Gusto kita matagal na

264 4 0
                                    

"Hoy Faith mag kaaway kayo ni Tristan?"

"Huh?! Hindi ah"

"Hindi?! Eh bakit di man lang kayo nag-uusap? Noon eh halos maubos ang 24hrs sa ingay niyong dalawa pag mag kasama kayo tapos ngayon ni Hi ni Ho wala kayo tell me LQ kayo no?"

"Hay nako ewan ko sayo baka naman imagination mo lang yun tsaka kung sakali man di po LQ ang tawag sa away namin Q lang kasi walang love. Gets?"

"Asus , sige ideny mo lang yan forever aminin mo na kasi kayo na no?" Sana nga kami na , sana nga may label yung relasyon naming dalawa para hindi naman ako naasa , hindi ako nag aantay at mas lalong hindi ako mag-eexpect mula sa kanya , hays! Napaka unexpected kasi ng mga pangyayari simula sa pag dating niya sa pagiging close naming dalawa , lahat lahat hindi ko inaasahan maging pagkahulog ko sa kanya hindi rin may mga bagay talaga na biglaan no? Kahit pala may gravity mahuhulog at mahuhulog ka parin at ang pinakamasakit na katotohanan eh sa panahon ngayon sahig nalang ang sasalo sayo

"Oh ano hindi ka na nakasagot diyan? Kung ako sayo Faith eh gagawin ko na ang DTR" I look at her confuse , DTR?

"DTR?!"

"Duh !Define The Relationship , para hindi ka nagkakaganyan nako nako yan ang hirap sa mga walang label eh walang limitations , hindi mo alam kung hanggang san ka pwede at san ka hindi tsk tsk tsk mahirap yan teh! Kaya dapat ngayon palang ayusin mo na kausapin mo na siya"

Tinignan kong mabuti si Tristan buti pa siya nakangiti eh pano naman ako? Ganun pala no kapag nasanay kang kasama yung isang tao , kapag nasanay kang kausap siya , pag nasanay kang lagi siyang nasa tabi mo mahihirapan karin pag bigla siyang nawala mangangapa ka kasi biglang nawala yung bagay na nasa daily routine mo na para kang kumain ng barbeque na walang suka , kulang. Ilang araw narin simula ng hindi kami mag-usap. Pinagmasdan ko siyang mabuti yung ganyang ngiti na dating kumukumpleto sa araw ko , Oo sige na inaamin ko na na-fall ako sa kanya nagkagusto ako sa kanya hindi ko alam kung kelan at paano nangyari basta isang araw nalang pag gising ko ayun na tinamaan nako.Nakakainis lang si kupido kasi bakit ganun , pwede namang dalawa kaming panain niya pero bat ako lang? Ganun ba siya katamad

Napabuntong hininga nalang ako unti - unti nanaman kasing nag babalik ang mga ala ala naming dalawa HAHAHA nakakatawa lang isipin na yung dating kasama mo sa lahat bigla ka nalang iniwasan bigla ka nalang di pinansin , pano nga ba kami nauwi dito ni Tristan? Hindi ko rin alam basta isang araw bigla nalang kaming hindi nag pansinan , isang araw bigla nalang natapos ang lahat wala na natuldukan na ang pag-iibigan naming dalawa este ang pag asa kong umibig rin siya sakin , hays ang hirap pala talagang mag mahal ng patago ano? Yung tipong ipapakita mo sa kanyang nakangiti ka masaya ka kahit sa loob loob mo halos mamatay matay ka na yung tipong irereto mo siya sa iba kahit sa ang puso mo sinasabing sana ako nalang at yung tipong susuportahan mo siya sa may gusto sa kanya kahit ikaw sa sarili mo alam mong hindi kadon sasaya.

Napaangat siya ng tingin dahilan para magsalubong ang mga mata namin agad akong umiwas dahil sa simpleng tingin na iyon libo libong salita ang gusto kong sabihin daan daang emosyon ang nais kong ipahiwatig pero dapat ko na siguro itigil ang pagiilusyon kong ito kasi alam ko naman sa sarili ko na kahit anong gawin ko hindi ko na mababago ang katotohanang wala talagang pag-asa , na baka isang araw paggising ko meron ng kaming dalawa dahil ang meron lang ay ako at siya.

***

Mahigit isang buwan narin ang lumipas pero wala paring nagbago , kung dati ay halos hindi kami mag hiwalay sa sobrang dami ng kwento ngayon ultimo tingin iniiwasan naming pareho

"Faith"

"Oh?!"

