrorready na ba kayo masindak at kilabutan? kung Oo halina at basahin ang kwentong ito...