Blue's POV
Karma, yan ang tanging naiisip ko ngayon matapos ibalita sakin nina Ate na balak nila akong ipakasal sa kung sino. Shit! Ano na naman bang kalokohan tong naiisip nina Ate. Kung buhay lang sina Mama at Papa, di nila to mapapayagan. For God's sake, 18 lang ako ah. Bakit parang ibinebenta na nila ako?
Paulit-ulit sa utak ko yung eksena kanina..
~ ~ Flashback ~ ~
"Blue! Blue! Gising Blue! Lasing ka na naman. Grabe ka talagang bata ka. Gising!" si Ate Jaja.
"Ate naman ano ba? Aga-aga ang ingay ingay mo! Pwede ba?! Natutulog pa yung tao eh."
"Anong maaga pa? Hoy Boris Landon! Anong maaga pa? Ala una na ng hapon!" matinis ang boses, si Ate Yuri yan.
"Gising na kasi Blue. May sasabihin kami sayo." si Ate Jessa yan. Ano naman kaya yun? Wala na akong nagawa. Umupo na ako habang nag-iinat.
Ikaw ba naman magkaron ng tatlong ate na makukulit. Haaayy. Di pa kasi magsipag-asawa para malaya na ako.. mwahahaha..
Naputol ang pag-iisip ko ng bigla akong batukan ako ni Ate Jessa. Tsk!
"Aray naman Ate Jessa, naku kung di ka lang matanda sakin.. naku!"
"Ano? May sinasabi ka Blue?" si Ate Jessa na akmang susuntukin pa ko. Grabe, maton talaga. Nakakatakot.
"Napala mo! Umayos ka nga kasi Blue, gusto pa laging nasasaktan eh." Ate Yuri.
"Ano nga kasi un mga witch kong Ate? Pag yan lang hindi mahalaga, hindi ko na kayo ipagluluto!" pananakot ko. Saming apat naman kasi, ako na nga yung lalake, ako pa yung magaling magluto.
"Mahalaga to. Magpapakasal ka na Blue! Hihihi" si Ate Jaja. Nakakatakot yung tawa nya.
Pero ano daw? Magpapakasal?
Akmang hihiga na sana ulit ako ng magprocess ang utak ko sa sinabi ni Ate.
"Ano?!?! Magpapakasal? Mga Ate naman. Ano na naman bang trip nyo sakin ha? Isusumbong ko na talaga kayo kina Mama at Papa." nawala lahat ng antok ko sa katawan ng maisip ko yung sinabi ni Ate Jaja.
"Magsumbong ka, halika samahan ka pa namin sa puntod nina Ma at Pa. For sure magugustuhan nila yung sinabi namin." si Ate Yuri. Kung magsalita sya merong "as a matter of fact" tone.
"Ano ba naman kayo mga Ate, seryoso ba kayo jan? Ang bata ko pa ha? Marami pa akong mamahalin na mga girls. Paano na sila?" mangiyak ngiyak kong sabi kina Ate.
Yung mga itsura nila, mukhang seryosong seryoso. Creepy.
"Kaya nga gusto namin na matali ka na eh, kasi andami mong pinaiiyak na mga babae. Kung maggirlfriend ka, sabay sabay. Para kang walang mga Ate." si Ate Jessa.
"Kasalanan ko ba na sila ang lumalapit sakin Ate Jessa? Di ko naman kasalanan na pinanganak akong gwapo." singhal ko sa kanya.
"Aba talagang sumasagot ka pa, Blue ha? Seryoso kaming tatlo, sa ayaw mo at sa gusto mo, magpapakasal ka kung hindi, tatanggalan ka namin ng mana. Pati allowance, credit cards, sasakyan, lahat ng luho mo, mawawala lahat sayo." si Ate Jaja.
"Ate Ja naman, di mo pwedeng gawin sakin yan. Bunso nyo ako tapos ginaganito nyo ako. Ayoko pang mag-asawa. Di pa nga ako graduate ng college eh. Illegal yang gusto nyo." ako.
"Illegal ka jan. Pag 18 na, pwede ng mag-asawa. Kahit pa hingan ka ng consent, buong puso naming ibibigay yun. Hahaha" si Ate Yuri.
"Di nyo na ba ako mahal mga Ate? Bakit gusto nyo na ako mag-asawa. Sige kayo, wala na kayong baby boy *pout*." ako.
BINABASA MO ANG
My Beloved and Wicked Sisters for My Wedding
HumorAnong gagawin mo kapag nalaman mo na ikaw na nag-iisang lalake at bunso ng pamilya ay magpapakasal sa taong hindi mo naman kilala? Tatakas ka ba o tatanggapin na lang ito kapag nalaman mo na pinagkaisahan ka ng mga ate mo? Ipagpapatuloy mo pa ba ang...