Chapter One: Her

21 1 0
                                    

(Emelyn's POV)

*TWEET! TWEET! TWEET! TWEET*

Nagising ako sa Huni ng mga ibon. mula sa pagkakahiga ay umupo ako at tinignan ang aking paligid. nasa likod pala ako ng building namin.

napabaling ako sa relo sa aking kamay
"12:30 palang pala. 30 minutes pa lang akong nakakatulog"

nabigla ako ng may biglang dumapo sa balikat ko. 
"si twinky lang pala"
twinky ang pangalan ng isa sa mga ibon na lagi kong pinapakain ng tinapay na binabaon ko

"Hello, gutom ka na ba?"

nang ilahad ko ang durog na tinapay ay lahat ng ibon ay pumunta sa akin. napangiti ako dahil napakasarap ng feeling na alam mong may dumedepende sa'yo.

napatingin ulit ako sa paligid ko. nakaupo ako sa isang mahabang kahoy na upuan sa di kalayuan sa tapat nito ay may mga nakatanim na bulaklak at sa magkabilang dulo kung saan nakahilera ang mga bulaklak ay may dalawang puno na ang dahon ay siyang humaharang  sa sikat ng araw.

dito ako madalas magpalipas ng oras kapag gusto kong mapag-isa o kaya'y magpahinga mula sa nakakapagod at boring kong buhay.

.

.

.

Ako si Emelyn munoz 17 yrs old at nag-aaral ng Nursing sa William University  nasa unang taon palang ako. Matalino daw ako. pero sa totoo lang ay nagrereview at nagbabasa lang ako ng mga notes kaya nakakakuha ako ng mataas na marka sa quizzes and exams.

wala pa akong kaibigan dito sa william University , kung tutuusin ay madali lang para sa'kin ang magkaroon dahil sa room marunong ka lang magpa kopya at mag-share ng sagot ay in kana sa tropa.

iba ako, ayoko nang ginagamit kaya mas pinili ko ang kumain ng mag-isa sa Canteen, mag stay ng ilang oras sa library  at matulog sa paborito kong lugar at iyon ay sa likod ng aming building.

Napatigil ako sa  pagmumuni-muni ng may tumawag sa'kin

"Emi..?"

tinignan ko kung sino, at nabigla ako ng makita ko si

"James?!"

si james, kaklasi ko siya sa physics at siya pa lang ang kumakausap sa'kin sa school na hindi nagtatanong ng sagot o kumokopya. pero pagbreak ay doon siya laging nagtatanong sa'kin pero minsan ay nahahalata ko na mas alam pa niya 'yung mga tinatanong niya sa'kin, na para bang nakikipaglokohan lang siya.

nabigla ako nang may palad na winawagayway sa tapat ng mukha ko

"ui? emelyn? okay ka lang ba?"

"AH? AH! OO! may inissip lang ako."

pagkasabi ko noon ay umupo siya sa tabi ko. at  sabay ko din nalanghap ang pabango niya

si james lang ang lalaking gustong-gusto kong inaamoy tuwing nakakalapit kami dahil hindi masyadong matapang ang ginagamit niyang pabango. Kung tutuusin ay perpekto si james GWAPO MAYAMAN MABAIT AT MATALINO pero NAPAKA-PLAYBOY.

"Anong iniisip mo?"

"Ah, wala."

tong Lalake talagang to napaka chismoso

"Ba't nandito ka nga pala?"

"Ah? Wala lang, nadaanan lang kita. bakit ayaw mo?"

"Hindi naman. Iniisip ko lang kasi eh, ang layo ng building natin sa isa't-isa"

adik tong lalaking to. kala mo diko alam eh may nililigawan na nanaman siya sa isa mga estudyante sa building namin. halos lahat na lang yata niligawan na niya.

"May nililigawan ka nanaman no?"

"UI WALA HA!" pasigaw niyang sabi sa'kin

"Eh ba't sumisigawa ka? Indenial lang?"

"ui wala ha!" Pabulong niyang sabi sa'kin

"Sira ka talaga! ngayon naman sobrang Hina?

"Hahahahahha" Sabay naming tawa sa isa't-isa

Habang tumatawa siya ay pasimple ko siyang tinitignan.

(oo nga pala OA tumawa ang taong to baka mamaya pa lang siya makakapag move on)

gusto ko si james, simula pa nung kinausap niya ako pero dahil lagi ko siyang nakikitang nakikipag-landian sa iba ay minabuti ko nang wag seryosohin ang nararamdaman ko sa kanya.

tumatawa pa rin siya ng biglang tumunog ang Bell

"AH! may klase pa pala ako ng 1:00 sa Filbas!"

agad agad kong kinuha ang gamit ko at nagpaalam kay james

"Ui mauna nako! late nan naman ako kay prof. Ramirez neto!"

hindi ko na hinintay na sumagot si james, patakbo na ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko

"oh bakit?"

nang tignan ko ang mukha niya ay napakaseryos nito at parang may gusto siyang sabihin

"ah. wala cge alis kana baka malate ka talaga"

"ah cge."

nag ha-hallucinate ba ako o nakita ko talaga 'yung lungkot sa mukha ni james?

hindi ko na lang pinansin 'yon at nagmadali nang pumunta sa klase ko.

Thank you for reading! Please VOTE and COMMENT <3 <3 <3

next update will be jame's POV

She and HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon