Chapter 3 - Drowned

32 2 0
                                    

Blue's POV

"Ate Jaja! Ihhhhh!" tili nung si Anna na yun. Parang baiw lang. Weird.

Kanina lang parang kakain sya ng tao sa talim nya tumingin, ngayon naman para syang bata.

Sinundan ko na lang sya papunta sa bahay nila. May kasama kaya sya dun? Medyo luma na yung bahay pero makikita mo na naaalagaan pa din.

Simple life, sabi nga nila.

"Anna!" lumabas mula sa pinto sa likuran si Ate Yuri.

" Ate Yuri! Andito ka din? Si Ate Jessa ba andito din? Sabi kasi nung lalake andito daw si Ate Jaja. Di ko alam na kasama pala kayo. hihi" sabi nya sabay turo sakin.

"Lalake? Ahh si Blue ba? So nagkita na pala kayo." nakangiting sabi ni Ate Yuri.

"Kanina pa ba kayo? Bat di nyo man lang ako sinabihan na pupunta pala kayo dito? Sana nakapaghanda ako." nakapout na sabi ni Manang.

"Ano ka ba? Okay lang yun tsaka surprise nga eh." sabi ni Ate Yuri sabay hampas sa balikat ni Manang.

"Anna! San ka ba galing? Kanina ka pa namin hinahanap." biglang lumabas ng pinto si Ate Jessa kasunod si Ate Jaja.

Siguro sanay na sila sa bahay na to. Basta basta namamasok ng bahay ng mga bahay. Tsk. Pasaway na mga ate.

"Magkakilala na ba kayo?" tanong ni Ate Jessa.

"Yeah" maikling sagot ko.

"Nakita ko sya kanina sa may ilog. Delikado dun eh." sabi ni Manang na nakatingin sakin. Ang talim ng tingin nya.

"So Anna, remember what I've told you before?" si Ate Jaja.

"Na isasama nyo ako sa inyo? Eh Ate, pano na tong bahay?" si Manang.

"Don't worry, I'll hire someone para maalagaan at mabantayan pa din tong bahay nyo." nakangiting sabi ni Ate Jaja.

Ngumiti din si Manang. So, ibig sabihin talagang napag-usapan na nila ito before? At agad namang pumayag ang babaeng to? Ano ba sya, social climber?

Gustong gusto kong itanong ang mga yun pero di ko magawa. Sabi nina Ate behave daw ako. I know it's rude to judge someone. I just can't help it. Ipagkakatiwala nila ang buhay ko sa babaeng yan?

"Salamat mga Ate. Salamat po sa pag-aalaga nyo sakin." nakayukong sabi ni Manang.

"Pero isasama nyo na po ba talaga ako sa Maynila? Isa ko pa po kasing inaalala eh di pa ako nakakapagpaalam kina Tatay." mahinhing sabi ni Manang. Parang hindi sya ung nanaway sakin kanina.

"Okay lang Anna. We understand. We can give you more time para makapagpaalam ka sa mga tatay mo. Pwede ka naming samahan if you want." alok ni Ate Yuri.

"Kala ko ba patay na ang parents nya? Pano kayo magpapaalam?" sabat ko.

"Why so Insensitive Blue?!" saway ni Ate Jaja.

"What?! Nagtatanong lang naman. Di ba yun ang sabi nyo sakin?" sagot ko.

"Isa pa Blue ha?" banta ni Ate Yuri na syang pinakamalapit sakin at akmang papaluin ako.

"Just asking lang naman eh." sabi ko. At nanahimik muna ako.

"Tama na yan mga Ate." saway ni Manang samin. Kinuha ko na lang ang phone ko at kinalikot ito.

"Ay sorry po pala, pasok tayo sa loob. Malamig dito mga Ate." aya nya sa kanila. Ngayon nya lang naisipan yun? Slow.

Nakita ko na lang na nagsipasukan na sila sa loob at sumunod na lang ako.

Ang ingay nila sa loob, puro daldalan. Halatang miss na miss ang manang na yun.

Tutal eh OP naman ako sa kanila at ayokong makinig sa mga usapan nila, kinuha ko na lang ang headset ko at umupo sa nakita kong tungga tungga.

