Chapter Three: Set Aside

17 2 0
                                    

Paano na lang kung nakita ni EMELYN si JAMES at BIANCA?

Enjoy <3 <3 <3

Chapter three:  Set aside

Emelyn's POV

*yawns*

nakakantok talaga ang klase ni Mr. Ramirez, babasahin ko na lang sa bahay 'yung lesson.

buti na lang nasa tabi ako ng bintana sa dulo ng classroom kaya hindi ako makikita ni sir na hindi nakikinig sa kanya. nakatingin lang ako sa bintana tinitignan 'yung mga dumadaan na estudyante habang nilalabanan ko 'yung antok na nararamdaman ko.

*Slap!*

Sampal ko sa sarili ko.

Ilang buwan na din akong ganito, laging inaantok sa klase, 'yung para bang lagi akong kulang sa tulog, hindi ko rin alam kung nakakatulog ba ako ng maayos dahil hindi ko alam kung anong oras ba akong natutulog, may nararamdaman na din akong kakaiba sa katawan ko,  sa isang araw ang natatandaan ko lang na ginawa ko ay 'yung mga bagay na ginawa ko  mula pag-gising ko hanggang sa matapos akong mag-aral o gumawa ng mga assignments, sigurado ako na hindi ako agad natutulog dahil tuwing nagigising ako eh laging madumi sa kwarto ko at hindi ko ugaling matulog ng madumi ang paligid ko.

Higit sa lahat ay laging nag-iiba ang suot kong damit.

Napatigil ako sa pag-iisip ng may biglang kumalabit sa akin

"Emelyn? Ayos ka lang ba?

Nang tignan ko kung sino si Vicky lang pala.

"Ah. OO, pasensiya na."

Si Vicky 'yung pinaka matalino sa aming mga 1st year Nursing Students, siya lang kasi 'yung PL sa amin, DL pala ako. Napakatahimik ni Vicky, gaya ko School at bahay lang din siya. Pero tuwing lunch o kapag may Vacant kami ay hindi ko siya nakikita, gusto ko nga sana na kahit siya na lang 'yung maging kaibigan ko.

"ano kaba,  ayos lang yun."

Sagot nia sa'kin

Nang tumingin ako sa prof. namin ay wala siya.

"Asan si sir?"

"Hindi mo narinig kanina? Tinawag siya sa Faculty"

"ah, Hindi eh, hindi kasi ako nakikinig .."

"Ikaw talaga"  sabi sa'kin ni Vicky

Pagkasabi niya non  ay dumating na ulit si sir at ipinagpatuloy ang klase, at ipinagpatuloy ko din ang tingin ko sa bintana habang si Vicky naman ay laging isinusulat ang bawat sasabihin ni prof.

Nakatingin parin ako sa Bintana ng Makita ko si james, napangiti ako ng Makita kong kinakausap niya 'yung sarili niya.

At nawala din ito ng may lumapit sa kanyang maputi at magandang babae, kulang nga lang sa Height.  Halatang nagulat pa talaga siya ha.

"teka?" sabi ko sa sarili ng maalala ko kung sino 'yung babae, hindi ba't siya 'yung kalandian ni james kahapon.

"Bwisit na lalaking to, may nalalaman pang pahawak hawak ng kamay may nilalandi naman pala" bulong ko sa srili ko.

Kanina nang pigilan niya ako ay Inakala ko na magtatapat siya sa'kin, ilang araw din siyang nagpaparamdam at sa mga araw na iyon ay umasa ako.

Minsan ko din inisip na paano kung magtapat siya sa'kin ? anong gagawin ko?  Hahayaan ko ba siyang manligaw at susubukan kong mapagbago siya?

Pero sa mga nasaksihan ko  na pakikipag-landian niya ay sa tingin ko'y imposible iyon para sa'kin.

Nabigla ako ng biglang hawakan ni James sa kamay 'yung babae, katulad na katulad  nung paghawak niya sa'kin

She and HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon