Irog

62 1 0
                                    

Prologue

      Sabi nila, umiibig ka kung yung taong 'yun ang una at huling taong pumapasok sa isip mo pagkagising mo sa umaga at bago ka matulog sa gabi.

Umiibig ka kung napapangiti ka sa tuwing naaalala mo siya.

Sabi nila pagibig ang nadarama mo kung dahil sa nararamdaman mong pagmamahal nakukuha mong magbago para sa ikabubuti.

Umiibig ka kung unti-unting napapalitan ng tapang ang takot mong masaktan.

At higit sa lahat,

Umiibig ka kung kaya mo siyang palayain dahil dun siya mas magiging masaya...

Dahil sabi nga nila (ulit),

Ang kalayaan ng taong mahal mo ay isang regalong napakahirap ibigay.

IrogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon