Aebie POV
Iminulat ko ang mga mata ko at nasilaw ako sa sinag ng araw..
"Nasaan ako?" inikot ko ang paningin ko sa paligid at puro mamahalin na gamit ang naandito..
Dahan dahan akong bumangon at napatingin sa pintuan dahil narinig ko ang pag bukas nito..
"Bakit ako naandito? Anong ginawa mo sa akin!?"
Lumapit naman ito sa akin.. Nakakatakot dahil kakaiba ang dating niya..
"Hindi mo ba talaga ako naalala aking mahal?" may bakas na kalungkutan na sabi nito sa akin habang nakahawak ang kaniyang kanang kamay sa aking pisnge.
Ang lamig ng kamay nito parang yelo..
"Kung naaalala kita eh di sana kanina ko pa sinabi!" inis kong sabi sa kaniya habang mag kasalubong ang dalawa kong kilay parang mag didikit na nga ito sa sobrang pag kakunot. Nakakainis na kase siya paulit ulit niya ng sinabi iyon.
"Ang sakit lang na hindi mo ako maalala aking mahal, pero sisiguraduhin kong maalala mo na ako dahil lagi na tayong mag kasama" nakangiting sabi nito at pinatayo ako para bumaba na at kumain
"Ano ito?" nag tataka kong sabi habang tinitignan ang mga nakahapag sa aking harapan..
Ang mga pagkain na nasa harap ko ay ngayon ko lang nakita.
"Ang mga yan ay Gawa gawa ko lamang. Pero sigurado akong masasarapan ka diyan" nakangiti nitong sabi habang nilalagyan ng mga pag kain ang plato ko..
Tinignan ko naman ang pagkain na nasa plato ko, kakaiba talaga siya sa sobrang kakaiba hindi ko madescribe kung ano ito..
"Kumain kana aking mahal" masaya nitong sabi habang nag simula na din kumain..
Hindi naman siguro mamatay ako dito kung itatry ko..
Isinubo ko na ang nasa kutsara ko at dahan dahan itong nginuya..
"Masarap ba aking mahal?"nakatingin ito sa akin na tila ba ay hinihintay ang isasagot ko.
"Oo, saan mo ito natutunan?" taka kong sabi sa kaniya habang patuloy pa din kumakain, talaga namang masarap ito hindi ko maipag kakaila dahil ganang gana akong kumain..
Ngumiti naman ito sa akin, napatingin ako sa mga mata niya bakas dito ang saya dahil sa aking sinabi..
"Salamat naman at iyong nagustuhan ang aking iniluto para sa iyo" masaya nitong sabi
Ngumiti nalang ako sa kaniya dahil ang gaan na ng loob ko sa kaniya.. Hindi ko alam kung bakit..
Natapos kaming kumain na may ngiti sa kaniyang labi..
"Uhm ako na ang mag uugas" presinta ko sa kaniya, dahil nakakahiya naman siya na ang nag luto at nag prepare nito..
"Huwag na aking mahal, mag pahinga kana lamang sa iyong silid" tumayo na ito at agad na kinuha ang aming pinag kainan. Hindi na ako nakatanggi pa dahil ang bilis ng kilos niya.
Sumunod ako sa kaniya sa kusina at naabutan ko siyang nag liligpit pa din, sumandal ako sa may dingding at tumingin sa likod niya. Ang laki palang ng katawan nito.. Siguro may six pack abs din ito. Ang gwapo din ng likod niya hindi talaga maipag kakaila na mas gwapo ito kung haharap pa.
Ay! Ano ba yan aibie pinag papantasyahan mo na siya!
"Ano ang ginagawa mo dito?" nagising ako sa pag kakatulala ng mag salita siya bigla sa aking harapan, hindi ko napansin na nakalapit na pala ito sa akin
"Sinundan lang kita dito, ang boring naman kase kung mag papahinga lang ako, eh nakatulog naman ata ako ng mahaba" paliwanag ko dito kaya tumango tango na lamang ito sa akin.
"Kung ganon ay gusto mo bang manuod na lang?" suggest nito
Tumango na lamang ako dito dahil wala naman akong maisip na gawin.
Pumunta na kami sa may sala.. Wow ang laki naman ng sala niya..
"Aking mahal pumili ka na lang diyan ng gusto mong panoorin" inabot niya sa akin ang ilang mga CD lahat ay puro Love story kaya naman pinili ko na lang yung isang mukhang magandang panuodin..
Tumabi siya sa akin at tahimik na nanunuod..
Itutuloy....
BINABASA MO ANG
The Letter
Horrorready na ba kayo masindak at kilabutan? kung Oo halina at basahin ang kwentong ito...