Chapter 4 - His Bestfriend
Blue's POV
"Baby Blue! Wala ka kahapon ah. Saan ka nagpunta? Bakit di mo ako sinama?" tanong sakin ng "bestfriend" ko daw na si Red.
"Tantanan mo nga ako ng Baby mo Pula. Tsaka ang dami mong tanong alam mo yun?" bakit ba ang dami kong kilalang baliw? Idagdag mo na yung tatlo kong ate.
Napabuntong hininga ako ng maalala kong nasa bahay na nga pala si Manang. Oo, sumama din sya samin nina Ate kahapon. At ayun, dun na nga din sya nakatira sa bahay. Nakakairita.
"Ang aga-aga, suplado mode ka na agad Baby Blue. Ano bang nangyari ha?" nandito na kami sa school ngayon. Dahil ayoko sa bahay, pumasok na lang ako ng maaga.
Dahil kay Red lang naman ako lubos na nagtitiwala sa apat kong barkada at sa kanya din ako pinakaclose, kinuwento ko yung gustong mangyari nina Ate. Ang ipakasal ako kay Manang.
"Wow! Cool! Uso pa pala yun ngayon? Mabuti nga yun, mababawasan ako ng karibal sa mga chickababes. Hahaha. Ayos talaga sina Ate Jaja. Hahaha" at tumawa pa sya ng tumawa habang nakahawak pa sa tyan nya. Sarap banatan.
Natigilan lang sya ng batukan ko sya ng malakas. "Aray naman Baby Blue! Makabatok ka naman, wagas na wagas." sabi nya habang hinihimas yung likod ng ulo nya.
"Makatawa ka din kasi wagas na wagas. Akala mo wala ng bukas." aba magkatono yun ah? Pwede na kong makipagbakbakan sa Fliptop. Hahaha.
"So ano ng balak mo? Susundin mo ba yung gusto ng mga ate mo?" biglang seryosong tanong ng kumag na 'to.
"Hindi ko na nga alam eh. Nasa bahay na si Manang. Sinundo nina Ate kahapon sa Batangas. Wala pa namang sinasabi sina Ate kung kailan yung kasal. Ang alam ko lang kahit baliw yung mga yun, kapag sinabi nila, seryoso sila dun. Mga baliw na yun, bakit ba hindi sila ang magpakasal?" bwisit kong tanong kay Red.
"Nasabi na nga sayo diba? Hirap na hirap na sina Ate Jessa sa mga suitors mo. Dinaig mo pa sila sa dami ng mga chicks na manliligaw mo. Para matapos na nga naman ang kabaliwan ng mga babae sayo, ipakasal ka na nga lang." sila pa talaga ang nahihirapan?
"Ahh basta! Wala pa akong maisip na paraan sa ngayon pero alam ko may paraan." tsk. Kung may sarili lang talaga akong yaman, naku, hinding hindi ako papayag sa gusto ng mga ate kong baliw na yun.
"Eh kung mambuntis ka kaya?" binatukan ko ulit si Red sa suggestion nyang yun.
"Aray Blue ha! Nakakadalawa ka na. Wag mong sabihing tropa tayo." at hinimas nya ulit ang batok nya.
"Puro ka kasi kalokohan. Anong mambuntis? Nahahawa ka na sa mga ate ko, baliw ka na rin mag-isip. Wag ka na ngang tumatambay sa bahay" singhal ko sa kanya.
"Sorry naman ha? Ako na nga tong nag-iisip para makatakas ka sa problema mo. Tsk. Walang utang na loob. Hindi mo na talaga ako mahal. Huhuhu" umarte pa sya na parang umiiyak. Sumasakit ang ulo ko sa taong to.
"Puro ka kasi kalokohan. Yung seryoso naman kasi. Hindi na nga ako makapag-isip ng tama eh."
"Eh kung ipapatay na lang kaya natin yung babae? Ano nga bang pangalan nun?" haaaayy. Napahilot na lang ako sa sentido ko. Suko na talaga ako sa pakikipag-usap sa taong to.
Dahil naiirita ako sa kakulitan ni Red, pinili ko na lang na huwag syang sagutin. Napailing-iling na lang ako at napabuntong hininga.
Paano ko ba naging kaibigan to? Mahilig sa babae pero napakabrutal naman. Tsk tsk. Palibhasa nag-iisang anak. Di kagaya ko, mahilig sa babae pero maalaga naman. Ikaw na naman ang magkaroon ng tatlong kapatid na babae.
Alam nyo ba ang totoong pangalan ni Red? Sehun Frederico Lim. Ang panget diba? Saan ba nakuha ng magulang nya yung pangalan nya? Naging Red lang yun nung nakilala nya ako. Para cool daw, Red na lang daw ang palayaw nya. Sya si Red, ako si Blue. Baliw lang.
"Nasaan na ba sina Drei?" tanong ko sa abnormal na to. Anim kami sa barkada. Ako, si Red, si Drei, si Lucas, si Holy at Bien. Puro anak mayayaman. Pero sa kanilang lima, kay Red talaga ako pinakaclose sa hindi ko malamang dahilan. Samantalang di hamak na mas matino sa kanya si Drei.
