Chapter 4: the meeting
(Emelyn's Pov)
nakangiti akong naglalakad sa may lobby sa building namin, agad kaming na dissmiss sa huling subject dahil nagkaroon ng meeting ang mga faculty teachers, pero hindi iyon ang dahilan kung bakit ako masaya dahil hindi ko man inaasahan,
pero sa tingin ko ay hindi ako magiging Loner sa tatlo ko pang taon na pag-aaral dito sa school, dahil nakatagpo ako ng isang tao na ipinaramdam sa'kin na gusto akong maging kaibigan at natagpuan ko 'yon sa katauhan ni Vicky.
kanina ay may nakasabay akong kumain sa unang pagkakataon, maraming ikinwento si vicky sa'kin, gaya na lang ng hindi pa siya nagkaka-boyfriend dahil puro pag-aaral ang inatupag niya, Highschool valedictorian siya nung highschool at elementary.
tinanong niya din ako kung nagkaboyfriend na ba ako o may boyfriend ako ngayon ang sabi ko naman ay Hindi pa at wala.
sa puntong iyon ay nagsinungaling ako kay vicky, pero sa tingin ko ay hindi na niya dapat pang malaman ang nangyari sa'kin back in Highschool. dahil kung ako mismo ay gusto kong magka-amnesia para lang makalimutan ko na ang lahat ng iyon.
nasa may student center na ako ng may mapansin akong lalaking parang pamilyar ang pigura sa'kin na nagbabasa sa ipad niya, at mukhang pangiti-ngiti pa ito.
binagalan ko ang lakad ko sa pagbabasakaling makita ko ang mukha niya, mukhang mayaman ang lalaki, matangkad, maputi at gwapo.
dahil hindi pa rin niya hinaharap ang kanyang mukha ay nagdesisyon akong huwag na lang at dumiretso na pauwi dahil gusto ko nang magpahinga at matulog tutal ay sabado na bukas at wala na akong NSTP.
nang ibaling ko sa mukha ko ang direskyon ng nilalakaran ko ay nakita ko sa sulok ng aking mata na itinaas ng lalaki ang kanyang mukha.
kaya't wala sa sarili akong humarap sa kanya.
at dahil doon ay nagkakatitigan kami.
biglang bumilis ang tibok ng puso ko
*lub dup lub dup lub dup*
napakathimik. nakakabingi
hindi ko maexplain sa sarili ko kung ano at bakit ako nagkakaganito
nakita ko sa mukha ng lalaki ang pagkabigla at ang pagkilala
sari-saring emosyon ang nakikita ko sa kanya
pagkabigla,pagkagalit,nasaktan at iba pa.
ilang minuto kaming nagtitigan hanggang sa mapansing kong tinitignan na kami ng estudyanteng nasa isang upuan at nagtataka o masasabi ko na nawi-wirdohan sa aming dalawa.
at dahil doon ay ibinaba ko ang tingin ko
*sorry!* sabay lakad ko ng mahinahon, hindi ako pwedeng tumakbo! mas nakakahiya!
hindi ko na narinig na nagsalita 'yung lalaki kaya sa tingin ko'y bumalik na siya sa ginagawa niya.
pero bakit ganoon 'yung reaksyon niya kanina? bakit parang kilala niya ako?
medyo malayo na ako kung nasaan siya ng may bigla akong kong marinig na sumigaw
*Roanna wait!*
hindi ko naman kilala 'yung tumawag kaya hindi ko na pinansin at ipinagpatuloy ko ang lakad ko. yung sumisigaw ng roanna ay hindi pa rin tumitigil at palakas ng palaks ang boses ng taong iyon at
.
.
.
.
BINABASA MO ANG
She and Her
Non-Fiction" Then what About that kiss? what about those words that you told me? and what about our relationship? are those just lies?" yan ang mga salitang nagpawindang kay Emelyn, nang marinig niyang sabihin ito ng lalaking kailanman ay hindi pa niya nakita...