tik
tok
tik
tok
tik
tok
nakabibingi ang katahimikan.....
bumangon na ako sa pagkakahiga ko....
“gising ka na pala...”
nung pagkakita ko sa damit nung babae.... tsaka ko lang napagtanto na nasa school clinic pala ako....
“uh... bakit po ako nandito?????” tanong ko sa nurse...
“hinimatay ka kanina sa hallway, may mga nakakitang estudyante sayo kaya dinala ka dito”
“okay na po ako, thank you po”
tumayo na ako at tsaka lumabas ng clinic....
biglang may humawak ng braso ko... paglingon ko...
“kunin mo to... kumain ka” sabay abot sa akin ng isang supot, kinuha ko yun at nginitan ang nurse...
sa school grandstand naman ako tumambay...kinain ko yung bigay na pagkain nung nurse...
sabi ng mga scientist... 3 araw daw na walang kain ay ikamamatay na ng tao...nakakakalahati na ako si nurse sinagip pa ako...hay...
nagising ako sa tunog ng school bell... nakatulog na pala ako dito sa grandstand... hinintay ko munang kumonti ang mga estudyante... oras na kasi ng uwian eh... nung medyo madilim na...
oras na para sa plano ko...
ang tahimik ng buong school...
yabag ko na lang ang naririnig ko habang naglalakad ako sa hallway...
tumigil ako sa harap ng pinto ng lugar kung saan ko gagawin ang plano ko...
ang MALE’S CR ng school...
pumasok na ako... as usual... ako lang ang tao.
tinignan ko lang ang sarili ko sa salamin...
hindi ako ganito.... hindi.
alam ko sa sarili ko na hindi ko gusto....
pero bakit???
bakit kung kailan desperado na ako....
walang ibang pumapasok sa isip ko kung hindi ito....
pikit mata...
tiisin mo...
dahil baka ito ang tadhana mo...
baka pinanganak ka lang talagang MALAS.
tinapos ko na ang sinulat ko sa salamin ng men’s cr at tsaka ko pinunasan ang luha ko na di ko napansing tumutulo na pala galing sa mata ko...
at tsaka ako Lumabas.
sa likod ako ng school dumaan para di ako Makita ng mga guard.
pagdating ko sa bahay nila...
umakyat na ako sa puno na katabi ng bintana... binuksan ko ang bintana at tsaka ako tahimik na pumasok... pagkabihis ko ay nahiga na ako sa kama... at tsaka ko niyakap ang unan ko.
alas 4 ng umaga gising na ako...
kailangan ko nang magmadali... baka maabutan nila ako.
sa bintana at puno ulit ako dumaan at tsaka pumunta ng school...
4:30 palang at mamaya pang 7:30 ang klase ko... makatulog muna sa desk ko.
ito ang araw na araw na takbo ng buhay ko..
nagising na lang ako sa ingay ng mga kaklase ko.. madami na pala sila dito.
“uy tingin mo sino yun?”
“lakas ng loob! dito pa talga sa school ha!”
“gawin daw bang bar tong school”
“grabe ang cheap nya promise!”
yan ang rinig kong kwentuhan ng mga babae...
“pre nakunan mo?”
“oo!”
“akin na yung number!”
“teka ako muna!”
yan naman ang rinig kong usapan ng mga lalaki
lahat sila...
gustong malaman kung sino yung nagsulat nun...
gustong malaman kung sino yung nagsulat sa cr ng boys...
gustong malaman kung sino si Ragged Elizabeth...
a/n:
HELLO PHILIPPINES AND HELLO WORLD!!! muling nagbabalik ang inyong butihing writer na bagama’t naluluka na dahil sa mahabang summer vacation ay nakabuo nanaman ng isang istorya na ihahandog sa inyo.. oh diba ang lalim? haha. miss you guys everness! natouch kasi ako sa support na pinakita nyo sakin nung “with benefits” kaya nainspire ako ulit na gumawa ng non teen fiction. oh yeah... sana i-support nyo again...kapit lang po.
vote, like, be a fan, leave a comment, add to reading list, add me on my social medias.
KANSAHAMNIDA. SARANGHAE. ANNYEONG!
BINABASA MO ANG
Ragged Elizabeth
RomanceI need money, Want to spend the night with me? -0916xxxxxxx Ragged Elizabeth