Chapter 1

153 4 0
                                    


Annyeonghaseyo~ Ako nga pala si Yoona. In short Yoo. 20 years old. Nakasarili nako sa family ko, nag d-dorm ako kasama ng mga kaibigan ko na sina jiwoo at taelee 20 years old narin sila kaya pinayagan naman sila. Meron akong kuya. Kaso hindi mo makausap ng matino. Meron kaming restaurant na tinataguyod nina mama at papa ngayon.

*Seoul, South Korea*

Yoona's Pov

*6:00* 

Narinig kong nag alarm yung alarm clock ko sa room e kaso antok na antok pako kaya hinayaan konalang ito  Natulog nalang uli ako.

*6:15*

Minulat ko ang mata ko pero antok pa talaga ako e kaya nag extend pako sinabi ko sa sarili ko na 15 minutes pa.

*6:30*

Nag alarm nanaman ang alarm clock pero antok pa talaga ako e. Ayoko nang marinig pa ang tunog ng alarm clock kaya pinatay kona ito. At natulog nalang uli. Maya maya pa nagising ako sa ingay na narinig ko.

''Yoo!''
Nagulat ako dahil ang lakas ng pagtawag sa pangalan ko. Kahit na nagising ako hindi kopa minumulat ang mga mata ko kase antok na antok pa talaga ako.

''Yoona, Yoona!''
Ang lakas ng boses, nag duet pa talaga sina jiwoo at taelee sa pagtawag sa pangalan ko. Parang na ubos na ang pangalan ko sa kakatawag nila, Hinahayaan kolang sila.

''Yoo!''
Sa sandaling iyon narinig ko ng bumukas ang pintuan ng kwarto ko.

''Yoona! Ano pang ginagawa mo diyan? Oras na!''
Anong pambubulaog ang ginagawa nila.

Minulat ko ang mga mata ko at umupo. ''Ano ba? Anong pambubulaog ang ginagawa niyo. May gagawin ba tayo ngayon?''

''Yoo, diba usapan mag j-jogging
Tayo ngayon?''
Paglilinaw saakin ni taelee. Oo nga pala nakalimutan ko. Pinag usapan pala namin na mag
J-jogging kami, ilang times nila akong niyayaya pero eto palagi ang nangyayari.

''Sorry, oo nga pala. Pasensiya na''
Nakalimutan ko na mag j-jogging pala kami ngayon.

''Dalian mona, tumayo kana diyan''
Tinatayo ako ni jiwoo. At hinihila ang kamay ko, pero anong gagawin ko kung inaantok pako.

''Pasensiya na taelee, jiwoo. Hindi ako makakasama ngayon. Next week nalang uli. Promise magigising nako ng umaga''
Ang pa humble kong sinabi, para hindi na nila ako isama, sa next nalang na mag j-jogging uli sila. Inaantok pa talaga ako e, late nako'ng natulog kagabi.

''Aigo~ hindi ka nanaman makakasama, katulad ng dati?''
Paghihinayang ni taelee, pano ako sasama kung mukha pakong zombie.

''Next week nalang talaga promise. Sasama nanun ako, alis nakayo oras na matutulog pako e'' Inaantok pa talaga ako. Gusto kong matulog ng 5weeks.

''Sige na. Matulog kana Yoo, basta sa next na jogging uli sasama kana ha?''
Hayy, ang bait talaga ni taelee. Ramdam na ramdam mo sa boses niya ang bait niya, ang soft pa niya.

''aalis nakami yoo, kita nalang tayo sa restaurant niyo. Kaagad kang pumunta doon ha?''
Hindi pa nga sila nakakaalis, pagkain na kaagad ang iniisip. Aiggoo~

''Oo na sige. Kita nalang tayo don, ingat kayo ha? Bye~''
Pagkasabi ko nun, humiga na uli ako at nagpatuloy sa pagtulog ko. Ang aga kaya nun 6:30 e 12:00 pako nagigising.

''Aalis nakami yoo.''
At narinig kong nagsara ang pintuan ko sa kwarto. Umalis na siguro sila, walang makakapigil sakanila e. At ng nakaalis na sila nagpatuloy nalang ako sa pagtulog ko.

Look What You Made Me Do|KimTaehyungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon