Part 1

73K 1.2K 78
                                    

Randall Clark--- At First Sight (Story Status: Completed)

Miro Lagdameo--- Written In The Stars (Story Status: Completed)

Milo Montecillo--- Love On Trial (Story Status: Completed)

Jared Montecillo--- You Had Me At Hello (Story Status: Completed)

Mike Villamor--- Dare To Love You (Story Status: Completed)

Arthur Franz de Luna--- Paint My Love (Story Status: Completed)

Lance Pierro Alvarez--- When Miss NBSB Meets Mr. Bully (Story Status: Completed)



HUMINGA muna nang malalim si Ada bago itinulak pabukas ang pinto ng opisina. Panibagong araw na naman ang haharapin at pagtitiisan niya kasama ang adelantado at aroganteng boss na si Arthur Franz de Luna, ang presidente ng de Luna Airlines o deLA.

Kung ang ibang babae ay magpapakamatay mapunta lamang sa mga ito ang kanyang posisyon, siya naman ay kabaligtaran. Labag sa loob niya ang pagtatrabaho kay Arthur Franz. Ngunit wala siyang magagawa. Hindi niya kayang tanggihan ang mga magulang ng lalaki dahil sa pagkalaki-laking utang-na-loob niya sa mag-asawa.

Ang mag-asawang de Luna ang dahilan kung bakit may pinanghahawakan siyang college diploma ngayon. At habang-buhay na magpapasalamat siya sa mag-asawa. Well, except for the younger de Luna. Hindi niya kasundo si Arthur Franz at talagang kumukulo ang dugo niya sa lalaki. Kunsabagay, maging si Arthur Franz ay hindi rin siya gusto. Pareho lang sila ng nararamdaman. Patas lang sila.

"You're late."

Iyon agad ang narinig ni Ada pinipihit pa lang niya pabukas ang pinto. Who else could have said that but the bastard himself. Nakikini-kinita na niya ang nakakunot na noo ni Arthur Franz. Kung makapagsalita ang lalaki ay parang siguradong-sigurado ito na siya nga ang papasok sa pinto nang mga sandaling iyon.

Umaga pa lang pero nakakailang buntong-hininga na si Ada. Dinagdagan niya iyon ng isa pa bago itinuloy ang pagpasok. Agad siyang tumingin sa wall clock, pagkatapos ay umismid. "Pareho ang oras sa relo ko at sa wall clock, hindi pa ako late. Baka kailangan mo nang magpalit ng relo, Boss. O kaya ay magpatingin ka na sa ophthalmologist. Mukhang lumalabo na ang mga mata mo."

Malakas ang loob ni Ada na sagot-sagutin si Arthur Franz. Kung hindi siya gusto ng lalaki, lalong ayaw niya rito. Hindi niya ipagpipilitan ang sarili kay Arthur Franz. At lalong hindi siya kabilang sa mga babaeng nagkakandarapa sa paghabol at pagpapapansin dito.

Lalo pang kumunot ang noo ni Arthur Franz. "Kahit na! hindi tamang paghintayin mo ako. Learn some business etiquette, will you?"

"Are you speaking for yourself, Boss?" sarkastikong balik ni Ada.

"Just you!"

Kinalma ni Ada ang sarili para huwag nang sumagot. Tinungo na lamang niya ang kanyang mesa at inilapag doon ang dalang bag. Lumapit siya sa kinaroroonan ng coffee maker at nagtimpla ng kape para kay Arthur Franz. Inilapag niya ang tasa sa executive desk ng lalaki, pagkatapos ay binuklat ang organizer para sa schedule nito sa araw na iyon.

"Nine o'clock, meeting with David Yu of Yu steel. By nine forty-five you have to meet—"

"I-cancel mo lahat ng meetings ko ngayong araw. May lakad kami ni Mike," hindi tumitingin sa kanya na utos ni Arthur Franz.

"Hindi puwede."

"At bakit hindi puwede? Ikaw na ba ang magdedesisyon kung ano ang dapat kong i-cancel o hindi?"

Paint My Love (Completed!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon