"Guys, punta daw sa meeting room lahat ng taga editorial sabi ni Sir."
Ito ang bungad sa akin pagkadating na pagkadating ko sa opisina. 'Di pa nga ako nag-iinit sa kinauupuan ko meeting agad.
Kaagad ding nagsitayuan ang mga kasama ko para pumunta kay Sir. Kasabay ko namang naglakad si Jolas.
"Hi Eda!" Cheerful niyang pagbati.
Tiningnan ko lang siya na parang nangdidiri. Natawa lang siya sa akin.
-----
"Magandang umaga Pinitak." Bati ng boss namin sa amin.
"Maupo muna kayo." Seryoso niyang sabi.
Naupo naman kaming lahat. Medyo kinakabahan kami kasi hindi naman mahilig magpatawag ng meeting itong si Sir dahil maayos naman kaming magtrabaho.
"Una sa lahat, gusto kong malaman ninyo na nalulugi na ang kompanya kaya naman napagdesisyunan ng mga board members na magbawas ng empleyado." Huminto siya sandali.
Anong kompanya? Board members???
Nakakunot ang noo naming lahat dahil sa pinagsasabi niya.
"Pero siyempre joke lang. Haha."
Napataas naman ang kilay namin sa joke niyang corny.
"Ehem.. Anyway, I just want to inform everyone that there'll be few changes on our newspaper." Nacurious naman kaming lahat kung ano 'yun.
"Ms. Kate Soriano here, my secretary, would give you the details later but for now I'd like to introduce someone. Hijo, come here." May sinenyasan siya sa may bandang likuran at pinalapit ito sa kanya.
Nahihiya namang pumunta sa may harapan 'yung lalaki.
"Everyone, I want you to meet Axel De Guzman."
"Hi." Matipid na bati nito sa amin at saka bahagyang ngumiti.
"Siya ang magiging official photographer ng Pinitak, although of course we'll still have our free lancers. But from now on this guy beside me will be incharge of anything you want to feature. Feel free to drag him with you if you need him, just talk to him for his schedule." Pagwiwika ni Sir. Ang haba ng introduction. Special?
"And inaanak ko ang binatang ito so since he's new try to be nice to him." Ah, special nga.
Matapos ng mala-VIP niyang pagpapakilala dun sa photographer ay ipinasa niya na kay Kate ang pagpapaliwanag ng sinasabi niyang changes.
Kabilang dito ang paglalagay ng larawan namin sa aming dyaryo, and we have to talk to the new employee about it.
Mahigit tatlumpong minuto rin siguro ang itinakbo ng meeting. Matapos iyon ay pinabalik na kami sa aming mga gawain.
Nag-aayos ako ng kung anu-anong papel ng mapansin kong may imahe ng tao sa tabi ko.
"Hi." Bati nito.
"Hello." Bati ko rin sa kanya ng hindi tumitingin. May hinahanap. kasi akong folder. Hindi ko makita. Nasaan na ba kasi 'yun? Tsk.
Maya-maya pa ay kinalabit na ako nito. "Miss?"
"Oh?" Tumingala ako at tinaasan ito ng kilay.
"Ah Miss--"
"Eda, Eda Guevarra ang pangalan ko, Eda na lang okay?" Pagtataray ko. Ayoko nga kasi sa lahat naabala ako, hindi ako nanananto. Kahit inaanak pa siya ni Sir.
"Ah Eda. I'm Axel de Guzman, yung new employee."
"Alam ko." Bumalik ako ulit sa ginagawa ko. "Ipinakilala ka na sa amin kanina 'di ba?"
"Ang sungit." Bulong nito na obviously ay narinig ko naman.
"I know, thanks." Saka ako ngumiti ng pagkatamis tamis. "Anyway, what are you here for?"
Ngumiti siya, yung ngiting alam mong naiinis na siya.
Natatawa tuloy ako sa isip ko. Haha.
"I just wanna ask if you're busy tomorrow? I need to take everyone's pictures as soon as possible sana para maprint na."
I smiled, 'yung ngiting iritable rin. "Palagi akong busy, pero sige bukas ng hapon isisingit kita sa sched ko."
"Okay then, thanks sungit."
Sasagot pa sana ako kaso umalis na siya. Walang hiyang lalaki feeling close maka-endearment!
"Psst, Eda!" Pagtawag ng kaopisina kong si Jane.
"Oh Jane, problema?"
"Ang pogi niya nu? Tapos sinusungit sungitan mo lang. Tingin mo may girlfriend na 'yun?" Nanghahaba pa ang leeg niya sa pagsilip sa akin.
"Alam mo Jane, kung ang pagbabasehan ng pagiging pogi ay ang mga mata mo, malamang kahit mga unggoy sa Zoo magiging boyfriend mo." Ahhhh. Mali, nagana na naman pagiging maldita ko.
"Grabe ka naman Eda." Sabi ni Jane na akala mo ay iiyak na.
"But well, you're right. He is cute. Pero cute lang ha! Bagay kayo." Pambawi ko man lang sa nasabi ko.
"Talaga?"
Tumango lang ako at ngumiti ng matipid. White lies won't hurt right?
A/N : Nasa drafts pala ito. Di ko alam. Edi wow.
BINABASA MO ANG
Irog
RomancePrologue Sabi nila, umiibig ka kung yung taong yun ang una at huling taong pumapasok sa isip mo pagkagising mo sa umaga at bago ka matulog sa gabi. Umiibig ka kung ngumingiti ka sa tuwing naaalala mo siya. Sabi nila pagibig ang nad...