"Aba malay ko. Hindi ako hanapan ng nawawalang boyfriend ni Barbie!" tingnan mo tong isang to. Nabanggit ko lang si Drei, naging pilosopo na naman.
Ganyan yan eh, kalalakeng tao seloso. Pinagseselosan si Drei. Bakla kaya tong si Red na to? Pero hindi eh, halos kasingdami na ng mga naging girlfriends ko ang naging girlfriends nya.
"Itext mo na nga. Late na naman sila sa klase. Porke ako yung class president ganyan na sila." tama po, ako yung nanominate na Class President. Kagagawan yun ng mga baliw ko ding barkada. Pinagtulungan ba naman ako. Ako tuloy yung napeperwisyo kapag late sila sa klase.
"Oo na. Bakit kaya hindi pa sya ang nagtext, may kamay naman. Unli naman!" bulong ni Red. Hindi ko pala alam kung bulong nga yun kasi dinig na dinig ko naman.
"Anong sabi mo?!" sigaw ko sa kanya. "Wala! Eto na nga oh!" nakita ko na inilabas nya ang phone nya at nagpipindot na doon, susunod din pala.
Pumaling ako sa kanan ko at bigla akong napatayo sa inuupuan ko ng makita yung crush na crush ko. Si Tanya. Ang ganda nya talaga. Mukhang papunta sya dito samin.
"Hi Blue!" bati sakin ni Tanya. Mukha talaga syang anghel sa sobrang ganda.
"Hi Tanya. Going to your class? Hatid na kita." ang swerte ko kapag naging girlfriend ko to.
"Nope, sinadya talaga kita. Sasabay sana ako sayo sa lunch mamaya. Okay lang ba? Wala pa kasi sina Mia at Shane." sina Mia yung lagi nyang kasama.
"Sure, no problem. Text ka lang." I said then I flashed a smile. Kapag sinuswerte ka nga naman oh, patuka na ang lumalapit sa manok.
"Thanks, Blue! Sige una na ako ha?" nagbeso pa sya sakin bago sya umalis. Amoy na amoy ko ang pabango nya. Ganun ang tipo ko sa babae, maganda, maputi at palaging mabango.
"Bye Red!" paalam din nya kay Red na kasalukuyang nagtetext pa rin. Tumango lang naman si Red at ngumiti ng tipid bilang tugon. Bagal talaga nito, magtetext lang inaabot pa ng siyam siyam.
"Ano daw kailangan nya?" tanong sakin ni Red matapos magpipindot sa phone nya.
"Sabay daw kaming maglunch." excited na ko mamaya. Pwede bang lunch na agad? Tagal naman ng oras, 9am pa lang.
"Ahh. Yun lang pala, hindi ka na lang itinext para sabihin yun."
"Tss. Eh sa gusto nya akong makita eh. Di naman ako manhid para hindi mahalata yun. Haha" sabi ko sabay tapik ng mahina sa baba nya. Ugali ko na yun, yung tapikin o kaya hawakan ang baba ni Red.
"Sige lang, magbuhat ka ng sarili mong bangko Baby Blue. Magpakasaya ka na habang maaga pa. Mwahahaha." o...kay. Creepy si Red paminsan minsan. Hindi pala paminsan minsan, madalas pala.
"Blue! Red!" napalingon kami sa tumawag. Sina Lucas pala, buti naman at dumating na sila.
"Lucas, tagal nyo naman. Kala ko magpapalate na naman kayo." bati ko kay Lucas na malapit na ngayon samin.
"Ito kasing si Drei, padalaga kumilos. Kakupadkupad. Wala na namang ikakagwapo pa." bugnot na sabi ni Bien habang tinuturo si Drei.
Kambal nga pala sina Drei at Bien. Pareho silang may taling sa mukha at dun namin nadidistinguish kung sino si Drei at kung sino si Bien.
Si Drei ang may taling sa may left side ng cheeks nya samantalang si Bien naman ay nasa baba ang taling.
"Sinisi mo pa ako, pareho lang naman tayo ng itsura!" inis na sabi ni Drei kay Bien.
"Sus, talagang makupad ka lang. Aminin mo na. Ako 10 minutes lang maligo, samantalang ikaw inaabot ng isang oras." si Drei.
"Palibhasa hindi ka naghihilod. Sumbong kita kay Mama eh." si Bien. Parang bata talaga tong dalawang to. Hindi gumaya kay Holy na busy lang sa pagkain.
"Tama na nga yan, tara na pumasok na tayo. Baka dumating na yung Prof natin." awat ni Lucas sa dalawa. Inakbayan ako ni Red at naglakad na kami papasok sa room namin.
Sa kanilang lima, si Red pa lang ang nasasabihan ko tungkol sa delubyo ko sa buhay. Sasabihin ko pa ba sa iba? Wag na lang kaya? Pustahan, kakantyawan ako ng mga 'to.
BINABASA MO ANG
My Beloved and Wicked Sisters for My Wedding
HumorAnong gagawin mo kapag nalaman mo na ikaw na nag-iisang lalake at bunso ng pamilya ay magpapakasal sa taong hindi mo naman kilala? Tatakas ka ba o tatanggapin na lang ito kapag nalaman mo na pinagkaisahan ka ng mga ate mo? Ipagpapatuloy mo pa ba ang...