Kabanata 2. Mi Amor
Kinagabihan, pag-uwi ko sa inuupahan kong bahay kumain lang ako ng cup noodles. Nakakatamad magluto, ako lang naman ang kakain. Para tipid na rin sa oras at gastos.
Bente tres anyos ako nang mapagdesisyunan kong bumukod na. Bilang isang manunulat sa peryodiko ( na ngayon ay kakaunti na lang ang nagbabasa dahil nauso na ang telebisyon at internet ) kailangan ko ng katahimikan na hinding hindi ko makakamit sa bahay namin dahil palaging parang may gyera doon araw-araw. Maingay!
Sanay naman akong mamuhay ng mag isa dahil noong nag aaral pa ako ay sa dormitoryo ako nakatira. Tiwala ang mga magulang ko sa akin. Napatunayan kong responsable naman na ako kahit hindi nila ako palaging nasusubaybayan. Nung una nga ay tutol pa ang tatay ko pero malauna'y pumayag rin siya.
Ahhh. Lumalalim na ang gabi. Nalulunod na naman ako sa mga iniisip ko.
Kasalanan 'to ni Jolas! Dapat kanina pa ako tulog e. Pinaalala niya kasi si... Hay.
Ano na kayang ginagawa niya? Dati kapag ganitong oras ay palagi kaming nagtatawagan at magkausap.
Huling pag-uusap namin ay walong buwan na ang nakalilipas.
Inaamin ko nagalit ako sa kanya noong una, pero wala naman akong magagawa kagagawan ko rin naman kasi.
Nalilito na ba kayo?
Gusto niyong ikwento ko?
Sige. Sagutan niyo muna ang tanong na ito :
Pedro has 11 horses, when he died he gave 1/4 of it to Shakespeare, 1/2 to Beethoven and 1/6 of it to Einstein. How many horses did each-------?
Huwag niyong seryosohin joke lang. Ikukuwento ko na.
May kasintahan ako noon si Karl, siya yung tinutukoy ni Jolas sa text nito sa akin.
Maayos naman ang naging relasyon namin nung una pero ng nagtagal ay hindi na kami magkasundo.
Siya lang ata ang nag iisang lalaking minahal ko ng totoo kaya masakit sa akin ang hindi namin pagkakasundo. Akala ko pa naman ay compatible kami gawa ng marami kaming pagkakapareho. Tulad ko, mahilig din siya magbasa ng mga kung anu-ano. E ako pa naman kahit diyaryong pinagbalutan ng tinapa binabasa ko. Mas masarap yatang magbasa ng may nahahawakan kang papel hindi yung pinipindot-pindot na screen lang palagi. Nakakalabo kaya yun ng mata.
Pareho din kaming mahilig sa mga nakakaiyak na pelikula. Bihira na ngayon ang lalaking umiiyak kapag nakapanood ng magkasintahang nagkatuluyan sa kabila ng sangkatutak na balakid.
Pareho rin kaming di mahilig mag-alaga ng hayop.
Paborito namin pareho ang kulay na puti.
Pareho kaming naglalaro ng minecraft.
Pareho kaming prangka.
Pareho kaming mahilig sa math.
Pareho--- mamaya naman yung iba, iisipin ko muna.
At higit pa sa mga nabanggit, matalino siya, na gustong gusto ko sa isang lalaki. Pero ika nga nila kapag raw matalino kayo pareho ng kapareha mo, ( oo matalino rin ako! ) wala sa inyong dalawa ang ibig magpatalo, walang gustong maunang magbaba ng pride. Ang kinahinatnan, away kami ng away hanggang sa mapagod na ako at humingi ng oras para makapag-isip isip.
Aba e, paano ba naman, pati network ng simcard na bibilhin namin hindi namin mapagdesisyunan ng hindi nagtatalo. Pambihira!
Kaya ayun yung 'cool off ' nilang tinatawag na iminungkahi ko sa kanya, natuluyan.
Nung una tumatawag tawag pa siya sa akin, nangangamusta, nakikipag-ayos, sinasabing miss na miss niya na raw ako at palagi niya raw akong napapanaginipan sa gabi. Tiniis ko siya, ang buong akala ko nga kasi epektib.
Nagulat na lang ako isang araw nang binalita niya sa akin na may nobya na raw siya at ibang-iba raw ito sa mga babaeng nakilala niya.
Akala ko nabibiro lang siya noong sinabi niya yun. Yun bang pinagseselos lang ako o sinusubukan lang niya ako para bumalik na ako sa kanya. Pero hindi, ramdam ko yung saya niya habang nagkukuwento.
Ang sakit nun, akala ko pa naman nagkakaunawaan kaming dalawa na mag-iisip lang, aba't iniwan ako sa ere! Ang dami kong akala.
Siyempre hindi naman ako santa para hindi magalit. Umiiyak ako kahit sa telepono lang. Sabi ko ang kapal ng mukha niya, hindi pa naman kami hiwalay. Ang sinagot lang niya sa akin ay hindi raw niya kasi makita sa akin ang wifely attitude.
Anong ibig sabihin niya doon? Ni hindi niya nga ako hinahayaang kumuha ng sarili kong tubig inumin! Lahat ng gagawin ko para sa sarili ko o para sa kanya hinaharang niya. Hindi ako yung tipo ng tao na dumedepende sa iba pero hinayaan ko siya dahil ang isip ko ay baka ganun lang talaga siya maglambing. Tapos...Tapos! Haay.
Naiinip na ba kayo sa makabagbag damdamin kong kwento? Napahaba e. Sa tuwing babalikan ko kasi ang mga alaalang yun nabubuwisit ako!
Hindi ko alam kung umaampalaya lang ba ako o mahal ko pa ba siya.
O baka naman both?
Ahh. Traydor na konsensya!

BINABASA MO ANG
Irog
Storie d'amorePrologue Sabi nila, umiibig ka kung yung taong yun ang una at huling taong pumapasok sa isip mo pagkagising mo sa umaga at bago ka matulog sa gabi. Umiibig ka kung ngumingiti ka sa tuwing naaalala mo siya. Sabi nila pagibig ang nad...