After ng ilang pagtungga sa inuupuan ko, di ko namalayan na nakatulog na pala ako. Paggising ko wala sina Ate. Saan kaya pumunta ang mga yun?

Lumabas ako ng bahay para hanapin sina Ate. Kaso pati sasakyan wala, iniwanan na ako?

Linshak na buhay naman to oh. Di man lang ako ginising? Pumunta na lang ulit ako sa may ilog.

Ang ganda talaga ng ilog na'to. Malinaw na malinaw ang tubig.

Wala naman sigurong masama kung itry ko maligo dito. Tutal iniwanan nila ako, ieenjoy ko na lang ang tubig.

Naghubad ako ng pantaas ko at lumublob sa ilog. I was already enjoying the water ng bigla akong madulas. Di ko namalayan na may malalim pa lang part itong ilog na'to.

Di ako makalangoy ng ayos kasi parang may humihila sa paa ko. Kinakapos na din ako ng hininga. I was about to give up when suddenly someone grabbed me on my hand.

Dinala nya ako sa may tabi ng ilog. Di ko makita ang mukha nya dahil nasisilaw ako sa araw.

Ang alam ko lang, naririnig ko ang boses nina Ate. Ang iingay pa din. Pakiramdam ko mawawalan na ako ng malay then I felt someone's lips on mine. Sino ba to? Bakit biglang nanghahalik then I realized that she's giving me CPR.

Napaubo ako ng tubig.

"Ang kulit mo! Sabi ng wag kang lalapit sa tubig eh!" pagtingin ko sa nagsalita, si Manang pala.

Masama na naman ang tingin sakin. Pansin ko lang ha? Pag sina ate naman ang kausap nya, okay na okay naman sya. Tomboy ba to?

"Blue okay ka lang ba? Muntik ka na dun ah. Buti nakita ka agad ni Anna." sabi ni Ate Jaja.

"Ano namang naisipan mo at naligo ka sa ilog Blue?" tanong ni Ate Jessa.

"Sorry. Natuwa lang ako masyado sa tubig kaya and I had this urge to get in the water." paliwanag ko.

"Halika dun tayo sa loob. Tayo ka na jan Blue. Buti na lang dumating kami agad at naligtas ka ni Anna." si Ate Yuri,

Lumingon ako kay Manang, masama pa rin ang tingin sakin.

"Th- thanks!" tumango lang sya.

"Delikado sa ilog na yan. Marami ng namatay dyan. Taon taon, may nawawala. Pasalamat ka talaga." sabi nya.

Kinilabutan ako sa sinabi nya at agad na tumayo. Kinuha ko ang tshirt ko at isinuot ito.

"Magpalit ka sa loob Blue. Aalis na din tayo maya maya." si Ate Jessa.

"I don't have extra clothes." nakatayo na ako pero parang nanghihina kaya medyo natumba ako.

Buti nasalo ako ni Manang. Napakapit ako sa balikat nya habang sya naman nakahawak sa bewang ko. Inakay na nya ako papasok sa bahay.

Pagtingin ko kina Ate, parang mga sira lang. Kapit kapit sila ng kamay at patalon talon pa.

"Anong problema nyo?" puna ko sa kanila.

"Wala, sige na magpalit ka na sa loob. Anna, pahiramin mo muna si Blue ng mga damit ni Tatang ha?" utos ni Ate Yuri.

Anak ba sya ni Tatang? Isa lang ang kilala kong tatang eh, yung mabait na hardinero sa bahay dati. Kaso wala na sya.

Di pa man kami nakakailang hakbang ng marinig ko ang boses ni Ate Jessa.

"Nakita nyo ba yun? Di ba nakakakilig? Ihhhhh."

"Oo nga, oo nga. Ang sweet nila. Yihhhh" Ate Yuri.

Automatic naman na napalingon ako at sinamaan sila ng tingin. Mga baliw kong ate.

Pero dahil napahiya ako, bumitaw ako kay Manang at naglakad na papasok sa loob. Haaayyy. Ano ba kasing gustong mangyari sakin nina Ate. Nakakainis.

------------------------------------------

My Beloved and Wicked Sisters for My WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon