Tumayo na ako pag katapos kong basahin ang sulat nag lakad lakad ako umaasang mahanap ko ang daan palabas sa gubat na ito..
Habang nag lalakad ako parang may nararamdaman akong sumusunod sa akin pero pinag walang bahala ko nalang iyon pero ng tumagal ay di ko na natiis na lumingon sa likuran ko. Pero wala naman..
'Third Person Point of view'
Pag katapos basahin ni Aebie ang sulat, sa hindi kalayuan sa kaniyang kinaroroonan ay may malapit na simenteryo ito ay makalumang simenteryo dahil saksi ito sa mga digmaan na nangyari sa lugar na iyon..
May isang puntod ang nasira, oh sabihin na natin na sinira ito talaga at bukas ang kabaong na nandoon maayos pa ang kabaong pero kitang kita dito na makalumang kabaong ito.
"mahal kong Aebien mag kikita na tayong muli at sisiguraduhin ko na wala na sa atin pang makakapag pahiwalay.." nag lakad na ito palabas ng simenteryo at pumasok sa loob ng gubat para hanapin ang babae sa loob..
Sa hindi kalayuan na kinaroroonan ni Aebie ay palapit na si Fernando doon pero nag patuloy pa rin si Aebie sa pag lalakad umaasang makakalabas pa siya doon..
"Nasaan na kaya ako, sana ay makalabas na agad ako dito" patingin tingin siya kapaligiran dahil sa prisensya na kaniyang nararamdaman sa paligid, pansin niya ng may papalapit sa kaniya kaya't tumakbo na siya habang hindi pa ito nakakalapit kung sino man iyon..
"jusko sino naman kaya iyon.. Huwag naman sana yung lalakeng humahabol sa akin kanina.." bulong niya sa kaniyang sarili habang takot at kabado ang nararamdaman..
Tumataas ang kaniyang palahibo sa braso.. Nangingilabot hanggang batok nito hindi niya alam kung bakit ganun ang kaniyang nararamdaman basta sobra siyang takot..
Sa palakad lakad ni Fernando ay napadpad siya sa gitna na ng gubat kung saan nandoon din si aibien na nag tatago sa punong malake. Nag lakad doon si fernando dahil naramdaman niyang may tao doon..
Nag lakad ito ng dahan dahan walang ingay na maririnig sa mga yabag nito nakalapit na siya sa punong malake at dahan dahan sumilip sa likod nito......
Pero pag silip niya doon ay walang tao dahil isang kambing ang nadoon..
Si Aebie naman ay tumatakbo palayo doon at nakatingin sa likod kung may nasunod ba sa kaniya. Pero dahil sa hindi pag tingin niya sa kaniyang harapan ay nabunggo niya ang matigas at malapad na pangangatawan...
Unti-unti siyang tumingin sa kaniyang nakabungguan at nagulat siya sa kaniyang nakita..
"s-sino k-ka" natatakot at nauutal niyang tanong dito, hindi niya makita ang mukha nito dahil madilim konti lang ang kaniyang naaninag ang suot nito ay makalumang kasuotan at may konting dumi ito sa kaniyang suot. Unti unti namang umatras si aibie dito dahil kinikilabutan siya at ang bilis ng pag tibok ng kaniyang puso at may kakaiba siyang naramdaman saya at pananabik. Hindi niya maintindihan kung bakit ganun ang kaniyang pakiramdam..
"Ako ito aking mahal" masayang sabi ni fernando dito at lumapit para mayakap ang dalaga
Akmang yayakapin na siya nito pero lumayo ulit siya..
"h-hindi k-kita k-kilala" nauutal pa din na sabi nito.
Nasaktan naman si fernando sa kaniyang sinabi dahil ang kaniyang pinakamamahal ay hindi siya maalala..
"Hindi mo ba ako naalala aking mahal? Ako ito si fernando ang iyong kasintahan, ang tagal kitang hinintay..at hindi ko na papalagpasin pa ang pag kakataon na ito" lumapit ito sa dalaga at niyakap ito ng mahigpit, hindi na nakapalag pa ang dalaga dito dahil sa sobrang pang hihina at pagod ay nahimatay na ito sa mga bisig ng lalake..
"mukhang pagod na pagod ka aking mahal, huwag kang mag alala nandito na ako iuuwi na kita sa ating tirahan" sabi niya sa tulog na dalaga.. Agad naman niyang binuhat na parang bagong kasal sila. At nag lakad na palabas ng gubat...
To be continue....
BINABASA MO ANG
The Letter
Horrorready na ba kayo masindak at kilabutan? kung Oo halina at basahin ang kwentong ito...