"Gala tayo bukas"

"Wag na ikaw nalang , tinatamad ako"

"Faith?! Pwede ba kitang makausap?" Muli ko nanamang narinig ang kanyang tinig , tinig na noo'y parang musika sa aking tenga , tinig na dati rati'y isa sa mga kumukumpleto sa araw ko , pero nag papasalamat ako dahil naibaling ko sa iba ang atensyon ko at sa mga sandaling ito mahigit pa sa isang daang pursyentong masasabi ko sa sarili ko na wala nakong nararamdaman pa para sa kanya

"Sige , ano ba pag-uusapn natin?" Sa halip na sumagot ay sinenyasan niya akong sumunod sa kanya sa likod kaya sumunod nalang ako habang papalapit ako sa kanya hindi ko maiwasang hindi kabahan wala man na akong nararamdaman kinakabahan parin ako sa mga bagay na possible kong marinig , mga bagay na baka makapagpabago ng nararamdaman ko ngayon , mga bagay na hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa

"Ano ba yung sasabihin mo?" Tinignan niya kong mabuti , bago siya mariing pumikit at nag-isip , iniisip niya pa siguro kung tama bang sabihin na niya ang mga bagay na gusto niyang sabihin at maging ako'y napapaisip rin kung dapat ko pa nga bang pakinggan ang mga bagay na kaniyang sasabihin o dapat nakong umalis at mas piliin nalang na wag siyang kausapin

"Wala ka naman yatang sasabihin , sige lalabas na ko may groupings daw" Malumanay kong tugon , ginagawa ko ang lahat para ipakita sa kanyang hindi ako kinakabahan sa pag-uusap na ito na hindi akward para saakin ang ganitong sitwasyon

"Ah... Hindi sige sasabihin ko na" huminga muna siya ng malalim bago muling tumingin sa akin

"Ano ba kase--"

"Hindi ko alam kung tama bang sabihin ko sayo to ngayon" napatigil ako sa sinabi niya sa bawat salitang binitawan niya mas lalong dumoble ang kabang nararamdaman ko

"Iniwasan kita ng matagal diba"

"Go straight to the point Tristan" medyo naiinis ko ng wika mas lalo kasi akong kinakabahan sa mga nangyayari , mas lalo akong kinakabahan dahil pautay utay niyang sinasabi

"Umiwas ako sayo kasi...."

"Wala na bang itatagal yan? May grouping tayo oh , baka naman mamaya hindi importante yang sasabihin mo"

"Okay Game"huminga siyang muli ng malalim sa bawat paghinga niya ramdam ko ang kaba niya na sa bawat salitang bibitawan niya ay magugulat ako at diko aasahang ganoon pala ang mga mangyayari

"Kaya ako umiwas sayo kase hindi ko na mapigilan" umiwas siya sakin ng tingin at tumingin sa bintana

"Hindi ko na mapigilang mahulog sayo , hindi ko na mapigilang hindi ka magustuhan , alam kong walang patutunguhan tong nararamdamn kong to kasi ako lang , sakin lang may malisya ang lahat ako lang yata ang nag aakalang may namamagitan sating dalawa na baka naman kasi pwede , na baka sa huli ay tayo rin" napatigil ako sa mga narinig ko pero kahit ganoon ay hindi nito nabago ang katotohanang wala na iba na ang gusto ko matagal ko ng tinapos ang kung ano mang nararamdaman ko para sa kanya na matagal ko ng pinatay ang pagmamahal ng puso ko sa kanya at matagal ko naring inialis ang pwestong nakalaan para sa kanya simula nung araw na hindi niya ko pinansin itinatak ko na saakin na kailangan ko ng tumigil sa kahibangang ito na kailangan ko ng pigilan ang walang kwentang nararamdaman ko

"Mas bagay kayo ng bago mo" nakangiting sambit ko sa kanya kahit na sa likod ng mga ngiting ipinakita ko ay ang kirot at pag asa dito sa puso ko

"HAHA" tumawa siya ng bahagya "Sabi ko na nga ba at ganyan ang magiging reaksyon mo , ano pa nga ba ang aasahan ko eh sa pag-ibig na ito ako lang naman ang umasa , umasang baka gusto mo rin ako , gusto ko lang sanang sabihin sayo na Gusto Kita Matagal na" dagdag pa niya saka tuluyang umalis at iniwan ako , ng marinig ko ang mga salitang iyon ay inaamin ko na kahit na kaunti ay umasa ako pero kahit ganoon hindi ko na hahayaang lumaki pa ang pag asang iyon hindi ko na hahayaan ang sarili kong mabiktima nanaman ng pag-ibig niya tama na sigurong nalaman ko na minahal namin ang isa't - isa hindi lang siguro kami ang itinadhana pero salamat narin at minsan ko siyang nakilala.

Gusto kita Matagal naTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon