Blue's POV
Marriage is the last thing on my mind. Masyado akong gwapo para sa bagay na yun noh. And ngayon, parang candy lang na ipinapasubo sakin ng mga ate kong bruha.
Buti na lang hindi natuloy yung pakikipagmeet-up nya ngayon kung hindi, baka kung anong nagawa ko. Ayoko pa man ding maging brutal sa mga babae. Playboy ako, oo, pero iginagalang ko pa din naman sila.
Di naman ako umalis ng bahay, lumabas lang ako para magpahangin at nandito ako ngayon sa favorite tambayan ko, sa sanga ng puno. Bata pa lang ako umaakyat na ako dito. Tuwing napapagalitan ako, tuwing malungkot ako o tuwing gusto ko ng katahimikan.
At kaninang kanina ko pa gusto ko ng katahimikan dahil sa walang sawang pagtatalak ng mga ate ko. Akala mo mga hindi magkakasama sa bahay kung magkwentuhan, para bang miss na miss lagi ang isa't isa.
Dito, tahimik. Walang sagabal. Nakaakyat na ako sa puno. Sanay na sanay na akong umakyat dito.
Habang nakahiga, napapaisip tuloy ako kung ano kayang itsura nung sinasabi nina Ate. Sigurado na ako na maganda talaga yun kasi kilala ko ang taste nina ate. Di ko lang sure kung sexy yun.
Sa totoo lang iniisip ko na ding pumayag kasi wala naman talaga akong magagawa once na magustuhan nina ate yun, sila yun eh. Kung magpapakasal ako, pwede ko namang hiwalayan yun after ng isang taon o kahit ilang months lang.
Saka ko na iisipin yun, magpapahinga na lang muna ako dito.
Kaso nakakailang minuto pa lang akong nakapikit, narinig kong may tumawag sakin.
"Blue! Blue! Baba ka dyan bilis." tawag ni Ate Jessa.
"Nagpapahinga ako Ate. Pwede later?" pakiusap ko.
"Baba ka na bilis, alis daw tayo sabi ni Yuri." san naman kaya pupunta?
"San daw tayo pupunta?" tanong ko.
"Sa mapapangasawa mo ata.hihihi. Mamanhikan tayo. haha. Ang saya nito." baliw na si Ate.
Tumalon na ako mula sa puno. Medyo mataas pero sanay na ako kaya perfect landing. (,~~)
"Bilisan mo Blue, naghihintay na yung mapapangasawa mo." hila sakin ni Ate.
"Hayaan mo syang maghintay. Ilang taon na ba yun Ate? Bakit pinayagan sya ng mga magulang nya sa kalokohan nyo?" tanong ko.
"Kalokohan ka jan. Wala na din syang mga magulang Blue kaya you better behave okay?" ahhh kaya pala.
"So kaya pala pumayag sya ng ganun lang? Mayaman din ba sila gaya natin?" I want to know.
"Nope, she studies in a public school. Di sila mayaman at matagal ng wala ang mga magulang nya. Andami mong tanong bata ka." sabi ni Ate.
"Ahhh.. masama bang magtanong about sa future wife ko Ate? Eh di ko nga kilala yun so malamang magtatanong talaga ako, buhay ko ang nakasalalay dito ha?" ako
"Don't worry baby boy, kami ang bahala sa'yo." smile pa si Ate.
"Kayo ang bahala, ako naman ang kawawa." ako
"So payag ka na? Payag ka ng magpakasal?" si Ate
"May magagawa pa ba ako? Eh kayo yan eh." ako.
After 1 year, makikipaghiwalay agad ako sa kanya.
"Then halika na, sakin ka na sumabay ha? Wag ka ng magdala ng sarili mong kotse, mamaya tumakas ka pa." sya.
"Di ako tatakas Ate, kahit naman tumakas ako, mahuhuli nyo pa din ako eh. Lalo ka na." ako.
"Good thing you know it." Ate Jessa sabay kindat.
Racer si Ate at alam kong di ko sya matatalo kung pabilisan lang naman sa pagpapatakbo ng kotse. Baka bugbugin pa ako nito pag nahuli ako.
Like what she did before, di ako umuwi ng gabi kasi lasing na lasing ako.
Kinaumagahan, papauwi na ako nun nung mapansin ko na may sumusunod sakin na kotse, so what I did was pinaharurot ko yung sasakyan ko but then naunahan nya ako at hinarang.
And to my surprise, si ate Jessa ang sakay. Bugbog sarado ako ng maabutan nya ako kasi di daw ako umuwe.
Nabugbog na, nasabon pa. Grabe!
Anyway, wala na nga akong nagawa kundi sumama kay Ate.
Papunta na kami sa kotse ng makasabay namin si Ate Jaja at Ate Yuri. Galing sila sa loob ng bahay.
"Isang sasakyan na lang ang gamitin natin." sabi ni Ate Jaja.
"Ako na ang magdadrive Ate." si Ate Jessa.
So, pumasok na kami sa sasakyan and in a minute nakalabas na din kami.
Tahimik lang ako sa loob habang nakatingin sa labas ng pansinin ako ni Ate Yuri.
"Tahimik ata ang bunso natin, kabado baby?" tanong ni Ate Yuri.
Baby daw tapos ipapakasal naman ako bigla bigla.
"Of course not, Ate. I'm cool." cool naman talaga ako. I'm thinking about my plans.
"Sure baby boy?" tanong ni Ate Jaja.
"Of course!" masiglang sagot ko.
Di na ako kinulit nina Ate. Mukhang satisfied na sila sa sagot ko. Kilalang kilala na talaga ako ng mga Ate ko. Kahit na ganitong bagay, alam nilang wala akong magagawa sa kanila.
"Tulog ka muna Blue. Malayo-layo pa ang byahe natin." si Ate Jaja.
Tumango lang ako pagkarinig ko nun at pumikit. Pero dahil di naman ako inaantok, minulat ko ulit ang mata ako at tumingin na lang ulit sa labas.
Mga dalawang oras din ang tagal ng byahe namin papuntang Batangas. Batangas? May naalala ako sa lugar na 'to. Sa pagkakatanda ko, dito kami madalas magbakasyon nung maliit pa ako at buhay pa sina Mama at Papa.
Ilang sandali pa at tumigil na ang sasakyan namin. Ito na yata yun.
Masyadong liblib ang lugar na to kumpara sa lugar namin. Sobrang tahimik at nakakatakot.
"Anna, Anna." tawag ni Ate. Di ko napansin na nandun na pala sya sa may pinto. Namesmerize ako sa ganda ng lugar. Simple lang pero maganda.
Naglibot-libot muna ako, ayokong pumasok sa loob.
Marami ring puno kaya malamig. Malayong malayo sa lugar namin. Sa paglilibot ko, nakita ko na may ilog pala sa may likod ng bahay. Malinis at mukhang masarap paliguan.
Lumapit ako sa ilog. Kitang kita ko ung reflection ko. Nakakahanga, may ganito pa rin palang ilog hanggang ngayon. I was about to reach for the water when I heard someone's voice.
"Wag ka jan! Delikado jan." lumingon ako sa pinanggagalingan ng boses.
Ang ganda nya. Pero mukha syang manang.
"Sino ka? Anong ginagawa mo dito?" tanong nung babae.
Ang ganda talaga nya pero mukha syang mataray.
"Ahh. Ako si Blue. Ikaw sino ka?" tanong ko sa kanya.
"Anna." ahh so sya pala si Anna. Tama sina Ate, maganda nga sya.
"Ahh. Ikaw siguro yung sinadya nina Ate Jaja." ako.
"Ate Jaja? Nandito sina Ate Jaja? Nasaan?" napansin ko na biglang nagbago ang aura nya nung mabanggit ko yung name ni Ate Jaja.
"She's there." turo ko sa bahay nila.
"Talaga? Anong oras pa dumating?" nakangiti nyang tanong. Bipolar ba tong babaeng to?
"Kani --" di ko natuloy ang sasabihin ko dahil bigla syang tumakbo papunta sa bahay. Rude.
Wala na din akong nagawa kundi sumunod na lang sa kanya. Sya ba yung mapapangasawa ko?
to be continued..
by: akositheabong
BINABASA MO ANG
My Beloved and Wicked Sisters for My Wedding
HumorAnong gagawin mo kapag nalaman mo na ikaw na nag-iisang lalake at bunso ng pamilya ay magpapakasal sa taong hindi mo naman kilala? Tatakas ka ba o tatanggapin na lang ito kapag nalaman mo na pinagkaisahan ka ng mga ate mo? Ipagpapatuloy mo pa ba ang...