"LET'S go, Ada. Tayong dalawa na lang ang naiiwan dito sa building. Come on, it's getting late," tila hindi nakatiis na wika ni Arthur Franz nang marahil ay mapansing wala siyang planong tumayo mula sa kinauupuang swivel chair.
Nagbingi-bingihan si Ada at ipinagpatuloy ang ginagawa. Dalawang araw na niyang hindi kinikibo si Arthur Franz. Maging ang mga suhol at peace offering nito na pagkain, bulaklak, at kung ano-ano pa ay hindi niya pinapansin.
Hindi na masama ang loob niya kay Arthur Franz. Hindi lang niya feel pa na kausapin o kibuin ang binata. Hindi muna.
"Ada..."
Bumuntong-hininga si Ada. "Mauna ka na, Boss. Marami pa akong ginagawa."
"Makakapaghintay 'yan bukas," mariing sabi ng binata.
"Kailangan kong tapusin ang mga ito para maayos ang lahat ng iiwan ko," hindi pa rin tumitingin sa binata na sagot niya.
Biglang umupo si Arthur Franz sa harap ng kanyang desk. "Anong iiwan? What do you mean? Don't tell me you're resigning."
"As much as I want to, I can't. Firing me is the only way I'd be able to leave this office." Nahihiya pa rin siya sa mga magulang ng binata kaya hindi siya makapag-resign.
Tila nakahinga naman nang maluwag si Arthur Franz. "What do you mean then?"
"Magli-leave ako," determinadong wika niya.
"No, you won't," umiiling-iling pang sabi ng binata.
"I'm entitled to it, boss. It's mandatory. Consult your lawyer friend. He knows the law."
"Ada naman..." Kinuha ni Arthur Franz ang ginagamit niyang ball pen at ibinato iyon sa trash can.
Nag-angat siya ng mukha. "Puwede ba, Arthur? Umuwi ka na nga kung uuwi ka. Lalo akong nagtatagal dito sa opisina sa panggugulo mo."
"If I give you my permission, where will you go?"
"Bakit ko sasabihin sa 'yo?" nakataas ang isang kilay na tanong niya. Kumuha siya ng panibagong ball pen sa drawer at muling nagtrabaho.
Nakahinga si Ada nang maluwag nang tumayo na si Arthur Franz. Sinundan niya ng tingin ang binata. Nagtungo ito sa kinaroroonan ng coffee maker at nagtimpla ng kape, pagkatapos ay inilapag ang isang tasa sa harap niya.
Nangalumbaba ang binata sa desk niya. "Kapag pinayagan kitang mag-leave, patatawarin mo na ako? Patutulugin mo na uli ako sa apartment mo? Sasabayan mo na uli akong kumain? Sasabay ka na uli sa akin sa pag-uwi?" sunod-sunod na tanong nito.
Inirapan niya ang binata. "Hindi."
"Naman!" Pumalatak ito. "Dalawang araw mo na akong tinitikis, ah!"
"Sino ba kasi ang may sabi sa iyong pagtiyagaan mo ang isang tulad ko?"
"Ang tigas mo naman. Ikaw na nga ang sinusuyo diyan, eh. Ah, siguro feel na feel mong sinusuyo ng guwapong 'to, 'no?" nagpapa-cute na sabi nito. "Sige na, batiin mo na ako."
Kinuha ni Ada ang kapeng tinimpla ni Arthur Franz at sinimsim iyon. Pumuwesto naman ang binata sa likuran niya, saka sinimulang masahihin ang batok niya.
Napatigil si Ada sa paghigop ng kape. Kakaiba ang init na hatid ng mga kamay ni Arthur Franz sa kanyang balat. Parang may mga boltahe ng kuryenteng nanunulay sa bawat himaymay ng kanyang kalamnan. Hindi ba at ganoon din ang naramdaman niya nang halikan siya ng binata?
"Hindi mo ako makukuha sa masahe, kaya alis diyan," ani Ada upang makaiwas sa binata. Hindi niya mapangalanan ang nararamdaman nang mga sandaling iyon.
Huminga nang malalim si Arthur Franz, saka muling umupo.
"Boss, may tanong ako."
"Huwag mo nga akong tatawaging 'boss' o 'Arthur.' 'Franz' na lang uli."
Hindi pinansin ni Ada ang binata. "May tanong ako, Arthur."
Nalukot ang mukha ng binata. "What?"
"Ano ba talaga ang rason kung bakit hindi mo ako tinitigilan?" Tumawa siya nang pagak. "Parang napakaimportante ko naman."
Natigilan si Arthur Franz, bagaman agad ding nakabawi. "S-siyempre, importante ka."
"Bakit nga?"
"Ah, basta!" Hinawakan nito ang kamay niya. "Sige na, Adallene. Peace na tayo."
Binawi niya ang kamay. Hayun na naman kasi ang estrangherong pakiramdam na iyon. Nagsimula lang naman iyon mula nang halikan siya ng binata.
"Mag-tumbling ka muna," biglang wika ni Ada para pawiin ang naguguluhang isipan.
"'Pag naka-tumbling ako, okay na tayo?" naninigurong tanong ni Arthur Franz.
Napatitig si Ada sa binata. Gagawin ba talaga nito iyon mapatawad lang niya? Parang ang pangit tingnan kung ta-tumbling ang binata. Hindi bagay sa pagiging successful businessman kung gagawa ito ng ganoong bagay. "Huwag na. Hindi bagay sa 'yo."
"Hindi naman talaga ako marunong, 'no!" biglang reaksiyon ni Arthur Franz. "But I can try. If that's what it takes for you to smile at me again..." halos pabulong na dagdag nito at tumayo na bago pa man siya makapagbigay ng reaksiyon. Binuksan nito ang personal refrigerator doon. "Mac and cheese?"
Tumango si Ada. Kumakalam na rin ang kanyang sikmura.
Inilabas ng binata ang container ng mac and cheese at isinalang sa microwave oven. Ilang minuto lang ay nasa harap na niya ang umuusok na pagkain.
Vote, vote, vote! :D
BINABASA MO ANG
Paint My Love (Completed!)
RomanceArthur Franz de Luna's story. :) Kumukulo ang dugo ni Ada sa boss niyang si Arthur Franz de Luna. Adelantado at arogante ito. Tila misyon din nito sa buhay ang painitin ang ulo niya araw-araw. Kaya lagi rin siyang may sagot sa bawat atake nito. Kung...