Chapter Five

14 1 0
                                    

Chapter Five : confusing events

(James'sv POV)

"Hello? Hello? Emelyn? natutulog ka na ba?"

paulit-ulit kong salita sa kabilang linya pero hindi nagreresponse si emelyn, naisip ko na baka nakatulog na naman siya.

lagi siyang naka1katulog tuwing tinatawagan ko siya ng gabi, hindi ko lang alam kung bakit hindi niya sabihin sa'kin na inaantok na siya, para naman hindi niya ako laging tinutulugan,

minsan nga gusto ko nang magtampo pero alam ko namang wala siyang pakealam kung gagawin ko iyon, baka magalit pa siya sa'kin at hindi na ako kausapin.

papatayin ko na sana ang tawag ng bigla siyang nagsalita

"Its time to Sleep"

hindi ko alam kung ibang boses ba ang narinig ko dahil napaka lambing nito, di katulad ng kapag kinakausap ko si emelyn ay laging malamig ang tono ng boses niya. pero bakit ngayon? kung hindi lang din boses ni emelyn ang narinig ko ay hindi ako maniniwala na sa kanya ito.

"teka, nang titrip ata to? ha? ui emelyn? gising kapa ba? "

nang wala akong marinig na tugon ay pinatay ko na ang tawag

"hindi na nga ako sinipot sa school, tinulugan pa ako "

ako na talaga ang dakilang martir, naging martir sa pag-ibig

nang tignan ko ang oras ay 8:30pm pa lang

" medyo maaga pa, mag gegames muna ako"

sabado naman  bukas pwede akong magpuyat!.

Oo nga pala, wala na din palang NSTP si Emelyn, pwede ko kaya siyang imbitahin na lumabas sa susunod na linggo?

"Tatry ko siyang tanungin sa Lunes "

.

.

.

.

.

(John's POV)

lagpas isang oras na yung nangyari kanina pero hindi pa rin ako mapakali,

hanggang ngayon ay galit na nasaktan parin ang nararamdaman ko 

hindi ako makapaniwala na talagang idedeny ni roanna na kakilala niya ako kahit nakita ko na siya mismong sa dalawa kong mata.

roanna nga ba talaga ang pangalan niya?  at bakit ibang-iba ang itsura niya? halos hindi ko na siya nakilala dahil ibang-iba siya nung mga panahon na nagkasama kami  kesa nung nakita ko siya sa school!

"Emelyn Munoz? pathetic!" hindi ko na alam kung ano ba ang totoo! kung emelyn ba o roanna pangalan niya!. 

alam ko na iniisip niyo kung naisip ko ba na maaring may kakambal lang si roanna, inisip ko din iyon kanina, pero naging negatibo iyon ng makita ko na may nunal sa ibabaw ng mata si emelyn o roanna man iyon.

dahil si roanna ay mayroon ding nunal sa ibabaw ng kanyang mata at hindi pwede na porket kambal sila ay pareho na.

at nakakasiguro ako na si roanna ang babaeng iyon, dahil sa nakita kong reaksyon niya ng makita niya ako kanina sa Student center.

ang masaklap pa ay parang ipinamukha niya pa sa kin kanina na nababaliw na ako at nang takbuhan pa niya ako, alam niya sa sarili niya na hindi ko siya magagawang saktan kahit ano pang kasalanan ang ginawa niya sa akin, dahil ganoon ko siya kamahal.

umiinom ako sa sala namin ng bigla akong makadama ng inis at nabato ko na lang bigla ang baso na may alak.

"Ugh!!!!!"  sabunot ko sa sarili ko.

She and HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon